Friday , December 19 2025

Cancer patient tumalon sa 5/f ng ospital, patay

PATAY ang isang pasyenteng may prostate cancer sa East Avenue Medical Center sa Quezon City makaraang tumalon mula sa ikalimang palapag ng ospital kahapon. Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10, kinilala ang biktimang si Joselito Amor, 48, family driver, residente ng 18 Katangian St., Batasan hills sa lungsod, idineklarang namatay dakong 3 p.m. habang …

Read More »

Appointments ng DFA, CSC, CoA officials hinarang

BIGONG makalusot sa Commission on Appointments (CA) ang pitong opisyal mula sa Commission on Audit (CoA), Department of Foreign Affairs (DFA) at Civil Service Commission. Ito’y nang i-invoke ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang Sec. 20 ng CA rules para harangin ang kanilang ad-interim appointments. Kabilang sa naharang ang appointments ay sina Hon. Isabel Dasalla-Agito bilang Commissioner ng …

Read More »

Grade 4 pupil nadapa sa iskul, patay

VIGAN CITY – Binawian ng buhay ang isang Grade 4 pupil ng Guimod Elementary School sa Bantay, Ilocos Sur makaraang madapa sa loob ng nasabing paaralan. Ang biktima ay kinilalang si Jilian Dadap residente ng Guimod, Bantay. Ayon sa impormasyon, tumatakbo ang bata sa playground nang madapa sa mabatong bahagi at tumama ang dibdib sa batuhan na naging dahilan nang …

Read More »

Palasyo hugas-kamay sa ‘pinatay’ na FOI

HUGAS-KAMAY ang Palasyo sa pagkabigong lumusot sa Kongreso ng Freedom of Information (FOI) at anti-political dynasty bills, parehong kasama sa ipinangako ni Pangulong Benigno Aquino III noong 2010 presidential elections. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ginawa ng administrasyong Aquino ang lahat para maisabatas ang FOI at anti-dynasty bills ngunit ang aksiyon ng mga mambabatas na hindi ito ipasa …

Read More »

Aussie tiklo sa rape sa 2 nene

ARESTADO ang 48-anyos Australian national sa kasong panggagahasa sa dalawang dalagita sa Angeles City, Pampanga. Sinampahan ng kasong paglabag sa Child Abuse law at paglabag sa Dangerous Drug Acts ang suspek na si Paul Anthony Collin.  Sinabi ni SPO4 Edon Yalong ng Criminal Investigation and Detection Group sa Pampanga, nagtungo sa kanilang opisina ang ina ng 16 at 18-anyos biktima dahil …

Read More »

6 babae nasagip sa tourist sex parties

NASAGIP ng mga awtoridad sa operasyon kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila ang anim kababaihang sinasabing ibinebenta sa mga dayuhang turista para ilahok sa sex parties. Nasagip nang pinagsanib na puwersa ng mga elemento ng Women and Children Protection Center (WCPC), Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang kababaihan sa isinagawang entrapment operation laban sa trafficking in person dakong …

Read More »

US-PH joint patrol sa WPS posible — Goldberg

INIHAYAG ng US ang posibilidad nang paglulunsad ng joint patrol kasama ang Filipinas sa West Philippine Sea (WPS) ngunit ayaw munang ihayag ang mga detalye. Sa forum kahapon sa Quezon City, inihayag ni US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg, hindi isasapubliko ng Washington kung magkakaroon at kailan magdaraos ng joint patrol sa WPS. “I’m not going to prejudge what …

Read More »

US nakatutok sa terror group (Sumusuporta sa ISIS sa PH)

TINUTUTUKAN ng US ang mga grupo sa Filipinas na nagpahayag ng pakikiisa sa international terror group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Sa isang forum sa Quezon City, sinabi ni US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg, may commitment ang Amerika sa rehiyong Asya-Pasipiko sa kampanya kontra-terorismo. “We all have to be on guard against groups for example …

Read More »

2 bangkay nahukay sa bahay ng tulak

DALAWANG bangkay ng lalaki na napaulat na nawawala noong nakaraang buwan, ang nahukay sa ground floor ng isang bahay na pag-aari ng isang sinasabing sangkot sa ilegal na droga sa Caloocan City kahapon ng umaga. Halos naaagnas na ang katawan ng mga biktimang sina Reynaldo Velasco, 62, ng Blk. 10, Lot 7, Section 8, Phase 1, Muzon, Pabahay 2000, San …

Read More »

Seksing bebot binoga sa ulo

TUMIMBUWANG na walang buhay ang isang seksing babae makaraang barilin sa ulo ng hindi nakilalang lalaki sa Malabon City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Bianca Watson, tinatayang 18 hanggang 22-anyos ang edad. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril. Base sa imbestigasyon …

Read More »

600 pamilya homeless sa Muntinlupa fire

TINATAYANG aabot sa P3 milyon halaga ng mga ari-arian ang naabo at halos 600 pamilya ang naapektohan sa sunog sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat ng Muntinlupa Bureau of Fire Protection, dakong 11:30 p.m. nang magsimula ang sunog sa bahay ni Daniel Acubo, sa Bagong Sibol, Putatan at mabilis na kumalat sa katabing kabahayan na yari sa light …

Read More »

Pia Wurtzbach kontra din sa cyberbullying

PINILING adhikain dati ni Miss Universe Pia Wurtzbach ang AIDS awareness at relief operations sa mga lugar na tinamaan ng sakuna, ngunit ngayon ay isinusulong ngayon ang kampanya laban sa cyberbullying. Ayon sa ulat ng PEP News, kasalukuyang naghahanap si Wurtzbach ng mga establisadong organisasyon na may adhikaing labanan ang paglaganap kundi man mapatigil ang problema ng cyberbullying. Gayon pa …

Read More »

Amazing: Kotse maaaring buhatin sa tulong ng exoskeleton

ANG common na problema: nais mong bumuhat ng kotse, ngunit ang average human body ay hindi makakayang bumuhat ng sasakyan. Ngunit mayroon nang solusyon. Si James Hobson, tinagurian ang sarili bilang si Hacksmith, ay bumuo ng exoskeleton upang makatulong sa pagbubuhat nang mabibigat na bagay katulad ng hallowblocks, at pag-aangat ng Mini Cooper. Maaaring hindi pa lalahok si Hobson sa …

Read More »

Chinese coins bilang feng shui money cures

ANG coins na ginagamit bilang feng shui money cures ay bilog na Chinese coins na may square hole sa gitna. Ito ay maaaring bilhin sa China Town o sa maraming online feng shui retailers. Ang coins na ito ay replica ng sinaunang Chinese coins, na yari sa bronze o brass at mula sa two finishes: weathered, antique look o shiny …

Read More »

Ang Zodiac Mo (February 03, 2016)

Aries  (April 18-May 13) Iwasan muna ang pangtanggap ng mga bagong trabaho. Taurus  (May 13-June 21) Ang tsansang ikaw ay malinlang at maloko ay malakas ngayon. Gemini  (June 21-July 20) Mistulang nakikita mo nang malinaw ang hinaharap. Cancer  (July 20-Aug. 10) Malaya kang mangarap at gumawa ng unrealistic plans. Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Tiyaking balanse ang iyong mental and emotional …

Read More »