Friday , November 15 2024

Blog Layout

P0.89/KWh dagdag-singil sa koryente pinaboran ng Palasyo

IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang pagpataw ng Manila Electric Company (Meralco) ng dagdag na P0.89/ kWh ngayong Abril. “You know, that’s bit simplistic in the way that rates do change from time to time, and we do have a mechanism in place to address these petitions. I am not quite sure if it’s 89 centavos. I heard differently this morning, you’ll …

Read More »

Tiamzon couple tumangging magpasok ng plea

TUMANGGING magpasok ng ano mang plea ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon nang basahan sila ng sakdal dahil sa mga kasong kidnapping. Para sa dalawa, hindi sila naniniwala sa prosesong iyon kaya hindi sila nakibahagi sa arraignment. Ginawa ang pagbasa ng sakdal sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) bago magtanghali kahapon. Dahil dito, ang korte na lamang ang nagpasok …

Read More »

Caloocan hospital ginawang ‘shabuhan’ (3 kelot timbog, 3 pa kulong sa Navotas)

TATLO ang arestado kabilang ang empleyado ng ospital, nang maaktohang humihitit ng shabu sa loob ng kuwarto ng ospital,  sa Caloocan City. Kinilala ang mga suspek na sina Dennis Santos, 43-anyos, ng Block 14-H, lot 18, Phase 3-C Dagat-Dagatan, emple-yado ng Caloocan City Medical Center (CCMC), Rick Valderama, 34-anyos, ng #6551 Libis Espina, at Rhonnel Avila, 21 anyos, ng #6106 …

Read More »

Italian envoy walang immunity (Sa child abuse raps)

HINDI maaaring igiit ni Italian ambassador to Turkmenistan Daniele Bosio ang kanyang “diplomatic immunity” sa kinakaharap na kasong child exploitation sa Filipinas. Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, hindi nakatalaga sa Filipinas ang opisyal kaya’t hindi niya maaaring magamit ang “safe passage and protection”  na  itinatakda ng Vienna Convention on Diplomatic Relations para sa foreign diplomat. Kasalukuyang nakadetine si …

Read More »

Lola, 67 utas sa QC fire

PATAY ang 67-anyos lola, habang isang lalaki ang nasugatan nang masunog ang 30 bahay sa isang squatters area sa Barangay Holy Spirit, Quezon City, iniulat kahapon. Sa ulat ng Quezon City Fire, kinilala ang namatay na si Emperatriz Pagunsan, 67,  ng Doña Isadora St., Barangay Holy Spirit, QC. Suffocation ang si-nabing ikinamatay ng biktima na natagpuan sa kanyang kuwarto, at …

Read More »

Yolanda survivors nanatiling walang bahay (Makaraan ang 5 buwan)

MAKARAAN ang limang buwan, blanko pa rin ang Palasyo kung hanggang kailan maninirahan sa mga tent ang libo-libong survivors ng bagyong Yolanda. Walang naihayag na update si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte hinggil sa pagtatayo ng pamahalaan ng permanenteng pabahay para sa mga biktima ng Yolanda. “I will have to ask the—a status from the office of Secretary (Panfilo) Lacson …

Read More »

300 toneladang bangus tinamaan ng red tide

CAGAYAN DE ORO CITY – Magsasagawa nang malalimang imbestigasyon ang pamunuang bayan ng Balingasag ng Misamis Oriental makaraan ang napaulat na malawakang red tide sa kanilang palaisdaan. Ayon sa ulat, umaabot sa 300 toneladang bangus ang tinamaan ng red tide sa mariculture park na pagmamay-ari ng pamahalaang bayan. Inihayag ni Balingasag information officer Aljun Fermo, pupuntahan nila ang lugar upang …

Read More »

Lola patay, 19 sugatan sa van vs motorsiklo

PATAY ang 70-anyos lola habang 19 ang sugatan sa salpukan ng van at motorsiklo sa Divisoria, Zamboanga kamakalawa. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake ang motorsiklo ngunit nahagip ito ng van kaya nawalan ng kontrol at naipit sa concrete barrier. Hindi pa nakukuha ng pulisya ang pangalan ng namatay na 70-anyos lola at mga nasugatan. Ngunit ayon sa pulisya, …

Read More »

Inaway ni misis mister nagbigti

NAGBIGTI ang 34-anyos lalaki makaraan makipag-away sa kanyang misis kamakalawa sa Norzagaray, Bulacan. Kinilala ang biktimang si Leo Eraldo, 34, residente ng Brgy. Poblacion, sa bayan ng Norzagaray. Sa inisyal  na ulat ng pulisya, bago ang insidente, nakipagtalo ang biktima sa kanyang misis na maaaring labis na dinamdam ni Eraldo. Pagkaraan ay bumili ng alak ang biktima at mag-isang uminom …

Read More »

Kano grabe sa tarak

KRITIKAL ang kalagayan  ng isang American national nang pagsasaksakin ng kaanak ng kanyang kinakasama, sa Taguig City kamakalawa ng gabi . Inoobserbahan ng mga doctor sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang kinilalang si Mark Benger, 61, sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan. Ayon sa ulat, ang biktima ay tubong Florida, USA na pansamantalang nanunuluyan …

Read More »