Saturday , December 13 2025

Regular drug test sa bus at truck drivers

MADUGONG aksidente na naman ang nangyari na kinasasangkutan ng Valisno Bus kamakalawa sa boundary ng Caloocan at Quezon City. Apat ang namatay at 16 ang sugatan sa insidente. Sa panayam ng media, sinabi ng bus driver na si George Pacis na kinakantiyawan daw kasi siya ng mga pasahero na mabagal magpatakbo kaya pinaspasan niya. Sabi naman ng mga pasahero, pinagsabihan …

Read More »

Mayor Lenlen Alonte nasasalisihan ni Noah bakla?!

SINO itong Noel alyas “Noah Bakla” na may sariling mesa sa Accounting Department sa Biñan, Laguna, City Hall, pero hindi naman siya ‘organic’ na empleyado o opisyal ng munispyo?! Ano ba ang papel ni Noah Bakla sa Accounting department ng Biñan, Laguna?! Nagbibilang ng kuwarta ng bayan? O pinagkikitaan ang pagkakaroon niya ng mesa sa nasabing munisipalidad?! Paging Mayor Lenlen …

Read More »

Valisno driver positibo sa shabu (Bus kolorum)

POSITIBONG nasa impluwensiya ng droga ang driver ng Valisno Bus Line nang maganap ang pagkabangga ng bus sa isang arko na kumitil sa buhay ng apat katao nitong Miyerkoles ng umaga sa Quirino Highway, Quezon City. Ayon kay Sr. Insp. Marlon Meman, hepe ng Traffic Sector 2, lumabas na positibo sa droga ang driver na si Georpe Pacis sa isinagawang …

Read More »

Naaksidenteng Valisno bus kolorum

INIHAYAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may problema ang rehistro ng naaksidenteng bus ng Valisno Express. Apat ang patay habang mahigit 30 ang sugatan makaraan bumangga ang naturang bus sa arko ng boundary ng Caloocan City at Quezon City sa Quirino Highway nitong Miyerkoles. Sinasabing bago nawalan ng kontrol ang driver nito ay makailang beses siyang …

Read More »

Bongbong hindi iboboto ng Marcos loyalist

WALANG suportang makukuha si Sen. Bongbong Marcos sa mga Marcos loyalist kung tuluyan siyang tatakbo bilang running mate ni Vice President Jojo Binay.  Lalabas na walang utang na loob at hindi maituturing na tunay na dugong Marcos si Bongbong kung ang plano niyang maging bise presidente ni Binay ay matutuloy. Taksil na matatawag si Bongbong dahil mismong si Binay ang …

Read More »

Naliligong ginang kinuhaan ng video bosero kalaboso

NAGHIHIMAS ng rehas na bakal ang isang 21-anyos lalaki makaraan mahuli sa akto habang kinukuhaan ng video ang magandang ginang na hubo’t hubad na naliligo sa Navotas City kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Ramir Andres, ng 417 Road 10, Brgy. North Bay Boulevard North ng lungsod, nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9995 o Anti-Voyeurism Act. Batay …

Read More »

Suspek sa pagpatay kay Aika Mojica sumuko sa PNP-SAF

OLONGAPO CITY- Sumuko kahapon si Niño dela Cruz y Ecaldre sa mga operatiba ng PNP Special Action Force (SAF) Force Intelligence & Investigation Division (FIID) sa pangunguna nina ni FIID Chief Supt. Jonas Amparo at Deputy Chief Supt. Regino Oñate. Ayon sa SAF FIID, sa Starmall Alabang nagpakita si Dela Cruz kasama ang kanyang nanay upang sumuko. Kahapon ay dumating …

Read More »

Water interruption sa susunod na linggo ‘di na tuloy

HINDI na matutuloy ang rotational water service interruption ng Maynilad sa susunod na linggo. Ito ay dahil balik na sa normal ang daloy ng tubig ng Maynilad sa lahat ng naapektohan ng water interruption.  Ayon kay Maynilad media relations officer Grace Laxa, nakasusunod sa iskedyul ang pipe realignment at nasa huling bahagi na ang physical works at testing dito. Dahil …

Read More »

Services Caravan sa Cebu BPOs kasado — Mar

  KINAKASA na ni outgoing DILG Secretary Mar Roxas, sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Cebu, ang isang government services caravan para umikot sa mga opisina ng mga Business Processing Outsourcing (BPO) companies sa Cebu para sa kapakanan ng libo-libo nitong mga empleyado. Nabuo ang inisyatibang ito pagkatapos bumisita ni Roxas kahapon sa Cebu at nakipag-usap sa ilang mga …

Read More »

13-anyos dalagita niluray ng BF ng ina

BAGAMA’T walang suporta ng kanyang sariling ina, desidido ang 13 anyos dalagita na maghain ng kasong rape laban sa boyfriend ng ina na gumahasa sa kanya habang nakatutok sa kanyang ulo ang .45 kalibre baril sa Cavite City. Batay sa sinumpaang salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Mae, sa National Bureau of Investigation-Tagaytay City, naganap ang panghahalay sa kanya ng …

Read More »

Ama pinatay ng anak, ibinaon sa likod-bahay

HINIHINALA ng pulisya na maaaring may sakit sa pag-iisip o nasa impluwensiya ng bawal na gamot ang isang lalaki kaya’t napatay ang sariling ama at ibinaon ang bangkay sa malalim na hukay sa likod ng kanilang bahay sa Brgy. Tikay sa Lungsod ng Malolos, Bulacan Kinilala ng pulisya ang biktimang si Luna Enchanez, 61, anyos, habang ang suspek na patuloy na …

Read More »

1 patay, 7 arestado sa drug raid sa Navotas

PATAY ang isa habang pito ang naaresto sa pagsalakay ng pinagsanib na mga elemento ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Unit (SAID-SOU), Follow-Up Section at Station Intelligence Unit sa isang drug den sa Navotas City kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center  si Mercury Rodrigo, 31, ng Pier 1, Navotas Fish Port Complex, sanhi ng tama ng …

Read More »

47 katao nalason sa litsong baboy

CEBU CITY – Nababahala ang lokal na pamahalaan ng Tudela, isla ng Camotes, probinsiya ng Cebu sa naganap na massive food poisoning sa tatlong barangay sa nasabing bayan. Ayon kay Tudela Vice Mayor Greyman “Jojo” Solante, umabot sa 47 katao ang nalason sa kinaing litsong baboy noong araw ng Lunes. Aniya, 15 sa mga biktima ang isinugod sa ospital at …

Read More »

GPS sa bus pinamamadali, psychological test ng drivers itinulak

ISINUSULONG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at isang samahan ng mga pasahero para paigtingin ang kaligtasan sa biyahe ng mga pampublikong sasakyan.  Ito’y sa harap ng kaliwa’t kanang aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorista at pampasaherong sasakyan, partikular ng mga bus. Nitong Miyerkoles lamang, nabangga ang isang Valisno bus sa boundary ng Caloocan City at Quezon City, na …

Read More »

Beyonce bumili ng £200k na sapatos

BUMILI si Beyonce Knowles ng pares ng sapatos na nagkakahalaga ng £200k, o mahigit 14 milyong piso. Hindi pa lang makompirma kung kasama rin sa pagbili nito ang isang Range Rover. Ang napaulat na ‘outrageous purchase’ ay ginawa ng pop icon sa Birmingham—ang katapat ng American Rodeo Drive sa United Kingdom, na binilhan ni Bey bago magsimula ng kanyang video …

Read More »