Sunday , November 3 2024

Blog Layout

Nakakita lang ng maragul, nakalimutan na si papa!

ni Pete Ampoloquio, Jr. Hahahahahahahahahaha! Kalait-lait daw ang isang young showbiz wannabe na nasa isang mala-king bahay sa ngayon dahil sa pagiging kaliwete. Imagine, labs naman siya ng kanyang showbiz boyfriend pero nakakita lang ng gwapong Brapanese ay biglang forget na ang kanyang ca-ring and loving papa. Kapallllll! Ang tanong, seseryosohin ba naman siya ng natitipuhan niyang bagong papa? The …

Read More »

Emergency power ni PNoy solusyon sa power shortage

IGINIIT ng Department of Energy na kailangan na mabigyan ng emergency powers si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hanggang sa katapusan ng Agosto ngayong taon para masolusyunan nang maaga ang problema na maaaring harapin ng bansa sa susunod na taon na may kinalaman sa supply ng koryente. Ayon kay DoE secretary Jericho Petilla, kailangan mabigyan ng emergency powers si Aquino …

Read More »

Seguridad sa SONA ni PNoy kasado na

DINOBLE ng pamunuan ng pambansang pulisya ang bilang ng mga pulis na kanilang ide-deploy sa Lunes para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Ayon kay PNP PIO, Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, dati ay nasa 5,000 ang mga pulis na kanilang idini-deploy, ngunit ngayon ay kanila itong dinoble. Simula kamakalawa, binuhay ng PNP …

Read More »

Magsasaka utas sa agawan ng patubig

NAGLULUKSA ang pamilya ng isang magsasaka makaraan pagbabarilin ng kapwa magsasaka nang magkainitan sa pag-aagawan ng irigasyon sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Feliciano Andres, residente sa Brgy. Siblot, habang ang suspek ay si Nicomedez Sabinay, 40, residente sa Brgy. San Jose, ng nabanggit na bayan. Isinuko sa himpilan ng pulisya ni Atty. Eustaquio R. …

Read More »

Sanggol, paslit patay sa landslide

PATAY ang isang sanggol at kapatid niyang paslit nang matabunan ang kanilang bahay sa naganap na landslide sa liblib na lugar sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan ng Rizal kahapon ng madaling-araw. Sa inisyal na impormasyon mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, naganap ang insidente dakong 3:30 a.m. sa Sitio Bambanin, Brgy. San Isidro ng nasabing bayan. …

Read More »

Pagkilala sa mag-iinang Pinoy sa MH17 aabutin ng 1 buwan

POSIBLENG matagalan ang paghahanap sa bangkay ng mag-iinang Filipino na namatay sa pinasabog na flight MH17 ng Malaysian airlines. Sinabi ni Assistant Secretary Charles Jose, spokeperson ng Department of Foreign Affairs (DFA), maaaring abutin ng hanggang isang buwan ang pagkilala sa mga bangkay na dadalhin sa Netherlands at hindi pa sigurado kung kasama roon ang bangkay ng mag-iinang Filipino. Base …

Read More »

3rd impeachment vs PNoy isasampa ngayon

MAY kasunod pa ang ihahaing impeachment complaints ng mga kritiko laban kay Pangulong Benigno Aquino III. Ngayong araw ay may ikatlong reklamo pang maihahain sa Kamara laban sa punong ehekutibo. Ngunit  sa pagkakataong ito, hindi na nakasentro sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ang reklamo kundi ito ay nakabase na sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Filipinas at Estados Unidos. …

Read More »

3 anak, 8 pa, 8-oras ini-hostage ng businessman at 2 kaanak

DAVAO CITY – Makaraan ang walong oras na hostage taking nasagip ang tatlong anak at walong empleyado mula sa may-ari ng insurance company at dalawang kaanak sa Times Beach Ecoland sa lungsod ng Davao. Naging matagumpay ang negosasyon ni Brgy. R. Castillo Agdao Chairman Mar Masanguid sa pangunahing suspek at may-ari ng insurance company na si Dennis Bandujo nang pakawalan …

Read More »

Pasingawan ng isda sumabog (Obrero kritikal 3 pa sugatan)

KRITIKAL ang kalagayan ng isang obrero habang tatlo pa niyang kasamahan ang sugatan nang sumabog ang pasingawan ng isda (steaming machine) sa loob ng isang fish processor sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital si Joven Taylo, nasa hustong gulang, sanhi ng mga lapnos at tusok ng nabasag na bote sa kanyang katawan. Habang …

Read More »