Saturday , September 21 2024

Classic Layout

13 areas sa N. Luzon signal no. 1 kay Vinta

NAKATAAS sa signal number 1 ang 13 lugar sa hilagang Luzon dahil sa bagyong si Vinta. Ayon sa ulat ng Pagasa, kabilang sa mga nasa ilalim ng babala ng bagyo ay ang Cagayan, Calayan Group of Island, Babuyan Group of Island, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Benguet, Ifugao, Isabela, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino at Nueva Ecija. Ang mga lugar na nabanggit …

Read More »

Indian nat’l na mall owner dinukot; 1 patay, 1 sugatan

KORONADAL CITY – Patay ang isang security escort at isa pa ang sugatan makaraang dukutin ng apat armadong kalalakihan ang Indian national na may-ari ng malaking mall sa Cotabato City. Ayon kay S/Supt. Rolen Balquin, chief of police ng Cotabato City, dinukot ng mga kalalakihan si Mike Khemani, may-ari ng Sugni Superstore sa nasabing lungsod. Inihayag naman ni Aniceto Rasalan, …

Read More »

Comelec sinilaban ng talunan pulis patay

PATAY ang isang pulis sa naganap na sunog sa opisina ng Commission on Elections sa Iligan City kahapon ng madaling-araw na sinasabing sinilaban ng talunang kandidato sa nakaraang barangay elections. Nagsimula ang sunog dakong 2:20 a.m. at naapula pasado 3 a.m. Kinilala ang namatay sa sunog na si PO1 Rey Borinaga, miyembro ng city’s public safety company. Kabilang si Borinaga …

Read More »

Labi ng Pinoy welder narekober na

INAAYOS na ng Philippine Embassy sa Washington ang agarang pagpapauwi sa labi ng Filipino welder na si Peter Jorge Voces, sinasabing nahulog habang nagtatrabaho sa isang oil rig sa Gulf of Mexico. Kinompirma kahapon ni Philippine Ambassador Jose Cuisa, narekober na ng US Coast Guard ang labi ng biktima, tatlong araw matapos maiulat na nawawala. Batay sa inisyal na imbestigasyon, …

Read More »

Temperetura sa Baguio City bumagsak sa 12°C level

BAGUIO CITY – Bumagsak sa 12 degrees Celsius level kahapon ang pinakamababang temperatura sa summer capital ng bansa. Ayon sa Pagasa-Baguio, umabot sa 12.8 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura na naitala nila dakong 4 a.m. kahapon. Ito na ang pinakamababang temperatura na naitala sa lungsod ng Baguio ngayong “Ber-months” mula sa 9.5 degrees Celsius na naitala naman noong nakaraang Pebrero …

Read More »

Cessna bumagsak sa lahar, 2 ligtas

NAG-CRASHLAND ang Cessna 152 aircraft s Sta. Fe Lahar Trail sa Central Luzon kahapon, ayon sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines. Sinabi ni CAAP deputy director general Rodante Joya, sa inisyal na ulat, ang 152 plane (RPC-8832) ay bumagsak sa lahar trail dakong 8:25 a.m. kahapon. “The aircraft depart(ed) at 7:52 a.m. for Baguio,” aniya. “Based on …

Read More »

Hinaing ng Ilocos farmers dininig ni Villar

SINIMULAN ni Senadora Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture, ang pagdinig hinggil sa  hinaing ng mga magsasaka sa Ilocos Norte  at Ilocos Sur kaugnay ng malaking importasyon ng bawang na dahilan kung bakit naapektuhan ang lokal na produkasyon at kinikita ng industriya ng bawang. Sa public hearing na ginawa sa Mariano Marcos State Univereity sa Caunatyan, Batac City, …

Read More »

9 preso pumuga sa CamSur jail

NAGA CITY – Patuloy ang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa siyam bilanggo na tumakas mula sa Tinangis Penal Farm sa Pili, Camarines Sur. Ayon sa ulat ng Pili MPS, dakong 2:30 a.m. kahapon nang iulat ni Susan Bergantin, staff ng penal farm, ang insidente. Ayon kay Bergantin, dakong 12:30 a.m. kahapon habang nagsasagawa siya ng roving inspection kasama …

Read More »

2 utas, 20 sugatan sa nahulog na bus

DALAWA ang kompirmadong patay habang 20 ang sugatan matapos bumulusok ang pampasaherong bus kahapon sa Carrangalan, Nueva Ecija. Bangkay na nang idating sa Nueva Vizcaya General Hospital ang mga biktimang sina Christy Lauyan, 37, at Jennifer Tayuto, 18, ng Makati City. Ayon sa ulat, dakong 12:30 a.m. nang maganap ang insidente sa bulubunduking lugar ng Brgy. Capintalan sa nabanggit na …

Read More »

Mag-ina kritikal sa taga ng lasing

LEGAZPI CITY – Kritikal mag-ina sa lalawigan ng Albay matapos pagtatagain ng kanilang kapitbahay dahil sa bintang na pagnanakaw ng alagang manok. Kinilala ang mga biktimang si Siony Broma, 49, at anak niyang si Jaime Broma, 14, pawang mga residente ng Purok 3, Brgy. Masarawag, Guinobatan, Albay. Batay sa ulat ng pulisya, bigla na lamang sinugod ng lasing na suspek …

Read More »