Tuesday , December 16 2025

Blog Layout

BBL nabinbin sa Kongreso (‘Di naihabol sa deadline)

NABIGO ang Kongreso na maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa pagtatapos ng sesyon nitong Miyerkoles.  Nagsara ang pagdinig kamakalawa nang hindi pa rin natutuldukan ang interpellations at debateng magbibigay-daan sa pag-amyenda sa BBL.  Inihayag ni House Speaker Sonny Belmonte na ipagpapatuloy nila ang paghimay sa panukala sa muling pagbubukas ng sesyon sa Hulyo.  Setyembre o Oktubre ang bagong target …

Read More »

Bebot pinatay, sinunog ng live-in partner

PINATAY sa sakal ang isang babae ng kanyang kinakasama at sinunog ang kanyang bangkay sa gitna ng bukirin sa Brgy. Catacte, Bustos, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng kanyang mga kamag-anak sa pamamagitan ng suot na underwear ang biktimang si Aprilyn Estrella, 27, ng Brgy. Malawak sa nasabing bayan. Habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Joselito Bregino, pahinante …

Read More »

P225-M shabu nasabat sa intsik  at pinay (Sa Quezon City)

UMAABOT sa halagang P225 milyong shabu ang nakompiska ng mga operatiba ng Quezon City Police District–District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID) sa isang Chinese national at kasamang Filipina sa buy-bust operation kahapon ng umaga sa nasabing lungsod. Sa ulat kay Chief  Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD Director, kinilala ang mga nadakip na sina Garry Go, tubong China, at Sheralyn Borromeo, kapwa pangsamantalang …

Read More »

China bullying papalagan sa West Philippine Sea Coalition rally ngayon

HINDI palalagpasin ng mga Pilipino sa pangunguna ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III ang pambu-bully ng China sa ating bansa sa paglulunsad ng malawakang rally kaugnay ng pagdiriwang ng ating Araw ng Kalayaan ngayon sa harap ng Chinese Consulate sa Buendia Avenue sa Makati City. Ayon kay Alunan, ipapadama ng West Philippine Sea Coalition …

Read More »

Mag-ama todas sa trailer truck

HINDI na umabot nang buhay ang isang mag-ama makaraan sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang trailer truck sa lungsod Quezon kahapon ng hapon. Sa ulat ni Insp. Erlito Renegin, hepe ng Quezon City Police District Traffic Sector 1, kinilala ang mag-amang sina Edwin Aningalan, 58, at Albert, 32, kapwa residente ng Caloocan CIty. Habang sumuko ang driver ng truck …

Read More »

It’s Joke Time: Guaranteed

Pasyente: Okey ba ang servi-ces sa ospital na ito? Doktor: Oo naman. Sigurado ‘yon. Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied? Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo. MAHINA SA MATH Dalawang holdaper sa banko: Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo! Holdaper #2: Bilangin mo na! Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung …

Read More »

Sexy Leslie: Nahihiya na tomboy ang syota

Sexy Leslie, Almost 5 years na kami ng syota kong tomboy, mahal na mahal namin ang isa’t i isa kaso lang nahihiya ako sa mga tao, ano bang dapat kong gawin? 0928-7360599 Sa iyo 0928-7360599, Kung talagang mahal mo ang iyong karelasyon, hindi mo siya ikahihiya. Hindi naman ang mga taong nasa paligid mo ang magbibigay sa iyo ng kasiyahang …

Read More »

Nasa digmaan ba ang ‘Pinas sa SEAG?

  GLORIA para sa athletics team ng Filipinas ang ika-anim na araw ng kompetisyon sa 28th Southeast Asian Games (SEAG), salamat sa three-gold haul na nabigyang-pansin sa pinaniniwalaang kauna-unahang sprint double win ng bansa sa biennial multi-sport event. Dangan nga lang ay nadungisan ito ng kaunting kontrobersiya. Hindi malaman kung sino ang dapat sisihin dahil kung tatanawin nang ma-lapitan ang …

Read More »

James nilista ang 2-1 para sa Cavs

TUMIKADA si basketball superstar LeBron James ng 40 puntos para angklahang muli ang Cleveland Cavaliers sa 96-91 panalo kontra Golden State Warriors sa Game 3 Finals ng 2014-15 National Basketball Association (NBA) kahapon. Kinulang ng dalawang assists si James para isukbit ang pangalawang triple-double performance ngayong Finals sa kanilang best-of-seven series. May nahablot na 12 rebounds si four-time NBA MVP …

Read More »

Azkals target muli ang World Cup

  SUSUBUKANG muli ng Philippine Azkals na makapasok sa World Cup ng football sa pamamagitan ng 2018 World Cup Qualifiers na magsisimula na sa Huwebes (June 11) laban sa Bahrain sa Philippine Arena sa Bulacan. Ang Azkals Manager na si Dan Palami at Head coach Thomas Dooley ay di na makapaghihintay na isabak ang pinakamalakas umano na line up ng …

Read More »