Tuesday , July 8 2025

Bahrain giniba ng Batang Gilas

SWAK sa semifinals ang Chooks To Go Batang Gilas-Pilipinas matapos talbusin ang Bahrain, 67-52 kaha­pon sa 2018 Fiba Under-18 Asian Championship sa Stadium 29 sa Nonthaburi, Thailand.

Hinawakan ng Batang Gilas ang 20-11 bentahe sa first quarter subalit nabulaga sila sa second matapos silang harurutin ng Bahrain.

Naagaw ng Bahrain ang unahan, 34-26 sa halftime.

Agad bumangon ang Batang Gilas sa third period, humataw ng 22-11 para maibalik ang bandera, 48-45 papasok ng fourth period.

Namuno sa opensa para sa Batang Gilas si Kai Sotto na nagtala ng 21 points at 10 rebounds habang nag-ambag si Ariel Edu ng 16 puntos  at 17 rebounds.

Sunod na makakalaban ng Batang Gilas sa semis ay ang mananalo sa pagitan ng Australia at Japan na kasalukuyang nagla­laban habang tinitipa ang istoryang ito.

Ang ibang bumakas para sa Team Pilipinas ay si Miguel Oczon na nirehistro ang 10 puntos.

Kumana sa opensa para sa Bahrain sina Rashed Awadh at Baqer Ali na may tig 13 markers.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

LA Tenorio PBA

LA Tenorio, Salvador ng Barangay Ginebra

GINABAYAN ni LA Tenorio ang Barangay Ginebra sa panalo laban sa San Miguel Beermen, 88-87, …

ArenaPlus Ravena 1

Advocates of responsible gaming: ArenaPlus soars high with the Ravena Family

Dani Ravena, Kiefer Ravena, Thirdy Ravena, and their father, Bong Ravena, together with the president …

PSAA Aspirant Cup sa Hulyo 12

PSAA Aspirant Cup sa Hulyo 12

KABUUANG 11 koponan tampok ang apat na premyadong eskwelahan ang sasabak sa Aspirant Cup 16-under …

Patrick Pato Gregorio PSA

Gregorio, Nangakong Mas Maraming Ginto para sa Pilipinas

SA KANYANG unang opisyal na tungkulin bilang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC), nangako si …

Vinny Araneta Marcos FIBV

FIVB Worlds hosting isang bihirang pribilehiyo — Vinny Marcos

ANG Federation Internationale de Volleyball (FIVB) Volleyball Men’s World Championship Philippines 2025 ay isang pagkakataon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *