Wednesday , November 20 2024

Classic Layout

Yosi ipinagdamot welder todas sa untog at saksak

PATAY ang isang welder makaraan iuntog ang ulo at pagsasaksakin ng nakaaway na obrero nang hindi mamigay ng yosi sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Gerold Camus, alyas Jerry Boy, 45, residente ng Saint Matthew St., Brgy. Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod. Habang kusang- loob na sumuko sa mga awtoridad ang suspek …

Read More »

‘Living Goddess’ ng Nepal, nakaligtas sa lindol

NANG tamaan ng malakas na lindol ang bansang Nepal nitong nakaraang linggo, naghahandang tumanggap ng mga deboto ang siyam-na-anyos na batang babaeng sinasamba bilang ‘buhay na diyosa’ sa Durbar Square sa Kathmandu. Habang yumayanig ang lupa, nagsibagsakan ang mga sinaunang templo at estatuwa ngunit nakaligtas ang tahanan ng ‘living goddess’ o Kumari, na ilang crack lang sa mga haligi ng …

Read More »

Amazing: ‘Won’t Be Caught’ shirt suot ng shoplifter

PINAGHAHANAP ng mga pulis ang shoplifting suspect na nakasuot ng ‘Won’t Be Caught’ shirt, at ang kanyang kasabwat. Nakunan ng security cameras sa Florida shopping mall ang dalawang babae habang palabas ng pamilihan tangay ang ninakaw na $1,478 halaga ng mga produkto. Ang isang babae ay ay nakasuot ng shirt na may katagang ‘Won’t Be Caught’ sa block letters sa …

Read More »

Ang Zodiac Mo (May 04, 2015)

Aries (April 18-May 13) Kahanga-hanga ang mga paghamong iyong nalusutan, at medyo nakagigimbal ang iba. Taurus (May 13-June 21) Pagtuunan muna ng pansin ang maliliit na bagay. Hindi mo mapagtutuunan nang buong atensyon ang malalawak na obligasyon. Gemini (June 21-July 20) Balikan ang mga ala-ala sa pakikipag-ugnayan sa malalayong mga kaibigan, magpadala ng emails. Cancer (July 20-Aug. 10) Maglaan ng …

Read More »

It’s Joke Time: Like Father Like Son

Sa school… TEACHER: Juan, sino pumatay kay Jose Rizal? JUAN: Aba!? Hindi ako ma’am! TEACHER: Loko ka talaga!!! Niloloko mo ba ako? JUAN: Aba Ma’m, hindi nga po ako! TEACHER: Aba, loko ka talaga!!! Sige, umuwi ka ngayon din at papuntahin mo ‘yung tatay mo rito! (Umuwi sa bahay si Juan at nakita ang tatay niya.) JUAN: Tay, pinapupunta kayo …

Read More »

Sa Ngalan ng Pag-ibig (Unang Labas)

May sumagi sa lalaking bumibili ng prutas sa pamilihan ng Blumentritt. Nadakma nito ang kamay ng mandurukot sa likurang bulsa ng pantalon. Mahigpit na pinigilan iyon. “Gago ka, a!” sigaw ng lalaki sa panununtok. Tinamaan sa panga ang mandurukot na sumubasob sa bilao ng mga paninda ni Karlo. “Astig ka, ha?” sabi ng galit na tirador. At ipinangsaksak ng kawatan …

Read More »

Ang Ganador (Sa Mundong Parisukat ng Tao) (Part 27)

INI-HOSTAGE NI DON BRIGILDO ANG MAG-INA NI RANDO WALA SIYANG MAGAWA “Ang sabi ko, pagkatapos ng laban mo, ipahahatid ko agad ang mag-ina mo sa inyo… Manalo o matalo ka man, ibabalik ko sila sa ‘yo. Maliwanag ba, bata?” pagbibigay-diin ni Don Brigildo. Malinaw ang mensahe ng may-ari ng plantasyon na kanyang pinaglilingkuran. Hawak nito ang buhay ng asawang si …

Read More »

Laban ni Pacquiao, lutong makaw

“HINDI siya (Manny Pacquiao) natalo kay Mayweather… natalo siya sa mga judge.” Iyan ang deklarasyon ng mga nagsipanood ng laban ng Pambansang Kamao kontra kay Floyd “Money” Mayweather Jr., sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Nagkatotoo ang prediksyon ng ilan na kakailanganing patulugin o pabagsakin ni Pacquiao ang ngayo’y napatunayang pound-for-pound king ng mundo kung nais niyang manaig …

Read More »