Saturday , June 22 2024

Alden, mapagmahal sa fans

BILIB na bilib talaga kami kay Alden Richards dahil kahit saan siya magpunta ay binibigyan niyang pagpapahalaga ang mga tagahanga.

Ikinuwento sa amin ng isang fan mula sa Edmonton, Canada ang naging experience niya nang makaharap ang Pambansang Bae. Aniya, labis ang kanyang tuwa nang makilala ng kanyang batang anak si Alden.

“Hindi ko ma-explain. Ngayon lang ako humanga sa isang artista at si Alden ‘yun. Nakita ko ‘yung sincerity n’ya at pagmamahal sa fans at na-experience ko ‘yun. Masaya ako kahit saglit lang na nakasama ko siya naramdaman ko ‘yung pagpapahalaga n’ya sa mga taong nagmamahal sa kanya.

“Higit sa lahat ang hindi ko makakalimutan ay ‘yung kasiyahang idinulot niya sa anak kong si Michayla. Mahal na mahal siya ni Michayla at noong oras na ‘yun noong nakita ko na kinarga ni Alden ang anak ko. Nakita ko ‘yung kasiyahan sa mukha niya. Walang katumbas para sa isang ina na makita na masaya ‘yung anak mo dahil nakita n’ya ‘yung iniidolo niya. Kahit sa murang edad nakita ko ‘yung appreciation niya. Hanggang sa pag-uwi dala n’ya ang ngiting walang katumbas,” paglalahad ni Haydz Vivero na miyembro ng Alden International.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Ogie Diaz Mama Loi Bea Alonzo

Ogie naghain ng counter-affidavit, Mama Loi perjury case vs Bea Alonzo

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang kanilang abogadong si Atty. Regie Tongol, humarap sina Ogie Diaz, …

Vilma Santos Carlo Aquino Charlie Dizon

Ate Vi bumawi sa mga inaanak na sina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa …

Child Haus Ricky Reyes

TEAM Gift Giving & Feeding project sa Child Haus matagumpay Advocacy ni Ricky Reyes pagtulong  sa mga batang may cancer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang pag-welcome ni Mader Ricky Reyes sa mga kasapi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *