Sunday , November 17 2024

Classic Layout

Glenda lumakas storm signal itinaas sa 22 lugar

LALO pang lumakas ang bagyong Glenda habang nakaamba ang pagtama nito sa kalupaan ng Luzon. Ayon sa Pagasa, taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na aabot sa 120 kilometro bawat oras. bago magtanghali kahapon ay natukoy ang sentro ng bagyo sa layong …

Read More »

Davao Occ. niyanig ng 6.1 magnitude quake

NIYANIG ng 6.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kahapon ng hapon. Ayon sa Phivolcs, naramdaman ito dakong 3:59 p.m. Natukoy ang epicenter sa layong 88 km sa timog silangan ng Don Marcelino, Davao Occidental. May lalim itong 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan. Naitala ang intensity II sa General Santos at Davao City. Habang intensity I ang …

Read More »

Bong, Jinggoy ilipat sa city jail (Giit ng prosekusyon)

NAIS ng government prosecutors na makulong na rin sa ordinaryong kulungan sina Sen. Ramon Bong Revilla Jr., at Sen. Jinggoy Estrada, kapwa nahaharap sa kasong plunder bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam. Kahapon ay inihain ng Office of the Special Prosecutor sa Sandiganbayan ang kahilingan na dapat ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology …

Read More »

Enrile pinaboran na manatili sa ospital

NANINIWALA ang mga doktor ng PNP General Hospital na dapat manatili sa ospital si Senator Juan Ponce Enrile dahil sa iba’t ibang problema sa kalusugan. Si Enrile ay ilang araw nang nasa hospital arrest. Ayon sa PNP doctors, si Enrile ay may diabetes, coronary artery disease at hearing problems. Kailangan din anila ni Enrile nang regular na eye examinations and …

Read More »

Nalungkot sa stage 4 cancer biyudo nagbigti

NANG malaman na siya ay may stage 4 cancer, nagbigti ang isang 73-anyos biyudo sa Bacoor, Cavite kamakalawa. Napag-alaman mula sa Bacoor Police, tatlong beses nang nagtangkang magpakamatay ang biktimang si Asquilino Latac, ng Block 5, Lot 9, Phomelo Extension, Citihomes, Brgy. Molino 4, Bacoor City, dahil sa sobrang depresyon nang malamang malala na ang kanyang cancer ngunit siya ay …

Read More »

Barangay na ninakawan ng boundary kinatigan ng DILG

PINABORAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang protesta ng Brgy. 719, Zone 78, District V kaugnay sa 9th City Council Resolution No. 23 Series of 2014 ng lungsod ng Maynila. Sa nasabing resolusyon, iniutos na makuha ng Brgy. 720, Zone 78, District V ang real property tax na nagmumula sa Brgy. 719. Bunsod nito, humingi ng tulong …

Read More »

Gigi Reyes muling humirit ng TRO sa SC

MULING humirit sa Supreme Court si Atty. Gigi Reyes upang hilingin na ibasura ang arrest warrant laban sa kanya sa kasong plunder dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam. Sa 18-pahinang supplemental petition na inihain ng abogado niya na si Atty. Anacleto Diaz, hiniling din ni Reyes na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order sa pagdinig ng Sandiganbayan …

Read More »

OFW patay sa despedida 4 sugatan

PATAY ang isang 27-anyos overseas Filipino worker (OFW) habang malubhang nasugatan ang apat niyang katropa kabilang ang nakababatang kapatid makaraan paulanan ng bala ng hindi nakilalang suspek ang masayang despedida party sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga . Hindi na umabot nang buhay sa Bernardino Hospital si Greggy Tibang, ng #255 Area D., Sitio Diwa, Brgy. 178, Camarin ng nasabing …

Read More »

DAP mabuti — PNoy (GMA admin, SC sinisi)

NAGBABALA si Pangulong Benigno Aquino III sa Korte Suprema na maaaring  umabot sa banggaan ng tatlong sangay ng pamahalaan o umiral ang constitutional crisis kung hindi babawiin ng Kataas-taasang Hukuman ang deklarasyon na unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP). Sa kanyang 24-minutong President’s Address to the Nation (PAN) kagabi, tahasang kinuwestiyon ng Pangulo ang desisyon ng SC kontra-DAP kahit hindi …

Read More »

Trust, approval rating ni PNoy bumagsak (Dahil sa DAP)

BUMAGSAK ang trust at approval rating ni Pangulong Benigno Aquino III sa pinakahuling survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) makaraan ideklara ng Korte Suprema na ‘unconstitutional’ ang ipinatupad niyang Disbursement Acceleration Program (DAP). Sa survey ng Pulse Asia sa 1,200 respondents nitong Hunyo 24 hanggang Hulyo 2, bumagsak sa 56 percent ang approval rating ni Pangulong Aquino …

Read More »