Ang Zodiac Mo (Jan. 06, 2015)

00 zodiac

Aries (April 18-May 13) Ang iyong sigla ay huhupa habang lumilipas ang araw. Ngunit sa punto ng kapakanan ng pamilya, ikaw ay muling magiging aktibo.

Taurus (May 13-June 21) Ang emotional at physical comfort ay magiging mahalaga ngayon sa tahanan.

Gemini (June 21-July 20) Sikaping maiwasan ang ano mang nakababahalagang bagay ngayon.

Cancer (July 20-Aug. 10) Ikokonsidera mo ngayon ang kasalukuyang kalagayan ng iyong kalusugan.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Hindi mainam ang araw ngayon para sa bagong exciting na bagay na lalahukan.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Sasamantalahin mo ang matatag na koneksyon ng pamilya at mga kaibigan para sa pagsusulong ng iyong career.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Kung pursigido ka sa iyong hangarin, gagawin mo ang lahat ng posible para makamit ito.

Scorpio (Nov. 23-29) Masisiyahan ka ngayon sa pagpapatupad ng tungkulin sa pamilya.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Dapat piliin ang banayad ngunit maingat na aksyon ngayon, higit itong epektibo.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang relasyon ay nakabase sa emotional attraction at silent understanding.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Dapat higit pang magpakita ng pagmamalasakit at pang-unawa sa mga tao sa paligid.

Pisces (March 11-April 18) Mag-e-enjoy ngayon sa pagpapahinga habang nakikinig sa banayad na musika.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Magkakaroon nang masayang pakikipagkwentuhan sa mga kaanak at maaalala ang magandang nakalipas.

 

ni Lady Dee