Thursday , November 14 2024

Blog Layout

Deniece at Cedric, lalong nadiin sa Vhong Navarro case

ni  Nonie V. Nicasio     NAPASOK na ng NBI kamakailan ang condo unit na tinutuluyan ni Deniece Cornejo sa Forbeswood Heights sa The Fort. Dahil sa pangyayari, lalong nadiin sina Deniece at Cedric Lee dahil hindi tumugma ang kanilang mga naunang pahayag hinggil sa insidente ng umano’y pangre-rape ni Vhong Navarro kay Deniece na naging dahilan para masira ang TV …

Read More »

Pekeng video vi Vhong Navarro ginagawang raket sa internet (Huwag nang i-share o i-like! )

Isa ba kayo sa nag-like o nag-share ng sari-sa-ring video raw ni Vhong Navarro sa Facebook? Kalokah! May sex scandal si Vhong with Deniece Cornejo, may kuha si Vhong na kitang-kita ang naghuhumindig na sandata and the worst may video rin na makikita ang actual na panggagahasa ng komedyante kay Deniece. Naging viral agad sa internet at milyon-milyon na ang …

Read More »

Sentro ng sining sa mga lalawigan inilunsad ng CCP

SA layuning higit pang patatagin ang ugnayan at pagkakaisa sa mga lokal na organisasyon sa iba’t ibang rehiyon, inilunsad ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) sa pamamagitan ng kanilang Cultural Exchange Department, ang sampung (10) pinakaunang lugar para sa Kaisa sa Sining: ang CCP Regional Art Centers at University Art Associates sa paglagda ng tatlong-taong Memorandum of Understanding nitong Enero …

Read More »

Vhong deretso sa korte mula sa ospital

MAKARAAN ang dalawang linggo matapos ang pambubugbog kay Ferdinand “Vhong” Navarro, nakalabas na ng ospital ang TV host/actor. Mula sa St. Luke’s Medical City, dumiretso ang convoy ni Navarro sa Department of Justice para panumpaan ang kanyang salaysay. Pinagkaguluhan ng mga tao si Navarro pagkalabas sa ospital ngunit agad isinakay sa van. Noong nakaraang linggo nang sumailalim sa reconstructive surgery …

Read More »

PNoy amateur, ignorante

BAGAMA’T wala pang opisyal na reaksyon ang China, ikinagalit ng Chinese community ang pagkukumpara ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa nasabing bansa kay Adolf Hitler hinggil sa pambu-bully nito sa West Philippine Sea. Inaantabayanan pa ngayon ang pahayag ng Chinese Foreign Ministry ngunit naglabas nang maanghang na komentaryo laban kay Pangulong Aquino ang Xinhua news agency na pag-aari ng …

Read More »

PSC, POC officials sinabon sa Senate probe

SINABON ng mga senador ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) kaugnay sa sinasabing kapabayaan kaya napag-iiwanan ang mga atleta ng Filipinas. Sa pagdinig ng Senate committee on games and amusement, uminit ang ulo ni Committee Chairman Sen. Sonny Angara dahil hindi maipaliwanag ng POC kung bakit tinanggal sa delegasyon sa SEA Games noong …

Read More »

Manager ng Jollibee utas sa parak (Inakalang magnanakaw)

PATAY ang 24-anyos manager ng isang food chain makaraang mapagkamalan na magnanakaw ng 29-anyos tauhan ng Rizal PNP at binaril sa bubong ng bahay kahapon ng madaling-araw sa Pasig City. Kinilala ni Senior Supt. Mario Rariza, hepe ng Pasig Police, ang napatay na si Irvin Perez y Padernal, manager ng Jollibee Antipolo at nakatira sa #31 Galaxy St., Cielo Homes, …

Read More »

Bunkhouses sa Yolanda victims substandard — DPWH

KINOMPIRMA ng Deparment of Public Works and Highways (DPWH) na substandard ang ipinatayong bunkhouses sa Eastern Visayas para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Sa pagdinig ng Senate committee on public works na pinamumunuan ni Sen. Bongbong Marcos, inamin ni DPWH Sec. Rogelio Singson na hindi nasunod ng mga contractor ang specifications ng DPWH dahil sa kakulangan ng materyal sa …

Read More »

SC nag-isyu ng TRO vs QC garbage fees

PANSAMANTALANG ipinatigil ng local government ng Quezon City ang koleksyon ng garbage fees mula P100 hanggang P500 sa bawat kabahayan. Ito ay makaraang pagbigyan ng Supreme Court ang hiling ni Jose Ferrer Jr., residente ng Kamias Road, Quezon City, na mag-isyu ng temporary restraining order, kaugnay sa kanyang petisyon na ipatigil ang koleksyon ng garbage fees. “SC 3d division issues …

Read More »

Maguindanao massacre suspects sumanib sa BIFF

KINOMPIRMA ni Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu na may ilang mga suspek sa Maguindanao massacre ang umanib na sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Ang iba aniya ay nanguna pa sa sagupaan at nagpasabog ng mga bomba sa Maguindanao at North Cotabato. Sinabi ni Mangudadatu, mismong ang nambomba sa Mamasapano ay suspek sa November 23, 2009 massacre, ayon sa mga …

Read More »