Thursday , November 14 2024

Blog Layout

7 KFR members timbog sa NBI (Negosyanteng Fil-Chinese dudukutin)

IPINAKIKITA ng mga ahente ng National Bureau of Investigations (NBI) ang mga armas ng pitong miyembro ng kidnap for ransom group na balak sanang dukutin ang Chinese-Filipina businesswoman, ngunit nadakip ng mga awtoridad sa Antipolo City, kamakalawa ng gabi. ARESTADO sa nabigong pagdukot sa isang negosyanteng Filipina-Chinese ang pitong miyembro ng kidnap for ransom (KFR) group sa operasyon ng National …

Read More »

Empleyada patay sa payroll hold-up (P1.5-M natangay)

PATAY ang empleyada ng isang kompanya nang pagbabarilin ng apat lalaking lulan ng dalawang motorsiklo ang sinasak-yan niyang SUV maka-raang manggaling sa banko sa Brgy. Sta. Cruz, bayan ng Guiguinto, Bulacan. Isinugod sa Bulacan Polymedic Hospital ang biktimang si Evelinda Tamares, 52, residente ng Brgy. Bunlo, sa bayan ng Bocaue, sa lalawigang ito, ngunit idineklarang dead on arrival ng mga …

Read More »

Kontratista utas sa tandem

PATAY ang 63-anyos  kontratista, matapos  pagbabarilin ng isa sa hindi nakilalang riding in tandem, nang sabayan ng mga suspek ang sasakyan ng biktima, habang patungo sa kanyang opisina, sa Valenzuela City,  kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktimang si Manuel Nollora, 63, ng Valenzuela Ville, Brgy. Bignay, kontratista ng mga painting job,  sa nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala …

Read More »

Guardian utas sa boga ng magpinsan

PATAY ang 34-anyos miyembro ng Guardian, nang pagbabarilin ng magpinsan sa loob ng kanyang bahaysa Binondo, Maynila, kamakalawa Kinilala ang biktimang si Junrey Almacin, sinasabing miyembro ng Guardian, naninirahan sa Area–H, Gate 62, Parola, Tondo. Agad naaresto sa follow-up operations ang magpinsan na suspek na kinilalang sina John Paul Asis, 33,  at Ramil Asis, 29, kapwa miyembro ng Batang City …

Read More »

Paroladong nangreyp ng anak, naglason

NAGA CITY – Uminom ng lason ang 49-anyos lalaki makaraan ireklamo ng rape ng kanyang sariling anak sa Castilla, Sorsogon. Ayon sa ulat, nasa himpilan ng pulisya ang suspek nang bigla na lamang bumula ang bibig. Ayon sa mga awtoridad, bago pa man dalhin sa himpilan ay idinaan sa pagamutan ang suspek dahil sa kakaibang kondisyon. Ngunit ayon sa doktor …

Read More »

SUV swak sa ilalim ng bus (2 sugatan)

Dalawa ang sugatan matapos pumailalim ang isang sasakyan sa likurang bahagi ng bus sa EDSA – Guadalupe southbound sa Makati City, Miyerkoles ng madaling araw. Sa ulat ni  MMDA traffic constable Melencio Martinez, bumangga sa likurang bahagi ng Admiral transport bus ang isang Innova SUV. Ayon sa mga awtoridad, lasing ang  drayber ng Innova na pumailalim sa bus at naipit …

Read More »

P1.2-T tax case vs Lucio Tan inaalam ng Palasyo

INIUTOS ng Malacañang sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na alamin kung ano na ang status ng tax evasion case laban kay Lucio Tan ng Fortune Tobacco Corp., Tanduay Distillers, Asia Brewery at Allied Bank. Magugunitang 2011 pa isinampa ni Danilo Pacana, dating internal audit manager ng Allied Bank, ang P1.2 trillion tax evasion case sa BIR at hanggang ngayon …

Read More »

Ruby Tuason umalis uli ng PH — BI

KINOMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI), nakaalis na ng Filipinas si Ruby Tuason, dating social secretary ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada, at tinaguriang provisional witness sa P10 billion na pork barrel scam. Sinabi ni BI Spokesperson Maan Pedro, si Tuason ay umalis ng Filipinas noong Marso 2 lulan ng Cathay Pacific patungo ng Hong Kong. Si …

Read More »

Anti-political dynasty bill malabo pang mailusot

AMINADO si House Speaker Feliciano Belmonte na mahihirapang makalusot sa Kamara ang Anti-Political Dynasty Bill. Ayon kay Belmonte, maging siya ay nagulat na nakapasa na pala ang panukalang ito sa House committee on suffrage and electoral reforms. Ngunit nakalusot man sa committee level, mahirap aniyang aprubahan ito ng mga kongresista sa plenaryo kung hindi magkakaroon ng pagbabago ang detalye ng …

Read More »

Pasig Ferry service binuhay ng MMDA

Sinimulan nang subukan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na patakbuhin ang “river bus ferry” Miyerkoles ng umaga. Umabot sa halos dalawang oras ang biyahe ng ferry mula Guadalupe, Makati, hanggang Intramuros, Maynila. Sa panayam kay MMDA Chair Francis Tolentino, sa normal na operasyon ay aabutin lang ng 30-minuto ang biyahe mula Maynila hanggang Makati. Pinag-aaralan pa rin  nila ang …

Read More »