Saturday , December 6 2025

Blog Layout

Happy Birthday Gen. Danny Lim

ISANG maligaya at makabuluhang pagbati po ang nais natin ipaabot kay Gen. Danilo Lim sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Tahimik, mababa ang loob pero may matikas na paninindigan, si Gen. Lim po ay isang ‘asset’ na dapat pinahahalagahan ng ating pamahalaan. Kaya marami po ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng pwesto si Gen. Lim. …

Read More »

Moderno, malinis, at higit sa lahat libreng ospital ng Parañaque pinasinayaan na

MULA sa vision statement na, “The City of Parañaque is a model for academic excellence, public health and safety, environmental preservation and good governance, providing equal opportunities for all in a peaceful and business-friendly atmosphere through a G0d-centered leadership,” nabuo at isinilang ang iba’t ibang proyekto at programa sa isang lungsod na dating kilala lamang bilang isang malayong bayan sa …

Read More »

Ang huling bigwas sa Estrada dynasty

MARAMI na ang nag-aabang sa pinananabikang desisyon ng Supreme Court sa disqualification case laban kay ousted president at convicted president Joseph ‘Erap” Estrada. Maituturing kasi itong “fatal blow” o hu-ling bigwas sa Estrada political dynasty na mahigit 40 taon nang namamayagpag sa lipunang Pilipino, at para kay Erap, isa itong bangungot na hindi dapat maganap. Ang magiging pasya ng Korte …

Read More »

Edukasyon prioridad sa Muntinlupa

Swerte ang mga kabataang taga-Muntinlupa dahil naging prioridad ng kasalukuyang administrasyon ang edukasyon. Sa hindi nakaaalam, magmula sa elemen-tarya hanggang kolehiyo ay mayroong scholarship program ang rehimeng Fresnedi kaya naman talagang may katiyakang may magandang kinabukasan ang mga kabataan sa naturang siyudad. May kasabihan nga tayo na ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya naman dito natin nakikita sa lungsod …

Read More »

Huwag maging ipokrito

Sa bansa natin napakaraming ipokrito, ‘yun bang nagmamalinis, turo nang turo, bintang nang bintang pero sila rin pala ang magnanakaw sa bansa natin, sila ang mga salot sa lipunan. Marami rin magagaling na mambabatas pero nasisira lang sila sa kapangyarihan at sa pera lalo na imbestigasyon sa PDAF Scam. Buti masigasig ang NBI sa pagsisiwalat at pag-iimbestiga ng katotohanan sa …

Read More »

20% diskwento sa senior citizen, estudyante ipatupad (Panawagan sa jeepney drivers)

NANAWAGAN si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez sa jeepney drivers na tumalima sa 20 percent discount para sa mga estudyante, senior citizens at persons with disabilities. Ito ay makaraan ipag-utos ang 50 sentimos dagdag-pasahe sa jeepney sa buong NCR, sa Region 3 at Region 4. Ibig sabihin, ang minimum na pasahe ay magiging P8.50 na. …

Read More »

7 CAR-DPWH officials kinasuhan sa Ombudsman

PITONG empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Cordillera ang kinasuhan sa Office of the Ombudsman dahil sa P2.5 milyong halaga ng ghost projects sa rehiyon. Kabilang sa mga kinasuhan sina DPWH CAR Director Edilberto Carabbacan, Former Officer in Charge Antonio Purugganan, Legal Officer Alberto Tremor at Division Chief Juliet Anosan. Si Purugganan ay napatalsik na sa pwesto …

Read More »

Ordanes tunay na mayor ng Aliaga — Cabanatuan judge

IDINEKLARANG tunay na nanalong mayor ng munisipalidad ng Aliaga, Nueva Ecija si Reynaldo Ordanes ng Cabanatuan Regional Trial Court sa sala ni Judge Virgilio Caballero nitong Mayo 28, (2014). Sa kanyang desisyon, idineklara ni Caballero na ang tunay na nanalong mayor ng Aliaga ay si Ordanes at hindi si Elizabeth Vargas na unang naideklara noong nakaraan halalan ng taon 2013. …

Read More »

Empleyado ikinulong day-off, 3-araw/taon (Sa nasunog na warehouse)

PATONG-PATONG na kaso, kabilang ang human trafficking, ang kinakaharap ng may-ari ng nasunog na bodega na ikinamatay ng walong babaeng empleyado kamakalawa ng hapon. Sinampahan din ng Pasay City Prosecutor’s Office ng kasong negligence resulting in homicide at paglabag sa city ordinance sa pag-operate ng negosyo nang walang permiso si Juanito Go. Ang 68-anyos Chinese national, may-ari ng electronics shop …

Read More »

Canadian, British tiklo sa illegal telemarketing

SINALAKAY ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang telemarketing company na sinasabing illegal ang operasyon at naaresto ang dalawang  foreign nationals, at 28 iba pang naaktohan sa operasyon sa Mandaluyong City. Kinilala ni NBI Director Virgilio Mendez ang mga nadakip na sina David Gilinsky, Canadian national, may-ari ng PROACT Telemarketing Inc., residente ng #3009 Tivoli Residences, …

Read More »