TBATS, may mga imbitadong audience via zoom

TILA nabuhayan ng loob ang supporters nina Boobay at Tekla sa ipinasilip na pagbabalik-taping ng dalawa sa studio para sa fresh episode ng kanilang hit comedy program na The Boobay and Tekla Show.

 

Ibinahagi ni Tekla sa kanyang Instagram ang behind-the-scene photo nila ni Boobay na kuha mula sa kanilang taping day para sa TBATS kahapon.

 

Aniya, “Abangan sa September 13 ang new episode ng #TBATS. We’re back! Thank you, Lord! #NewNormal.”

 

Nag-post din ang direktor ng show na si Rico Gutierrez ng set-up ng studio na mapapansin na may imbitadong audience via Zoom sa LED display, “Break a leg team! May zoom audience kami today.”

 

Mas pasayahin ang inyong quarantine at samahan sina Boobay at Tekla sa much-awaited fresh episode ng The Boobay and Tekla Show sa September 13 , 10:15 p.m., sa Kapuso Network.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda