Tuesday , December 9 2025

Blog Layout

Number 4 malas na numero?

ANG number 4 ay ikinokonsiderang malas sa traditional Chinese feng shui dahil ito ay katunog ng “death” sa Cantonese. Dahil dito, mauunawaan natin kung bakit ang number 4 ay ikinokonsiderang hindi maswerte sa Chinese feng shui circles. Gayunman, ang 4 ay hindi bad number. Ang number 4 ay numero na may malakas na grounding energy, tuturuan ka nito ng aral …

Read More »

Ang Zodiac Mo (Nov. 24, 2014)

Aries (April 18-May 13) Ang planadong aksyon ang maaaring aprubahan ng kinauukulan. Taurus (May 13-June 21) Pakiramdam mo’y obligado kang gawin ang bagay bagama’t hindi mo naman tungkulin. Gemini (June 21-July 20) Malinaw ang iyong pag-iisip ngayon, ngunit maaaring mahirapan kang umaksyon. Cancer (July 20-Aug. 10) Ang iyong makulay na pamamaraan ay maaaring hindi makakuha ng higit na atensyong iyong …

Read More »

Panaginip Mo, Interpret Ko: Eroplano nag- landing sa tulay

Hello po, Anu po ibig sabihin ng panaginip ko po na patay po ako at nasa loob po ako ng kabaong? Tapos po sumakay po daw po ako ng eroplano nung pababa na po ung cnakyan ko sa kawayan daw po na tulay nagland ung eroplano. Quel po ito ng PAMPANGA (09069669712)   To Quel, Ang panaginip ukol sa sariling …

Read More »

It’s Joke Time

Rex: Para kanino ‘yang isinusulat mo? Rap: Para sa pa-mangkin ko. Rex: E, ba’t ang bagal mong magsulat? Rap: Kasi mabagal pa siyang magbasa. ***** Rex: O, binigyan daw ni GMA ng amnesia yung ilang miyembro ng Magdalo. Rap: Amnesty ‘yun, hindi amnesia, tange! Rex: Amnesia nga, kase bigla nilang nakalimutan ‘yung mga reklamo nila. ***** Lumindol nang malakas sa …

Read More »

Mahal Kita pero… (Ako’y Isang Aswang) (Ika-10 Labas)

NAIS DALHIN NG MGA TAO SI NANA MONANG SA BARANGAY PARA PARUSAHAN PERO UMAWAT SI GABRIEL “Umaakting lang ‘yan, Tserman…” urot kay Tserman ng isang kabataang lalaking nasa tapat ng bintana ng aming bahay. “Dalhin na ‘yan sa barangay!” panunulsol naman ng isang matandang lalaki. Talaga sanang bibitbitin na si Inay ng mga tanod sa barangay nang biglang mamagitan si …

Read More »

Rox Tattoo (Part 23)

NALUBOS ANG KALIGAYAHAN NINA ROX AT DADAY NANG MULING TANGGAPIN ANG ISA’T ISA “Mahal na mahal kita, ‘Day… Ano pa ang silbi ng buhay ko kung ‘di mo na ako mahal…” aniya nang bumitiw ang mga labi sa mga labi ni Daday. Napahagulgol si Daday sa pag-iyak. “W-wala akong kwentang babae… H-hindi mo ako maipagmamalaki,” anitong basag ang tinig. “Wala …

Read More »

PacMan nagpakita ng dating bangis (6 na beses pinabagsak si Algieri)

BINIGYAN ng boxing lesson ni Manny Pacquiao ang walang talong si Chris Algieri sa naging paghaharap nila kahapon sa Macau para irehistro ang isang unanimous decision at mapanatili ang korona sa WBO welterweight sa harap ng libu-libong fans na dumagsa sa CotaiArena. Sa kabuuan ng 12 rounds ay dinomina ni Pacquiao si Algieri at anim na beses niyang pinahiga sa …

Read More »

PBA tuloy ang laro sa Pasko sa MoA

MULING magdaraos ng laro ang Philippine Basketball Association Philippine Cup sa araw ng Pasko, Disyembre 25, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Sa iskedyul na inilabas ng PBA tungkol sa playoffs kahapon, isang laro sa best-of-seven semis ay gagawin sa MOA simula alas-4:15 ng hapon. Mula pa noong 2012 ay nagdaraos ng laro ang PBA sa MOA tuwing …

Read More »

Sadorra, Camacho babanat sa UT Dallas Chess

NAKATAKDANG sumulong ng piyesa si Pinoy grandmaster Julio Catalino Sadorra para sungkitin ang titulo sa magaganap na 2014 UT Dallas Fall FIDE Open chess sa Texas, USA. Si Sadorra na ranked no. 2 ay may elo rating na 2596 kung saan ay magiging sagabal sa kanyang landas ang top seed at super GM na si Anton Kovalyov (elo 2617) ng …

Read More »

Pacquiao dinomina si Algieri

BAGO pa nagsagupa sina Manny Pacquiao at Chris Algieri, nagbigay ng prediksiyon si Freddie Roach na patutulugin ni Pacman ang Kanong boksingero sa unang round. Nabigo mang tapusin ni Pacquiao si Algieri sa Round One, hindi nadesmaya ang kanyang fans dahil sa kabuuan ng kanyang laro ay naging impresibo ang kanyang ipinakita. Naipakita ni Pacquiao ang kanyang sinasabing pagbabalik ng …

Read More »