Saturday , November 16 2024

Classic Layout

Transport holiday sa Mayo Uno-PISTON

MALAWAKANG transport holiday ang ilulunsad ng militanteng transport group na Pagkakaisa ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa darating na Mayo uno. Ayon kay George San Mateo, national president ng PISTON, ito ay protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at singil sa koryente. Giit niya, sobra-sobra na ang hirap na dinaranas ng transport sector lalo ang …

Read More »

3 Pinoy nurses sa Saudi positibo sa MERS-CoV

TATLONG Filipino nurses ang panibagong biktima ng Midde East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV). Ang tatlong Filipino ay kinabibilangan ng 28-anyos babaeng nurse na nagtatrabaho sa Dr. Sulaiman Al-Habib Hospital sa Riyadh, Saudi Arabia. Ngunit hindi siya nakitaan ng ano mang sintomas ng virus. Ang dalawa pang Filipino na nagpositibo rin sa MERS-CoV ay kapwa nagtatrabaho sa Al-Noor Hospital sa Makkah. …

Read More »

10 OFWs minaltrato sa Malaysia

SAMPUNG overseas Filipino workers (OFWs) ang pinahihirapan sa bansang Malaysia na  nagpapatulong sa pamahalaan. Siniguro ng Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA-10) na bibigyang tulong ang mga OFW para makauwi sa Northern Mindanao na ilegal  na nakapasok at nagtrabaho sa Malaysia. Dumulog ang pamil-ya  ng mga OFW sa ahensiya upang magpatulong dahil nasa panganib ang kanilang mga mahal sa buhay …

Read More »

Sumaklolong pulis utas sa anak ng school owner

INIIMBESTIGAHAN ng Pasig PNP ang pagkakapaslang sa isang Pasig police na bumulagta matapos magpaputok ng shotgun ang amok na  si-nabing anak ng may-ari ng eskwelahan sa Pasig City. Gayonman, lumutang din ang espekulasyon na nabaril ang biktimang si SPO1 Clemente Fernan ng dalawa niyang kasama  sa pag-aakalang suspek siya, kamakalawa. Ayon kay Supt. Ma-rio Rariza, nagsasagawa ang kanyang tanggapan ng …

Read More »

Parak todas sa LTO fixer

NAMATAY ang isang sarhento nang barilin ng sinasabing fixer sa Land Transportation Office (LTO) na kanyang nakaa-litan  sa Lipa City, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si SPO2 Arthur Laurel, habang ang suspek na si Edwin Mission, sinasabing kilalang fixer sa LTO, ay mabilis na tumakas ma-karaan ang krimen. Napag-alaman, pinuntahan ng biktimang pulis ang suspek sa kanyang bahay …

Read More »

2 utas, 4 sugatan sa ratrat ng tandem

BUMUWAL na walang buhay ang dalawa katao, kabilang ang isang babae, nang ratratin sa kalagitnaan ng kanilang inoman sa Masbate City kamaka-lawa. Kinilala ang mga namatay na sina Ricardo Padilla at Norma Andaya, habang malubha ang kalagayan sa Masbate City Provincial Hospital sina Rose Andaya, Edna Garganta, Rezyl Andaya at Lito Garganta, pawang residente ng Sitio Circulo ng nasabing lungsod. …

Read More »

P.5-M shabu kompiskado sa 3 katao

ARESTADO sa buy-bust operation ang tatlo kataona nakompiskahan ng 65 piraso plastic sachet ng shabu, iba’t ibang uri ng bala at isang bala ng 50 ka-libreng barilsa Marikina City. Kinilala ni Supt. Vincent Calanoga  ang mga nadakip na sina Ian Lawrence Merdedia, 18; Amino Malaatao Abdul, 26; at Amila Afuan, 30; mga tubong Marawi City at nakatira sa Blk-45 Mais …

Read More »

Karnaper tiklo sa Bulacan

NAARESTO ang isang miyembro ng carnapping group na kumikilos sa Bulacan nang sitahin dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo nang walang suot na helmet sa Brgy. Poblacion, Sta. Maria ng nasabing lalawigan kamakalawa. Ang suspek na si Joseph Nicolas, 24, residente ng Garden Village sa Brgy. Pulong Buhangin sa nabanggit na bayan, may nakabinbing kaso ng carnapping sa sala ni Judge …

Read More »

Greta, tulungan din kaya si Claudine sakaling makulong?

ni  Ed de Leon KASABIHAN na nga ng mga matatanda, ”ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim”. Ngayon mukhang si Claudine Barretto naman ang napailalim nang sampahan siya sa Marikina Municipal Trial Court ng kasong robbery, dahil umano sa pagkuha niya sa cell phone at iba pang gamit ng mga rati niyang katulong sa bahay na …

Read More »

Ilong ni Kim, ‘di kamatis para mapisak agad-agad

ni  Ed de Leon SOBRA naman iyong balita. Hindi naman totoong napisak ang ilong si Kim Chiu nang aksidenteng masubasob siya sa loob ng kanyang sasakyan nang biglang mag-break ang kanyang driver. Sobra naman iyong kuwentong pisak ang ilong, ano ba ang akala ninyo sa ilong ni Kim, kamatis? Anyway, hindi naman daw malala ang nangyari, kaya pinalabas din siya …

Read More »