Friday , April 19 2024

Louise, inaming nagde-date sila ni Aljur

 072314 aljur louise
ni Rommel Placente

SI Aljur Abrenica ang sinasabing dahilan ng hiwalayang Louise delos Reyes at Enzo Pineda. Nabisto raw kasi ni Enzo na bukod sa kanya ay karelasyon din ni Louise si Aljur na naging dahilan para makipaghiwalay siya sa dalaga.

Na ayon naman kay Louise ay wala silang relasyon ni Aljur kundi good friend niya lang ito.  Naging close sila ni Aljur noong nagkasama sila sa isang serye. Inamin naman ni Louise na lumalabas sila ni Aljur pero hindi lang naman daw silang dalawa, kundi grupo sila.

Wala raw talagang third party sa hiwalayan nila ni Enzo. Pero mukhang may bahid katotohanan na may relasyon nga sina Louise at Aljur, huh!

Sabi kasi ni Enzo noong makausap namin siya ay hindi raw sila nag-uusap ngayon ni Aljur.  Hindi na lang niya inilaborate pa kung bakit.  Siguro nga ang reason ay nabisto niya ang namamagitan dito at sa kanyang ex, ‘di ba?

Sa ngayon daw ay naka-move on na si Enzo sa nangyaring break-up nila ni Louise.  Tanggap niya na nang maluwag sa dibdib na  wala na raw talaga sila ni Louise.

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *