Saturday , December 20 2025

Blog Layout

Anak ni Greta, nagpalitrato kasama si Claudine 

MALAPIT na sigurong magkabati, kundi man maging malapit uli sa isa’t isa, ang magkapatid na Gretchen Barretto at Claudine Barretto. Ang isang ebidensya ay: nagpalitrato si Claudine sa isang event na kasama ang anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco. Si Dominique mismo ang  nag-post sa kanyang Instagram [@dominique] kamakailan ng mga litrato nilang magtiyahin. (Si Dominique ay anak ni Gretchen sa live-in partner n’yang bilyonaryo …

Read More »

Oro at Azenith, pinagpiyestahan muna, magbabati rin naman

NAKATUTUWA pero naka­tatawa rin ang pagbabati sa wakas ng magkaibigang sina Elizabeth Oropesa at Azenith Briones. Naganap ito sa magkahiwalay na phone patch interview sa kanila nitong Biyernes sa showbiz program ng katotong Morly Alinio sa DZRH. Nagsimula bilang blind item hanggang sa pinangalanan na sina Elizabeth at Azenith bilang magkaibigang nagkasira nang dahil sa alahas. Lumantad na ang kuwento tungkol sa hikaw at singsing na …

Read More »

Mocha, halatang binubuwisit na lang si Kris Aquino

MALINAW na pambu­-buwisit na lang ang ginagawa ni Mocha Uson kay Kris Aquino sa serye ng mga ipino-post niya sa kanyang Facebook page. Nasundan nito lang ng post na “bureaucratic misfit” na ito after ng panlilibak niya sa mga magulang ni Kris. Ito ‘yung hinalukay na video noon ni Kris patungkol sa dating asawang si James Yap. Nasa baul pa rin kasi ng alaala ang minsang sinambit ni …

Read More »

Vilma, Hilda, at Dawn, ‘di naglalagay para magka-award o mapuri

HINDI mo masusukat ang kahusayan ng isang aktres base sa mga lumalabas na press release o mga papuring alam na ninyo kung bakit. Hindi mo rin naman mapapalabas na magaling ka dahil nanalo ka ng isang award, dahil alam naman natin na rito sa atin may mga award na “nalalakad” kung hindi man “nabibili”. Hindi sa mga bagay na iyan …

Read More »

Ellen, sa isang Chinese hospital sa Mandaue manganganak

MUKHA ngang all set na sila, manganganak na si Ellen Adarna sa isang private na Chinese hospital sa Mandaue. Mabuti nga roon at malayo, hindi sila mapakikialaman ng press doon. Pero knowing them, hindi sila kailangang pakialaman ng press. Baka oras na manganak iyang si Ellen siya pa ang unang-unang maglabas niyon sa kanyang social media account. Lahat naman ng pinag-uusapan ngayon …

Read More »

Erwin, may ka-riding-in-tandem sa Ronda Patrol Alas Pilipinas

MAY bagong show sa PTV 4 si Erwin Tulfo titled Ronda Patrol Alas Pilipinas. Co-anchors niya rito sina Lad Augustin at Loy Oropesa. May riding-in-tandem group sa show, na aalamin ang mga problema sa mga lugar na pupuntahan nila at ire-report kina Erwin, Lad, at Loy para bigyan ng solusyon. Ang show ay produced ng mag-asawang Matte at Queenie Oreta. Mapapanood ito tuwing Sabado, 10:00 to 11:00 a. m.. …

Read More »

Tom, nagiging doktor ni Jen sa tuwing aatakihin ng allergies

KAHIT na magkaibigan sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo, hindi nagkakailangan sina Tom at Jennylyn Mercado sa mga medyo intimate scenes nila sa The Cure bilang mag-asawa. Girlfriend ni Dennis si Jennylyn at mag-asawa ang papel nina Tom at Jennylyn sa serye. “It’s work,” bulalas ni Tom tungkol dito. Magkaibigan sina Tom at Dennis at iisa ang manager nila, si Popoy Caritativo. Samantala, nagmistula palang doktora ni Tom …

Read More »

Isang Kuwento Ng Gubat (The Leonard Co Story), ‘di na kasali sa ToFarm

NAG-ANUNSIYO ang pamunuan ng TOFARM Film Festival na ang isa sa mga early entries sa  filmfest, ang Isang Kuwento Ng Gubat (The Leonard Co Story) ay hindi na kasali sa naturang film festival. Dahil sa conflict sa scheduling kaya minabuti ng mga tao sa likod nito, kabilang ang sumulat ng kuwento ng pelikula na si Rosalie Matillac na mag-withdraw na lamang. Ang pumalit dito ay ang KAUYAGAN,” isang …

Read More »

‘Tambay’ man may karapatang pantao pa rin

arrest posas

MATAPOS ang kontrobersiyal na ‘tokhang’ umaa­rangkada naman ngayon ang pagsakote sa mga ‘tambay.’ Dapat daw disiplinahin ang mga tambay na hindi marunong sumunod kahit sa mga ordinansa ng munisipalidad o lungsod. Wala naman tayong pagtutol dito. Pero ang ipinagtataka natin, bakit buong puwersa yata ng NCRPO ang rumaratsada sa mga tambay? Ibig sabihin, bakit pulis ang dumidisiplina sa mga tambay?! …

Read More »

Welcome MPD DD Gen. Rolando Anduyan!

KAMAKALAWA ng gabi, nabalitaan natin na napadaan umano si Pangulong Rodrigo Duterte diyan sa United Nations Avenue at nakita ang mga ‘nakagaraheng’ sasakyan kaya agad inatasan ang bagong talagang Manila Police District (MPD) director na si Gen. Rolando Anduyan na linisin ang ‘illegal terminal’ sa nasabing kalsada. Agad namang tumalima si Gen. Anduyan at ipina­tawag ang kanyang mga opisyal para …

Read More »