Thursday , January 29 2026

Classic Layout

Bebot timbog sa plaka ng SUV

NABUKO ang 53-anyos babae nang harangin ng mga tauhan ng isang automotive company nang magtangkang angkinin ang plaka ng isang sport utility vehicle (SUV) gamit ang pinekeng dokumento, sa Muntinlupa City, Martes ng hapon. Isinailalim sa inquest proceedings sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office sa reklamong falsification of documents ang suspek na si Jovy Olicia, liaison officer ng Zone 4-A, Mabuhay …

Read More »
shabu drug arrest

Bebot huli sa P1.7-M shabu  

DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang babae na nakompiskahan ng P1.7 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng La Loma Police Station (QCPD-PS1) kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Ronnie Montejo ang nadakip na si Rakilah Abdulrahman.   Sa ulat, dakong 8:45 pm nang arestohin ang suspek matapos bentahan ng shabu ang …

Read More »

Sikat na liver spread rehistrado na sa FDA

INIHAYAG ng Food and Drug Administration (FDA) na puwede na muling ibenta sa merkado ang kilalang brand ng liver spread matapos makakuha ng Certificate of Product Registration (CPR) sa FDA. Base ito sa naging pahayag ni FDA Director General Eric Domingo kahapon. Nitong nakalipas na buwan nagpalabas ng advisory ang FDA na nagbabala sa publiko at mga estbalisimiyento na huwag …

Read More »
Ferry boat

Pasig River ferry service balik normal (Water lilies hinakot)

BALIK muli sa normal ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS), ito ang inianunsyo kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos alisin ang lahat ng tambak na water hyacinths sa Pasig River. Magbibiyahe ang Ferry dakong 6:00 am hanggang 7:00 pm mula Pinagbuhatan-Guadalupe-Escolta at vice versa, mula Lunes hanggang Sabado. Ang mga bukas na ferry stations ay Guadalupe, …

Read More »
arrest posas

PNP officer nasakote sa carnapped vehicle

INARESTO ang isang pulis-Quezon City dahil sa pagmamaneho ng nakaw na sasakyan sa Quezon City, nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo, ang suspek na si P/SMSgt. Danilo Ragonot Pacurib, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Payatas Police Station 13 at residente sa Antipolo St., Barangay Krus na Ligas, QC. Sa ulat ng Anti-Carnapping …

Read More »

1st Batch ng Taliptip residents, malapit nang magtapos sa SMC-TESDA training

MALAPIT nang magtapos ang kauna-unahang batch ng mga taga-Taliptip sa kanilang pagsasanay sa ilalim ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) habang bubuksan ng San Miguel Corporation ang naturang programa para sa mas maraming Bulakenyo sa mga darating na buwan. Marami na ang nagkaroon ng interes na sumali na nasabing programa, ayon sa SMC at TESDA at maganda ang …

Read More »

Libing, hindi gera respeto, hindi dahas – CAP  

NAKIISA ang Concerned Artists of the Philippines (CAP) sa pamilya at mga tagasuporta ni Reina Nasino.   Ipinagkait anila ng mga pulis at militar sa pamilya Nasino ang pagbibigay pugay sa namayapang mahal sa buhay at paghahatid sa kanyang huling hantungan ay mahalagang tradisyon at ritwal sa alinmang lipunan.   “The last rites of accompanying a loved one to one’s …

Read More »
Law court case dismissed

Justice system ayusin

HINIMOK ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang publiko na ang naramdamang pagkadesmaya, habag, galit, at pagluha para sa nangyari kay Baby River ay magsilbing ningas sa kolektibong determinasyon at aksiyon upang ayusin ang justice system sa bansa. Sinabi ni IBP National President and Chairman of the 24th Board of Governors Domingo Egon Cayosa, ang makabagbag damdaming sinapit ni …

Read More »

Recruitment para sa Avigan trial maaari nang simulan

MAAARI nang simulan ang recruitment ng mga pasyenteng lalahok sa clinical trial ng gamot na Avigan sa CoVid-19, ayon sa Department of Health (DOH). Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinayagan na ang proponent o mamumuno ng trial na si Dr. Regina Berba, infectious diseases expert, na mangasiwa sa paghahanap ng volunteers. “Nagkaroon tayo ng meeting last week …

Read More »
Sabong manok

Sugal ariba na naman

PUMAYAG na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na mairaos ang ilang sports events sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at iba pang may mas mababang quarantine classification. Pero sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakabase pa rin ito sa ilang kondisyon. Ayon kay Roque, puwede nang mairaos …

Read More »