Sweet 16 niluray ng boyfriend

111014 rapeNAGA CITY- Agad naaresto ang isang lalaki makaraan halayin ang menor de edad niyang kasintahan nang malasing ang biktima sa Candelaria, Quezon kamakalawa.

Nabatid sa ulat, nag-inoman ang 16-anyos biktima at ang boyfriend niyang si alyas Daniel kasama ang ilang mga kaibigan.

Nang malasing ang biktima, dinala siya ng suspek sa kwarto at hinalay ang dalagita.

Hindi nakapanlaban ang biktima dahil sa sobrang kalasingan.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 7610  ang  suspek  na  kasalukuyang nakakulong na Candelaria  Municipal  Police Station.