NAKATENGGA sa opisina ni Mayor Toby Tiangco at hindi pinipirmahan ang mga application form na nag-a-apply para sa online seller’s pass, para makapag-deliver ng kanilang mga produkto sa Navotas City, habang nasa ilalim ang lungsod sa 14-days lockdown. Ayon sa alkalde, nauunawaan niya ang pangangailangan na makapaghanapbuhay ang mga nag-a-apply ng online seller’s pass para may pantustos sa kanilang …
Read More »Walang face mask sinita… Kelot nakuhaan ng P346K shabu
ARESTADO ang isang lalaki matapos makuhaan ng mahigit sa P.3 milyon halaga ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Roger Werble, 45 anyos, driver at residente sa Block 34 Lot 1 Barracks St., …
Read More »Chairman operator ng sabungan, huli
Arestado ang isang Barangay Chairman na sinasabing operator ng ilegal na sabong o tupada sa isinagawang follow-up operation ng MPD Police Station 1 (Raxabago) kaugnay sa anti-illegal gambling operation o sabong sa Tondo, Maynila. Kinilala ang mga naaresto na sina Silvestre Dumagat, Jr., barangay chairman ng Barangay 125; Wilfredo Marullano, caretaker; Lito Biocarles, Arnel King Bautista, Daryl Cortuna at …
Read More »Isko humirit ng donasyon para sa libreng COVID-19 mass testing
NANANAWAGAN si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa publiko na magkaloob ng donasyon upang maipagpatuloy ang libreng COVID-19 walk-in at drive-thru testing centers. Ang nasabing donasyon, anang alkalde, ay ipambibili ng mga kailangang reagents na ginagamit sa pagsusuri ng blood samples mula sa mga pasyente. Aniya, bukas sa lahat, hindi lamang sa mga Manileño, ang mga testing area …
Read More »Lalaki, kulong sa putok ng baril
ARESTADO ang isang lalaki dahil sa pagwawala at pagpapaputok ng baril sa San Andres, Bukid, Maynila. Hawak ngayon ng Manila Police District – Sta. Ana Station (MPD-PS6) ang supek na si Fredelyn Logro, 42, may live-in partner ng 1664 Onyx St., San Andres Bukid, Maynila. Sa ulat, nagsasagawa ng checkpoint ang mga operatiba sa kahabaan ng Roxas St., …
Read More »Lalaki, niratrat patay sa Baseco
PATAY ang isang lalaki matapos paulanan ng bala ng hindi kilalang mga suspek sa Baseco Compound, Port Area sa Maynila. Sa ulat ng MPD, 12:00 ng tanghali nang mangyari ang insidente sa Block 10 New Site, Baseco Compound Port Area, Maynila. Nakasuot ng sando, shorts at nakatsinelas ang biktima na iniwang nakabulagta sa kalsada. Narekober sa crime scene …
Read More »Parañaque City Hall 3-araw isinailalim sa disinfection
MULING isinara kahapon ang ilang tanggapan sa Parañaque City Hall sa loob ng tatlong araw para sa disinfection activities kaugnay sa pag-iingat laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Lahat ng judiciary offices at mga tanggapan ng national government agencies, lahat ng tanggapan ng city council, Treasurer’s Office at Business Permit and Licensing Office (BPLO). Nitong nakalipas na …
Read More »Resto bar owner, binaril sa ulo ng magdyowa
DALAWANG bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang resto bar owner makaraang barilin ng isang lalaki at babae na hinihinalang magkasintahan at nagpanggap na magpapa-reserve sa restaurant sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi. Ang biktima ay kinilalang si Mark Bien Urieta, 36, may asawa, negosyante at residente sa Emerson Bldg., E. Rodriguez Ave., Barangay …
Read More »Give in to your cravings when you #DineInSM!
Miss the fun of dining out? Craving something you haven’t had in a long time? Wondering where you can eat safely? While visiting SM for some essential shopping and chores is a must, you can now discover a new and safe dining experience as SM resumes its dine-in services in its malls nationwide! “With our #DineInSM campaign, SM Supermalls allows you to …
Read More »Coco Martin, tuloy ang laban
TULOY ang laban ni Coco Martin sa serye niyang FPJ’s Ang Probinsiano. Sabi nga, kung may nagsarang pintuan, tiyak na may magbubukas na bintana. Sa sitwasyon ni Coco nang ipasara ang ABS-CBN, humanap ng agarang solusyon ang actor para maipagpatuloy ang Ang Probinsiano. Sa Youtube ito mapapanood ng mga tagahanga. Nakalulungkot lang, Nokia cellphone lang po ang gamit namin at walang Youtube. …
Read More »Kapamilya artists, ‘di masisisi kung lumipat ng estasyon
NASA mabigat na sitwasyon ngayon ang mundo ng showbiz dahil sa pagpapasara ng 70 congressmen sa ABS-CBN. Nalagay sa alanganing katayuan ang mga artista at iba pang talent nito. Ano ba ang mas pipiliin ng mga artistang lumilipat sa ibang network, maging loyal o walang utang na loob? Hindi naman masisisi ang mga artistang naglilipatan dahil may mabigat silang …
Read More »Yayo Aguila, may laplapan scene kaya uli sa Cinemalaya entry?
MAY health crisis man sa bansa at parang may political crisis din, ‘di maaawat ang pagdaraos ng ika-16 na Cinemalaya Film Festival na tradisyonal nang nagaganap tuwing buwan ng Agosto. Pero may kaibahan ang Cinemalaya sa taong ito. Online (sa Internet) lang ipalalabas ang entries na pawang short films. Kasi nga may quarantine at social distancing pa sa bansa. Walang pagtatanghal ng pelikula …
Read More »Mark at Nicole, abot ang pagpapakilig sa YT
CERTIFIED vloggers na rin sina Mark Herras at Nicole Donesa kaya naman abot na hanggang sa YouTube ang kanilang pagpapakilig sa fans. Para sa kanilang unang vlog sa MarkNico Herras YouTube channel, muling nasubukan ang husay ni Mark sa pagsasayaw. Ini-remake ni Mark ang lahat ng kanyang viral TikTok videos sequentially, mula sa Average Joe hanggang sa Binibining Marikit. “Napagod po ‘yung ating dancer,” ani ni Nicole sa dulo ng challenge. …
Read More »Mikee, na-pressure sa pagba-vlog
HABANG hindi pa muna sumasabak sa taping si Mikee Quintos, mas pinagtutuunan muna niya ng pansin ang vlogging para sa kanyang YouTube channel. Naging aktibong muli si Mikee sa hobby na ito matapos ang ilang buwang hindi nakapag-upload ng videos. Ngayon, siya na mismo ang nagsu-shoot at nag-eedit ng vlogs. “Actually, the last two videos, ako na nag-shoot and nag-edit. From …
Read More »Michael V. vlogs, kinapupulutan ng aral
ISA ang multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. sa mga iniidolo ngayon ng nakararami dahil sa vlogs niya na talaga namang kapupulutan ng aral. Ayon sa Bubble Gang at Pepito Manaloto star, mahalaga na maibahagi niya sa mga kabataan ang natutuhan sa ilang taon niya sa showbiz. Sa latest YouTube vlog ni Bitoy, ikinuwento niya na pinangarap din niyang maging teacher simula pa …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















