Thursday , June 4 2026

8 miyembro ng pamilya arestado sa droga

080614 drugs shabu arrest LEGAZPI CITY – Bagsak sa kulungan ang isang pamilya sa lalawigan ng Catanduanes makaraan salakayin ng mga awtoridad ang kanilang bahay dahil sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Kinilala ang mga suspek na sina Reciel “Butch” de Jesus Molina, Rene Molina Sr., Marijun de Jesus Molina, Rene Molina Jr., Katrina Ciara Crucillo, Jocel Molina Esquienda, Jay Runas Romero, at isang menor de edad na kasapi ng pamilya.

Nahuli sila sa isinagawang anti-illegal drug raid ng mga tauhan ng Virac Municipal Police Station at Catanduanes Police Public Safety Company sa kanilang bahay sa Brgy. Gogon Centro, bayan ng Virac.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang 28 sachet ng shabu, aluminum foil at strips, handgun replica, tatlong cellphone, M-16 ammunition at iba pang mga gamit sa pagdodroga.

Ayon sa pulisya, matagal nang minamanmanan ang pamilya Molina dahil sa mga impormasyon kaugnay ng illegal na aktibidad.

 

 

 

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …