Tuesday , November 5 2024

Blog Layout

Coco Levy imbestigahan sa Kongreso

ISANG ‘listahan’ ang hawak ng isang banko na mas masahol pa sa “pork barrel list” at dapat busisiin ng mga mambabatas sa Kongreso. Inihayag ito ni dating Manila representative Benny Abante, kaugnay ng aniya’y mas masahol pa sa listahan ng mga nakinabang sa P10-billion pork barrel scam at “kung may bait pa tayo sa ating bansa, hindi dapat isawalang-bahala ng …

Read More »

Lola, sanggol patay sa ipo-ipo

KIDAPAWAN CITY – Nag-iwan ng dalawang patay at isang sugatan ang malakas na ipo-ipo na tumama sa North Cotabato dakong 5 p.m. kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Princess Jelyn Tubal, 5-buwan gulang, at Teresita Murillo, 53, habang sugatan si Danny Asinas, 46, pawang mga residente ng Sitio Mauswagon, Brgy. Salunayan Midsayap North Cotabato. Ayon sa ulat ng pulisya, …

Read More »

85-anyos lola patay sa sunog

Patay ang 85-anyos lola nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Batis, San Juan, iniulat kahapon. Ayon sa pulisya, kinilala ang biktimang si Remedios Rodriguez-Go, 85-anyos, namatay dahil sa suffocation sa naganap na sunog sa 447 Pascual street. Nabatid, matagal nang may karamdaman na diabetes ang matanda kaya hindi na siya nakalalakad. Sa ulat, nagsimulang sumiklab ang apoy …

Read More »

Desisyon ng Sandiganbayan pabor sa Marcoses pinagtibay ng SC

KINATIGAN ng Supreme Court ang pagbasura ng Sandiganbayan sa 120 piraso ng dokumento na isinumite ng gobyerno laban kay dating First Lady Imelda Marcos at ilang miyembro ng pamilya Tantoco. Ayon sa Korte Suprema, walang pag-abuso sa poder na ginawa ang Sandiganbayan makaraan ibasura ang nasabing mga ebidensiya dahil sa kabiguan ng gobyerno na ito’y ipresenta sa pretrial ng kaso. …

Read More »

Anti-Dynasty Law hindi una sa Palasyo

HINDI prayoridad ng Palasyo na magkaroon ng anti-political dynasty law kahit pa nakasaad sa 1987 Constitution na kailangan magkaroon ng batas upang ganap na maipagbawal ang pamamayagpag ng mga angkan ng politiko sa bansa. “ ‘Yan po ay isa sa mga isinasaad ng ating Konstitusyon ng 1987, ngunit kinakailangan ng batas para ipatupad ito. ‘Nong huling tinanong si Pangulong Aquino …

Read More »

Pope Francis sa Middle East: Kapayapaan

BETHLEHEM – Nasa Bethlehem na si Pope Francis bilang bahagi ng kanyang tatlong araw na pagbisita sa Middle East na tinaguriang “sensitive part.” Layon ng biyahe ng Santo Papa na paigtingin ang regional peace at magkaroon ng kaunting kaluwagan sa “age-old rift” sa Kristiyanismo. Unang nagtungo si Pope Francis sa Jordan nitong Sabado, siya’y umapela na tuldukan na ang giyera …

Read More »

Pusakal na holdaper itinumba sa Divisoria

PATAY ang lalaking si alyas Linga makaraan barilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Sto. Cristo St., Binondo, Maynila. (ALEX MENDOZA) TODAS ang isang kilalang ‘tirador’ sa Divisoria nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek habang nakaupo sa “tejeras” (folding chair), kamakalawa sa Sto. Cristo St., Binondo, Maynila. Namatay noon din ang biktimang kinilala sa pangalang “Linga,” sanhi ng mga tama …

Read More »

Media killings trending na sa PNoy admin!

NASA ikaapat na taon pa lang ng kanyang termino si Pangulong Benigno Aquino III, pero umabot na sa 28 ang napapatay na miyembro ng media. Gusto pa ngang bawasan ni Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma, Jr., radio blocktimer lang daw ‘yung huling biktima sa Digos Davao. Hindi natin alam kung ano ang laman ng sinasabi ni Secretary Kolokoy este Coloma. “Blocktimer …

Read More »

Bagong Manila kotong-gang todo-hataw na naman!

ISANG bagong KOTONG GANG ang iniinda na naman ngayon ng mga motorista kapag ang gulong nila ay sumayad na sa teritoryo ng Maynila. Gaya nitong nakaraang Sabado, nagkaroon ng matinding traffic sa Del Pan Bridge at sa Road 10. Pero hindi po dahil sa mga truck kundi dahil sa nagpapakilalang ANTI-SMOKE BELCHING ‘KOTONG’ este GROUP ng Manila City Hall na …

Read More »