Thursday , June 4 2026

6 sugatan sa bus vs van sa Caloocan

111814 crashSUGATAN ang anim katao makaraan magbanggaan ang isang private van at pampasaherong bus na dumiretsong sumalpok sa harapan ng gusali ng isang punerarya kahapon ng umaga sa MacArthur Highway, Caloocan City.

Kinilala ang mga sugatan na sina Kennyvie Dancil, Eduardo Ortega, Alvin Borres, Riza Lipasano, Laurenciano Tiusi at ang driver ng bus na si Vicente Roaman.

Hawak na ng Caloocan City Traffic Management Unit ang driver ng  Hyundai Starex van (WCD-323) na si Aljohn Constantino, ng Block 5, Lot 30, Thursday St., Brgy. San Nicolas, Bacoor, Cavite.

Binabagtas ng AC Trans bus (TXW-657) ang kahabaan ng MacArthur Highway nang makasalubong ang Starex van. Sinabi ni Roaman, tinangka niyang iwasan ang van ngunit nahagip pa rin hanggang mawalan ng kontrol at diretsong sumalpok sa konkretong plant box at poste.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …