Raon vendors nag-iiyakan na agad sa TFOV

quiapo vendorNangangamba na agad ang mga pobreng vendor sa kalye Raon at Quiapo dahil umano sa nalalapit na pagpasok ng Task Force Organize Vending (TFOV) sa kanilang lugar.

Balita na kasi na ihaHAWLA na sila gaya sa Divisoria at Carriedo.

Iisa lang naman daw ang ibig sabihin nito para sa kanila, DAGDAG-TARYA at pahirap sa kanila?!

Kung ngayon nga ‘e kaliwa’t kanan na ang mga umiikot na kolektong mula sa iba’t ibang unit ng MPD at CITY HALL, lalo na raw kapag nasimulan na ang ‘kalakaran’ sa task force organize vending.

Iba pa raw ang goodwill na cashunduan para hindi masilat at mawala at maagaw sa kanila ang puwesto ng lalatagan ng paninda.

Tiyak nga raw na magiging very happy ang isang Mr. Estafa ‘este Estaquio na siyang mamumuno sa TFOV Raon!?

Siyempre, dahil siya raw ang mamimili ng mga lider-vendors na mangongolekta sa kapwa vendors nila.

“Wala na bang gagawin ‘yang mga nakaupo ngayon sa city hall kundi pahirapan kami?” tanong ng isang Raon vendor.

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com