Saturday , December 6 2025

Dermatologist kuning!

Amusing naman ang kwento-kwento tungkol sa aesthetician o dermatologist na ‘to. Hahahahahahaha! May name na rin naman siya dahil dekada na rin ang binibilang niya sa skin care business pero up to now, mahiwaga pa rin talaga siya in as far as we are concerned. At any rate, kumikita na rin naman siya dahil up to now, bukambibig pa rin …

Read More »

Transgender inilublob sa inodoro hanggang mamatay (Nabuking ng sundalong Kano na hindi tunay na babae)

HINIHINALANG sinadyang patayin ang isang transgender ng sinabing kaulayaw niyang isang US serviceman makaraan matagpuang nakalublob ang ulo ng biktima sa ino-doro ng motel sa Olongapo City kamakalawa ng gabi. Iniimbestigahan ng Region 3 PNP ang pagkamatay ni Jeffrey Laude, alyas Jennifer, 26, ng 5th St., Drapper West, Tapinac, ng nasabing lungsod, bali ang leeg at nakalawit ang dila nang …

Read More »

‘Rantso’ inireklamo inmates pinatahimik ng tear gas

GENERAL SANTOS CITY – Hinagisan ng tear-gas ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga bilanggo ng Lanton City Jail nang magwelga dahil sa hindi patas na pagbibigay ng rasyon ng pagkain. Ayon sa isang nagpakilalang si Melissa, kapatid ng isang preso, sinabi sa kanya ng kapatid na hindi maayos at ‘biased’ ang pamimigay ng …

Read More »

16-anyos nagbigti sa kaarawan (Ex-GF ‘di sumipot sa handaan)

  NAGBIGTI ang isang 16-anyos binatilyo nang hindi sumipot ang kanyang dating nobya sa pagdiriwang ng kaarawan ng biktima kamakalawa ng madaling araw sa Marikina City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Nolie Bruce, nakatira sa 68 Palay St., Brgy. Tumana sa naturang lungsod. Dakong 4:30 a.m. nang natagpuan ng tiyuhin na si Abner Marcos, 34, ang pamangkin habang nakabigti …

Read More »

Pasang Masda sa LTFRB: Pasahe sa jeep ibaba sa P8

HIHILINGIN ng grupong Pasang Masda transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibaba ang pasahe sa P8 kasunod ng rollback sa presyo ng petrolyo kamakalawa. Ayon kay Pasang Masda national president Robert Martin, makikipagpulong sila kay LTFRB Chairman Winston Gines at pag-uusapan nila ang magiging kasunduan para hindi sila maagrabyado sakaling tumaas o bumaba ang presyo …

Read More »

Manyak itinumba ng utol ng rape victim

PATAY noon din ang isang lalaki makaraan pagbabarilin ng riding-in tandem sa Quezon City kahapon ng umaga. Sa ulat kay Sr. Supt. Joel Pagdilao, QCPD director, kinilala ang napatay sa pamamagitan ng driver’s license na si Ruel Opelanos ng P. Guevarra St., San Juan City. Sa imbestigasyon, nakatayo ang biktima sa Driod St., Brgy. Kaunlaran, Cubao, Quezon City nang sumulpot …

Read More »

Lolo dyuminggel sa ilog nalunod

NALUNOD ang isang 62-anyos lalaki makaraan mahulog habang umiihi sa tabi ng ilog sa Brgy. Sto. Rosario, Hagonoy, Bulacan kamakalawa. Ayon sa ulat ng Hagonoy Police, wala nang buhay nang matagpuang lumulutang sa ilog ang biktimang si Manuel Dumasig, 62, residente ng Santos St., Brgy. San Roque, Angat. Nabatid na nagtungo sa Hagonoy ang biktima upang makipaglamay sa burol ng …

Read More »

