Pulis, 1 pa patay sa nang-agaw ng boga ng sekyu

083014 deadDALAWA katao ang patay kabilang ang isang pulis sa insidente ng pamamaril sa parking lot ng SM Sta. Rosa, Laguna kahapon.

Ayon kay Sta. Rosa Police chief, Supt. Perjentino Malabed, bandang 1 p.m. nang naganap ang insidente sa harapan ng isang shopping mall sa Brgy. Tagapo.

Bigla na lamang nagwala ang suspek at inagawan ng baril ang isang security guard ng parking area ng mall.

Sa pagresponde ni PO1 Ariel Abordo, bigla na lamang siyang binaril ng suspek.

Napatay rin ang suspek nang magres-ponde si PO3 Igresol Reynante.