INIUTOS ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong illegal possession of firearms laban sa itinuturong mastermind ng pagpatay kay international race champion Enzo Pastor na si Domingo “Sandy” De Guzman. Maalala, idinaan sa hiwalay na inquest proceeding si De Guzman para sa naturang kaso makaraan mahulihan ng caliber .45 pistol sa entrapment operation. Si De Guzman ang sinasabing nagbayad …
Read More »Blog Layout
MRT perhuwisyo sa mamamayan — Sen. Poe
MARIING sinabi ni Senadora Grace na lubhang malaking perhuwisyo sa mga mamamayan ang serbisyong ipinagkakaloob ng pamumuan ng MRT 3. Nabatid sa pagdinig ng Senate Sub-Committee on Transportation na pinamumunuan ni Poe, lumalabas na hindi lamang pala ang serbisyo ang perhuwisyo kundi ang mismong maintenance ng mga bagon. Ipinagtataka ni Poe na sa kabila na walang sapat na kakakayahan ang …
Read More »Ex-AFP Chief Bautista, Dingdong Dantes itinalaga sa gov’t
PINANUMPA ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon ang 38 government officials, kabilang si dating Armed Forces chief Emmanuel Bautista at aktor na si Dingdong Dantes. Si Bautista ay opisyal nang iniluklok bilang undersecretary sa ilalim ng Office of the President, pangunahing inatasan na makipag-coordiante sa Cabinet’s security, justice and peace cluster. Habang si Dantes ay itinalaga bilang commissioner-at-large ng National …
Read More »Supply ng bilihin sa holiday season pinatitiyak ni PNoy
INATASAN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Department of Agriculture (DA) na tiyaking magiging sapat ang supply ng pangunahing mga bilihin sa panahon ng kapaskuhan. Sinabi ni Agriculture Sec. Proceso Alcala, partikular dito ang karne ng manok, baboy at gulay na karaniwang nagkakaroon ng abnormal na kakapusan ng supply. Ayon kay Alcala, ito rin ang idinadahilan ng mga nagbebenta …
Read More »Anti-hazing law rerebyuhin ng fratmen
ITINATAG ng Palasyo ang isang inter-agency task force na mayorya ay “fratmen” sa administrasyong Aquino, upang repasuhin ang Anti-Hazing Law para maiwasan ang mga karahasan sa mga fraternity. Sa bisa ng Memorandum Circular No. 68 na nilagdaan ni Executive Secretary Paquito Ochoa noong Agosto 28, nais ni Pangulong Benigno Aquino III na tiyaking magkakaroon ng hustisya ang mga biktima ng …
Read More »Secretary ng Leyte mayor, binoga sa ulo
TACLOBAN CITY – Kritikal ang kalagayan ng secretary ng mayor sa bayan ng Merida, Leyte makaraan barilin sa ulo nang malapitan ng hindi nakilalang suspek habang nagpapahinga sa kayang pwesto sa public market matapos maki-pag-inoman sa kanyang mga barkada kahapon ng madaling araw. Kinilala ni PNP chief of police Eduard Moto Satorre ang biktimang si Remegio Mopon Jr., 35, residente …
Read More »Misis ‘binuriki’ ng pinsan ni mister
“NAGULAT na lamang po ako nang pumasok siya sa bahay namin na sabog na sabog tapos bigla na lamang niya (suspek) akong niyakap at pinaghahalikan, kahit anong palag ang gawin ko hindi ko kaya ang lakas niya.” Ito ang lumuluhang salaysay ng isang 19-anyos ginang makaraan pagparausan ng pinsan ng kanyang mister sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng tanghali …
Read More »Motorbike umilag sa aso sa poste sumalpok (1 tepok, 1 sugatan)
TEPOK ang isang factory worker at sugatan ang isa pa sa pagsalpok sa poste ng koryente ng sinasakyang motorsiklo nang iwasan ang asong gala sa Naic, Cavite kamakalawa. Bagok ang ulo makaraan humampas sa semento kaya agad namatay ang biktimang si Doven Quimson, 28, ng Brgy. Palangue 3, Naic, Cavite, habang isinugod sa San Lorenzo Hospital ang sugatang angkas na …
Read More »Nursing aid sumemplang sa bisekleta, patay
PATAY ang isang empleyado ng Chinese General Hospital nang sumemplang at tumama ang ulo sa semento nang mawalan ng kontrol ang sinasakyang bisekleta sa Port Area, Maynila kamakalawa. Hindi na umabot nang buhay sa Seaman Hospital ang biktimang si Ramil Mariano, 48, nursing aid sa Chinese General Hospital, residente ng No. 2622 C. Felix Huertas, Sta. Cruz, Maynila. Ayon sa …
Read More »Live-in partners patay sa ambush
LAOAG CITY – Kapwa patay ang mag-live-in partner makaraan tambangan kamakalawa ng hapon sa Brgy. Caringquing, bayan ng Solsona. Kinilala ang mga biktimang sina Owen Cariaga, residente ng Brgy. Juan ng nasabing bayan; at si Regelyn Ruiz, tubong Brgy. Manalpac, tinamaan ng bala ng M16 sa kanilang ulo. Ayon kay Senior Insp. Leonardo Tolentino, chief of police ng nasabing bayan, …
Read More »