Nag-groupie sa tabing-dagat dalagita nalunod

NALUNOD ang isang 17-anyos dalagitang estudyante makaraan tangayin nang malaking alon habang nagpapakuha ng larawan sa tabing dagat kasama ng kanyang mga kaklase nitong Linggo sa Brgy. Masikil, Bangui, Ilocos Norte. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkayayaang pumunta sa tabing dagat ang pitong magkakaklase kabilang ang biktimang si Cheska Agas para magpakuha ng larawan. Habang naggo-’groupie’ humampas sa kanila ang malaking …

Read More »

Homeowners prexy itinumba

PATAY ang isang 48-anyos lalaking presidente ng home owners association makaraan barilin ng hindi nakilalang salarin habang nagliligpit ng paninda kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Egmedio Salvan, 48, presidente ng Gulayan Homeowners Association at residente ng 22 Sitio Gulayan, Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod. Habang tinutugis ng …

Read More »

3 paslit todas sa inulam na pawikan

BINAWIAN ng buhay ang tatlong paslit na magkakapatid makaraan malason sa inulam na karne ng pawikan sa Brgy. Liang, Irosin Sorsogon kamakalawa. Ayon kay PO3 Ronnie Dollentas ng PNP Irosin, nabili ng mag-asawang Pio at Teresa Alon ang karne ng pawikan sa isang Norman Gacias, isang fish vendor mula sa Matnog. Iniluto ng mag-asawa ang karne at ipinakain sa mga …

Read More »

P3-M alahas natangay sa jewelry shop

NATANGAY ng mga magnanakaw ang P3 milyong halaga ng mga alahas sa isang jewelry shop sa Ongpin St., Sta. Cruz, Maynila. Limas na ang mga alahas sa QT Jewelry Shop nang datnan ng may-aring si Patrick San Agustin kahapon ng umaga. Hinihinalang sa kisame ng bakanteng ikalawang palapag dumaan ang mga kawatan. (LEONARD BASILIO)

Read More »

Pekeng pulis, 2 pa tiklo sa checkpoint

KALABOSO ang isang pekeng pulis at dalawang kasama sa isinagawang dragnet operation kahapon sa Quezon City. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director, Senior Supt. Joel D. Pagdilao ang suspek na si Rodel Tojoy, 24, tubong Masbate, security guard, ng Purok 3, Brgy. Turbina, Calamba City, nagpakilalang isang pulis. Arestado rin ang dalawang kasama ni Tojoy na sina Venjamin …

Read More »

PNoy bigo sa ‘tuwid na daan’

HATI ang mga Filipino kung natutupad nga ba ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang ipinangako niyang “Tuwid na Daan.” Sa Ulat ng Bayan national survey ng Pulse Asia noong Setyembre 8 hanggang 15, 36% ng mga sinurbey o 3 sa bawat 10 Filipino ang hindi sang-ayon na natupad nga ni Aquino ang pangako niyang baybayin ang tuwid na daan. …

Read More »

Biyaya bumuhos sa pandesal boy (Makaraang maholdap)

MAKARAAN maging viral sa social media at lumabas sa mga pahayagan ang balita kaugnay sa isang 11-anyos vendor ng pandesal na umiiyak at nanginginig sa takot makaraang holdapin, bumuhos ang dumarating na biyaya para sa kanya. Nitong Sabado, personal na binisita ni Mayor Oscar Malapitan ang batang si Mark Christian “Kokey” Santos sa kanyang bahay sa Brgy. 168 Deparo, Caloocan …

Read More »

Farming-farming ang peg ng retiring/retired politicians

ONLY in the Philippines lang talaga na kakatwang mag-isip ang mga politiko. Kung kailan mga nangagsipagretiro saka sinipag na magsipag-farming. Magtayo ng babuyan, manukan, fishpond at magtanim ng kung ano-ano. ‘Yun iba naman ay nagtatayo ng malalaking resort. Pero hindi lang basta farming sa isang maliit na lote kundi ekta-ektaryang lote o katumbas halos ng maraming barangay o isang baryo. …

Read More »