UNANG gabi palang ng kanyang pananatili sa “dormitory” sa Camp Crame ay napakarami nang inirereklamo at inihihirit ni “Pogi”. Marami raw ipis, daga at mainit ang kanyang “dorm”. Humirit si Pogi ng dagdag na electric fan dahil sumusumpong daw ang migrane nito at baka tumaas ang blood pressure dahil highblood daw ito, sabi ng kanyang may katarayang misis na kongresista. …
Read More »Blog Layout
Pambato ni PNoy si Roxas na nga ba?
Marami ang nagsasabing kahit i-endorso ng Malakanyang si DILG Sec. Mar Roxas ay pupulutin pa rin sa kangkungan ang asawa ni Korina Sanchez sakaling magtapat nga silang muli ni Vice President Jojo Binay sa 2016 presidential election. Malinaw sa mga pahayag at obserbasyon ng mga political analyst sa bansa na kung nabigatan si Roxas noong 2010 election kay Binay ay …
Read More »Pagpupugay sa anibersaryo ng Life Oil
Noong nakaraang linggo ay matagumpay na pinagdiwang ang sinasabing pagpupugay, pagpupuri sa Panginoon dahil sa anibersaryo ng Life Oil na dinaluhan ng mga God Fearing na mga singers na binago ang kanilang buhay sa pangunguna ni Rey-an Fuentes, Quest, Yeng Constantino, Firebrand at Foreign Band na The Katinas na puro hill songs ang tinutugtog. Madamdamin dahil iba’t-ibang religious group mga …
Read More »Nora Aunor ‘ibinasura’ ni PNoy (6 idineklarang National Artists)
NILAGDAAN na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Proclamation Numbers 807, 808, 809, 810, 811 at 812 na nagdedeklara bilang National Artists kina Alice Reyes – Dance; Francisco Coching (Posthumous) – Visual Arts; Cirilo Bautista – Literature; Francisco Feliciano – Music; Ramon Santos – Music; at Jose Maria Zaragoza (Posthumous) – Architecture, Design and Allied Arts. Sinabi ni Communications …
Read More »P30K Shabu bistado sa Korean noodles (Ipapasok sa BI jail)
KULUNGAN ang binaksakan ng 28-anyos babae nang tangkaing ipasok sa loob ng Immigration detention cell sa Camp Bagong Diwa ang noodles na may nakaipit na shabu kamakalawa sa Taguig City. Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act sa Taguig City Prosecutors Office si Mary Ann De Leon, ng 546 Alonzo St., Malate, Manila na nakompiskahan ng tatlong sachet …
Read More »Human trafficking sinisi ng US defense secretary
NANANATILI pa ring pangunahing problema sa bansa ang forced labor at sex trafficking sa mga kalalakihan, kababaihan at mga bata, ayon sa Estados Unidos. Inihayag ni Secretary of State John F. Kerry, aabot sa 20 milyon ang biktima ng nasabing krimen sa buong mundo, habang 44,000 lamang na survivors ang nabigyang pansin. Sa Filipinas na nabibilang pa rin sa tinatawag …
Read More »Pangil vs human trafficking talasan pa — Palasyo (Panawagan sa mambabatas)
NANAWAGAN ang Palasyo sa mga mambabatas na gumawa ng batas na magpapataw nang mas mabigat na parusa sa mga sangkot sa human trafficking. Inamin ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kulang pa ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang bigyan ng proteksyon ang mga mamamayan laban sa human traffickers. Sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act o Republic Act 10364, ang parusa …
Read More »3 sa 5 Pinoy ‘di kayang bumili ng pagkain
TATLO sa limang Filipino ang nahihirapan pa ring makabili nang sapat na pagkain sa nakaraang quarter ng taon, ayon sa survey na isinagawa ng development think tank. Ayon sa survey ng IBON Foundation, sa 1,500 respondents mula noong Abril 24 hanggang 30, napag-alaman na 59.3 porsyento ang nagsabing nahirapan sila sa pagbili ng pagkain sa nasabing period. Bukod dito, sinabi …
Read More »Rantso inayawan ni Bong
NAKATULOG nang maayos si Senador Bong Revilla Jr. sa kanyang unang gabi sa Custodial Center sa Camp Crame at bantay sarado ang kanyang selda. Kamakalawa ng gabi, paglabas ng pamilya ni Senador Revilla sa kanyang kulungan ay hindi na pinalapit ang media sa kanyang selda. Una rito, humingi ng pagkain si Revilla Jr. bukod sa pagkain niya sa loob ng …
Read More »Murang NFA rice ibubuhos sa palengke (P27, P32/kilo)
INAPRUBAHAN na ni Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization Francis Pangilinan ang panukala ng National Price Coordinating Council (NPCC) na dagdagan ang ilalabas na NFA rice na nagkakahalaga ng P27 at P32 kada kilo. Sinabi ni Pangilinan, mula sa dating 12,500 bags kada araw, gagawin itong halos 26,000 bags. Ayon kay Pangilinan, magpapatupad din sila ng mahigpit na …
Read More »