Monday , November 18 2024

Classic Layout

Nangangalingasaw

NANGANGALINGASAW ang amoy ng mga palikuran sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bukod pa sa saksakan ng init kahit sa hatinggabi. Ito ang n aranasan ng inyong lingkod sa aking pagbabalik sa ating bayan mula sa iba-yong dagat. Halos lahat ng mga kasabay kong manggagawang Pilipino ay nasuya at hindi mapigilang ikumpara ang ating paliparan sa mga …

Read More »

Gas pinakuluan sumabog, ginang tigok (Inakalang tubig)

DAVAO CITY – Patay ang isang ginang nang sumabog ang pinakuluang gas na napagkamalang tubig. Kinilala ang biktimang si Lina Orosal, 54, may asawa, at nakatira sa Prk. Pag-asa, Brgy. Binaton, Digos City. Batay sa ulat, dakong 6 a.m. nang magpapakulo sana ng tubig ang biktima nang aksidente niyang makuha ang isang gallon na may lamang gas. Inilagay niya ito …

Read More »

2 milyon mag-aaral makikinabang sa free meals ng pamahalaan

Halos 2 milyong mag-aaral sa pampublikong paaralan ang makikinabang sa isinulong ni Senador Grace Poe na free meals program para sa mga “severely wasted” at “wasted” na mga bata sa buong bansa. Ani Poe, measure sponsor, “This is prioritizing the most neglected yet most important resources of our nation. I am hopeful that this initiative, carried out effectively, will pave …

Read More »

Kritiko ng PCOS nananaginip nang gising — Comelec official

BINATIKOS kahapon ng isang senior member of the Commission on Election (Comelec) ang isang dating Comelec official na itinalaga noong Arroyo administration sa pagkakalat ng haka-haka na minanipula ang automated elections noong 2013. Sinabi ni Commissioner Lucenito Tagle na nananaginip nang gising si Melchor Magdamo na nagsabing ang precinct count optical scan (PCOS) machines ay naka-pre-programmed para sa sistematikong ‘dagdag-bawas.’ …

Read More »

Thai patay sa pagtalon mula 15/F sa Makati

BINAWIAN ng buhay ang isang lalaking Thai makaraan tumalon mula sa ika-15 palapag ng gusali sa Ayala Avenue, Makati kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Chief Insp. Shirley Bao, hepe ng investigation branch ng Makati PNP, ang 37-anyos biktimang si Kirk Priebjrivat, agad nalagutan ng hininga makaraan tumalon mula sa rooftop ng Bankmer building sa Bel-Air. Ayon sa testigong si Jumer …

Read More »

Budget sa Papal visit binubusisi

WALA pang ‘price tag’ ang tatlong araw na pagbisita ni Pope Francis sa Filipinas sa susunod na taon. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., binubusisi pa ng Papal Visit 2015-National Organizing Committee (PV-NOC) na pinamumunuan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., ang panukalang budget na isinumite ng kinauukulang mga ahensiya. “There is yet no final budget for the visit. …

Read More »

Baby naihagis ni nanay, patay (Naalimpungatan sa pagtulog)

CEBU CITY – Kasong parricide ang kinakaharap ng 18-anyos ina makaraan maihagis ang kanyang isang taon gulang na sanggol nang maalimpungatan mula sa mahimbing na pagtulog sa Gen. Luna St., Pob. II, Carcar City, Cebu kamakalawa. Nakapiit sa Carcar City Police ang ina na si Catherine Alinsugay Tulod, ng Gen. Luna St., Poblacion 11, Carcar City. Ayon kay PO2 Camia …

Read More »

18 senior citizens arestado sa pekeng papeles

ARESTADO ang 18 katao, karamihan ay senior citizens, sa pamemeke ng papeles para makahingi ng tulong pinansiyal sa DSWD sa Laguna. Muntik pang makalusot ang 18 at matangay ang perang nakalaan para sa mga lehitimong taga-Laguna ngunit kinutuban ang mga tauhan ng DSWD sa Sta. Cruz at naitimbre sa mga pulis. Modus operandi ng grupo ang mameke ng mga papeles …

Read More »

Altamirano, Fernandez pararangalan

  SABAY na pararangalan ang dalawang head coaches na sina Eric Altamirano ng National University at Boyet Fernandez ng San Beda College bilang Coaches of the Year ng UAAP-NCAA Press Corps na gagawin sa Disyembre 4 sa Saisaki-Kamayan EDSA. Dinala ni Altamirano ang Bulldogs sa una nilang titulo sa UAAP pagkatapos ng 60 taon samantalang si Fernandez naman ay gumabay …

Read More »

UAAP Volleyball papalo sa Sabado

MAGSISIMULA na sa Sabado, Nobyembre 22, ang men’s at women’s volleyball ng UAAP Season 77 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Sa men’s division, maglalaban ang defending champion National University at Adamson simula alas-otso ng umaga at susundan ito ng bakbakang Ateneo de Manila at Far Eastern University sa alas-10. Kagagaling lang ng Tamaraws sa pagkopo ng ikatlong …

Read More »