Ai-Ai de las Alas, isasama sa Wowowin

 

ni James Ty III

042715 AiAi Delas Alas willie revillame

MALAKI ang posibilidad na makakasama ni Willie Revillame sa Wowowin si Ai Ai de las Alas bilang isa sa co-hosts.

Noong inilunsad si Ai Ai sa pagiging Kapuso, binanggit niya na magkakaroon siya ng Sunday show sa GMA 7 ngunit hindi niya sinabi kung ano ito.

Isang staffer ng Wowowin ang nagsabing isa si Ai Ai sa mga ikinukonsidera para makasama si Willie sa pang-Linggong game show.

Bukod kay Ai Ai, ilan din sa mga kandidato para maging co-host ni Willie sina Solenn Heussaff, Wynwyn Marquez, Glaiza de Castro, at Rhian Ramos.

Magsisimula ang Wowowin sa GMA sa Mayo 10, isang linggo pagkatapos ang pag-ere ng laban nina Manny Pacquiaoat Floyd Mayweather, Jr.