Monday , November 18 2024

Classic Layout

Immigration Commission tiniyak ni Rufus

TINIYAK ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pagpapasa ng panukalang batas na mag-aamyenda sa pitong-dekadang Philippine Immigration law para buuin ang isang komisyon bago matapos ang termino ng Aquino administration sa 2016. Sa kanyang pagsasalita sa ika-74 founding anniversary ng Bureau of Immigration (BI), sinabi ni Rodriguez dapat umanong gawing prayoridad ng Kongreso ang approval sa Commission on …

Read More »

Ex-DoJ Sec Gonzalez, 83 pumanaw na

PUMANAW na ang dating kalihim ng Department of Justice (DoJ) at dating kongresista ng Iloilo City na si Raul Gonzalez, Sr. Sa kanyang official Twitter account, kinompirma ng anak niyang si Dr. Marigold Gonzalez ang pagpanaw ng kanilang ama dakong 10:30 p.m. kamakalawa sa National Kidney Institute (NKI) sa Quezon City sa edad 83-anyos. Una rito, nitong Biyernes pa lang …

Read More »

Shipyard caretaker pinalakol kritikal (Suspek bugbog-sarado)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang shipyard caretaker makaraan palakulin sa mukha ng isang lalaki sa Navotas City kahapon ng umaga. Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktimang si Eddie Dimakulangan, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. San Jose ng nasabing lungsod. Habang bugbog-sarado ang suspek na kinilalang si Alvin Saani, tubong Zamboanga City, at bagong salta sa nasabing …

Read More »

3-anyos nalunod sa septic tank

NAGA CITY – Nalunod ang 3-anyos paslit nang mahulog sa septic tank sa Brgy. Coco, Pasacao, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ng biktimang si Renz Noble, 3-anyos. Naglalaro ang biktima sa likod bahay ng kanilang kapitbahay nang mahulog sa septic tank. Pinaniniwalaan ng kanyang mga magulang na nalunod ang bata sa ginagawang septic tank na may lalim na apat talampakan, dahil …

Read More »

‘Mangkukulam’ na lola sinilaban ng kapitbahay

LEGAZPI CITY – Kritikal ang kalagayan sa ospital ng isang 62-anyos lola makaraan sabuyan ng gasolina at silaban ng kanyang kapitbahay sa lalawigan ng Catanduanes kamakalawa. Napag-alaman, pinaghinalaan ng suspek na si Marjal Pacay, 39, na mangkukulam ang biktimang kinilalang si Merly Tioxon, kapwa residente ng Salvacion St., Brgy. Canlubi, sa bayan ng Virac. Naglalakad ang biktima sa daan nang …

Read More »

6 bagets na holdaper tugisin (Apela ng PNA reporter sa pulisya)

NANAWAGAN sa pamunuan ng Pasay City Police ang reporter ng Philippine News Agency (PNA) para sa mabilisan paghuli sa anim kabataang lalaki na sumaksak at tumangay ng kanyang cellphone sa harap ng kanilang bahay sa Pasay City kamakalawa. Nasa mabuti nang kalagayan ang reporter na si Ferdinand “Bong” Patinio, 43, makaraan masaksak sa hita at braso ng isa sa anim …

Read More »

Tserman, misis pamangkin tiklo sa drug raid

ILOILO CITY – Arestado sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang punong barangay at kanyang misis sa bayan ng Banate, sa lalawigan ng Iloilo kamakalawa. Si Punong Brgy. Roger Belarde ng Brgy. Dugwacan, Banate ay inaresto ng mga operatiba ng PDEA sa isinagawang pagsalakay sa hinihinalang minamantine niyang drug den sa kanilang lugar. Kasamang naaresto ang kanyang …

Read More »

Hirit na wi-fi, laptop ni Gigi kinontra ng prosekusyon

MARIING tinutulan ng prosekusyon ang hirit ni Atty. Gigi Reyes na makapagpasok ng laptop, wifi at printer sa loob ng piitan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig. Sa pagdinig sa Sandiganbayan Third Division, iginiit ng prosekusyon na hindi kailangan ng akusado ang mga hinihingi niya sa loob ng piitan. Bukod dito, dapat din anilang bigyan ng laptop ang lahat ng …

Read More »

3 brownies, 1 box polvoron, P634 hinoldap sa Red Ribbon

ARESTADO sa mga barangay tanod ang dalawang miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang makaraan maaktohan habang hinoholdap ang isang bakeshop sa Sta. Ana, Maynila kamakalawa ng hapon. Nakapiit sa Manila Police District PS 6 ang dalawang suspek na sina Micheal Dela Torre, 26, at Mirasol Tayco, 27, kapwa ng 171 Estrella Street, Pasay City . Ayon kay SPO1 Ronald Santiago, dakong …

Read More »

Bodyguard ng Tuguegarao mayor utas sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang isang ex-PNP member at security aide ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, nang barilin sa Buntun Bridge, Maddarulug, Solana, Cagayan kamakalawa. Patay sa isang tama ng punglo sa dibdib ang biktimang si Gilbert Navalta Acierto, 49, residente ng Villaverde, Nueva Viscaya. Sakay ng kanyang motorisiklo ang biktima ngunit pagdating sa Brgy. Buntun bridge ay bigla siyang …

Read More »