Saturday , July 27 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Biyudo pinakain ng prutas ni mrs (2)

Ang panaginip mo ukol sa patay ay maaaring babala na may kaugnayan sa mga negatibong bagay at tao sa paligid mo na labis na nakaka-impluwensiya sa iyo. Ikaw ay nakikihalubilo sa maling grupo ng mga tao at ito ay maaaring magbunga ng material loss.

Posible rin na nagsasaad ito na nami-miss mo ang mga malapit sa iyo at mga mahal sa buhay na sumakabilang buhay na. Sa kabilang banda, ang panaginip mo ay isang paraan din na nagiging daan upang maging outlet para mas makayanan ang sinapit na pagkawala ng minamahal sa buhay.

Maaari rin na ang ganitong klase ng panaginip ay may kaugnayan sa trauma o takot na muling mangyari ang mapait na karanasang tulad nito o takot na mawalan muli ng mahal sa buhay. Ang ganitong uri ng panaginip ay maaari rin namang isang paraan upang maresobla ang mga nararamdaman sa mga namayapa na o kaya naman, isang paraan upang matanggap ang trahedyang ito o mga trahedyang nararanasan sa buhay.

Ito ay maaaring paraan din upang magsilbing huling pagkakataon upang makapagpa-alam sa iyong asawang namayapa na. Posible rin na nagsasaad ito na nami-miss mo ang mga malapit sa iyo at mga mahal sa buhay na sumakabilang buhay na. Nagsisilbing daan din ang bungang tulog mo-dahil nakita mo siyang buhay pa-upang maibsan ang pagka-miss mo sa kanya at manumbalik, kahit sa panaginip ang mga masasayang pagkakataon at sandali na magkasama kayo.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

SM Prime 2

SM Prime at 30: A legacy of innovation and shared prosperity

Celebrating 30 Years of Transformative Growth: SM Prime Holdings Chairman Mr. Henry T. Sy, Jr. …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *