Tuesday , January 27 2026

6 pulis sinibak sa extortion, 4 pa sangkot sa hulidap

CAMP OLIVAS, Pampanga – Anim na pulis na nakatalaga sa Angeles City ang sinibak makaraan mapatunayan sa pangongotong sa isang US retired Air Force personnel, habang apat pang pulis ang iniimbestigahan dahil sa kasong hulidap sa nabanggit na lungsod. Napag-alaman, agad sinibak ni Chief Supt. Rudy G. Lacadin, Police Regional Office-3 director, ang mga sangkot sa extortion at maaaring ipatapon …

Read More »

Peace talks isasabotahe ng anti-communists (Ayon kay Joma)

NAGBABALA si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison kaugnay sa pananabotahe ng aniya’y mga ‘rabid anti-Communists’ na humaharang sa kanyang pagbabalik sa Filipinas. Partikular na tinukoy ni Sison sina Sen. Antonio Trillanes at Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon na nagbabanta ng imbestigasyon laban sa sinasabing krimeng nagawa niya. Sinabi ni Sison, alam mismo …

Read More »

Pulis, 2 pa arestado sa droga

TIYAK na ang pagkasibak ni PO1 Orlando Danao Jr., 34-anyos, kasamang nadakip sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Marikina City Police, kapag naupo na si President-elect Rodrigo Duterte. Ayon kay Senior Supt. Vincent Salanoga Jr., si PO1 Danao ay nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Station 4. Kabilang din sa nadakip sa operasyon sina Eddie Protacio, 53, at …

Read More »

Antenna ng TV tinamaan ng kidlat, 75 bahay natupok

NAWALAN ng tirahan ang 160 pamilya makaraan lamunin ng apoy ang 75 bahay nang tamaan ng kidlat ang antenna ng isang telebisyon na dahilan ng sunog sa isang compound sa Las Piñas City kamakalawa ng hapon. Base sa inisyal na ulat ng Las Piñas Fire Department, pasado 3 p.m. nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Saint Louie Compound, Phase …

Read More »

Tsap-tsap na bangkay sinunog, itinapon sa sementeryo

NAGA CITY – Palaisipan sa mga awtoridad ang pagkakilanlan ng isang bangkay na pinira-piraso at itinapon sa isang sementeryo sa Brgy. Resureccion, San Fernando, Masbate kamakalawa. Napag-alaman, natagpuan ng caretaker ng nasabing sementeryo ang isang katawan na wala nang ulo, braso at mga paa. Nabatid din na sunog na ang bangkay na itinapon sa nasabing lugar. Sa ngayon, patuloy ang …

Read More »

Sekyu kalaboso sa blackmail sa dalagita (Halikan ng mag-BF kinuhaan ng video)

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 34-anyos security guard makaraan i-blackmail ang dalagitang nakuhaan niya ng video habang nakikipaghalikan sa kasintahan sa Caloocan City. Kinilala ni SPO1 Gigie De Jesus, hepe ng Caloocan Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), ang suspek na si Enrique Coranez, security guard ng Eternal Gardens Memorial Park at residente ng Licao-Licao, San Isidro, …

Read More »

Ginang ginilitan ng albularyo, dugo sinipsip

NAGA CITY – Kritikal ang kalagayan ng isang matandang babae makaraan gilitan ng albularyo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at sinipsip ang kanyang dugo sa Brgy. Cuco, Pasacao, Camarines Sur. Ayon sa anak ng biktima na si Arlene Francisco, araw ng Linggo nang dumating sa kanilang lugar ang albularyong si Eupoldo Traste, 65, para gamutin ang kanyang paralisadong ina …

Read More »

3 nene niluray ng tiyuhin

SWAK sa kulungan ang isang 57-anyos diswasher makaraan halayin ang tatlong dalagitang magkakapatid na kanyang mga pamangkin sa Malabon City. Nahaharap sa kasong statutory rape at dalawang bilang ng kasong acts of lasciviousness ang suspek na si Rogelio Dandan, residente ng Brgy. Longos ng nasabing lungsod. Ayon kay Senior Insp. Rosility Avila, hepe ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) …

Read More »

Ogie Alcasid, nagpaparamdam sa GMA?

GUEST si Ogie Alcasid sa programa nina Arnold Clavio at asawang si Regine Velasquez-Alcasid kamakailan sa GMA 7. Nagpaparamdam ba si Ogie sa GMA 7 na gusto na niyang bumalik pagkatapos ng kontrata niya sa TV5 sa Agosto 2016? Wala kasing balitang may bagong show si Ogie ngayong nag-last taping day na ang Happinas gag show na itinapat sa Bubble …

Read More »

Robin at dating manager, muling nag-usap

KAYA naman pala wala nang usapan matapos na mag-post si Robin Padilla na wala na siya sa ilalim ng Vidanes Talent Management ay dahil nagkasundo sila ulit after one day. Tama naman na kung nagkaroon sila ng differences, pag-usapan nila iyon at magkasundo. Hindi natin maikakaila na pareho naman silang nakinabang sa kanilang partnership. Hindi nga siguro magiging talent manager …

Read More »

Career ni Sharon, nakahihinayang

MARAMI ang nagsasabi, siguro nga raw dapat nang magkaroon ng isang TV show si Sharon Cuneta na magpapakita ng kanyang talents, hindi iyong judge lamang siya o kaya ay isang coach. Kasi bilang isang judge at bilang isang coach, ang nakikita lamang ay ang kanyang kakayahang kumilala ng talents ng iba, o tumulong para mas ma-improve pa iyon, pero iyon …

Read More »

Perla, magpapaluha sa Mother and Son

MAGPAPALUHA ang beterana at mahusay na actress na si Ms Perla Bautista sa napapanahong pelikula, na Mother and Son, Ang Kuwento ni Nanay hatid ng SMAC Television Productions at mula sa direksion ni Chrysler Malinay. Gagampanan ni Ms Perla ang role ng isang inang gagawin ang lahat para sa kanyang dalawang anak na sina Justin Lee (Limuel) at Jestin Manalo …

Read More »

Ria, sunod-sunod ang proyektong gagawin sa ABS-CBN

SIMULA nang pumasok sa pag-aartista ang beautiful daughter ng award winning actress Sylvia Sanchez na si Ria Atayde, nagkasunod-sunod na ang proyektong ginagawa nito. At ngayon nga at may mga proyekto na itong gagawin sa Kapamilya Networks, kaya naman daw masayang-masaya si Ria. Ayaw pa nga raw nitong idetalye ang proyektong gagawin niya hangang hindi pa gumigiling ang kamera dahil …

Read More »

Alden, nawala ang pagod sa regalong Iron Man

GRABE ang kasiyahang naidulot sa napakabait na Pambansang Bae ng Pilipinas na si Alden Richards nang regaluhan ito ng isang kaibigan ng kanyang fave super hero na isang collectible na Iron Man. Saksi kami at kitang-kita namin ang kislap sa mata at kakaibang ngiti kay Alden nang makita niya ang malaking size na Iron Man na bagay na bagay sa …

Read More »

Pagtutuos ng hopefuls ng Born To Be a Star, sa May 29 na

SINONG may sabing bitin ang inilaang season sa pag-ere ng reality singing competition na Born To Be a Star? No, hindi po ‘yon totoo dahil sa katunayan ay gaganapin na ang pagtutuos ng mga bigating star hopefuls sa grand finals this May 29, Sunday. Siyempre, bukod sa excited ay aligaga ang mga paru-paro sa mga tiyan ng mga magsisipaglaban-laban in …

Read More »