INIHAYAG kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na kinakailangan munang amiyendahan ang Republic Act No. 9369 o ang Automated Election Law o ‘di kaya ay magpasa ng bagong batas upang bigyang-daan ang pagdaraos ng manual recount. Ginawa ni Garcia ang paglilinaw kasunod ng ilang panawagan na bilanging muli nang mano-mano ang mga boto sa katatapos na …
Read More »63 nanalong partylists, ipoproklama ngayon
INAASAHANG ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes, 19 Mayo, ang mga nagwaging partylist groups sa katatapos na May 12 midterm elections. Inihayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, nasa 63 ang ipoproklama nilang partylist groups. Gaganapin ang proklamasyon dakong 3:00 ng hapon sa The Manila Hotel Tent City. Sa katatapos na canvassing ng Comelec, tumatayong National Board of …
Read More »Walang Grade 13 sa 2025 DepEd nagbabala vs viral fake news
PINASINUNGALINGAN ng Department of Education (DepEd) ang isang post sa Facebook na nagsasabing magdaragdag ng Grade 13 sa programa ng Senior High School sa School Year 2025–2026. Sa isang advisory na ipinaskil ng DepEd sa kanilang opisyal na Facebook account nitong Linggo, 18 Mayo, inilinaw ng ahensiya na walang katotohanan ang kumakalat na larawang nagsasaad ng dagdag na isa pang …
Read More »Salceda: May oras pa para ipasa ang ‘Seniors Universal Social Pension bill’
LEGAZPI CITY – “May sapat na panahon pa para mai-pasa at mai-sabatas ang panukalang ‘Universal Social Pension bill’ para sa mga ‘Senior Citizens’ na sadyang kailangan ito.” Ito ang pahayag ni House Ways and Means Committee chair, Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda’ Pasado na sa Kamara ang panukala at nasa Senado na ito sa kumite ni Sen. Imee …
Read More »Tiangco nagpatalo sa ‘Alyansa’
‘PALPAK’ ang pagtimon ni Alyansa campaign manager Toby Tiangco sa mga kandidato ng administrasyon sa katatapos na midterm elections. Pinag-uusapan ito ng mga political spectator, at mismong sa hanay ng alyansa base sa resulta ng katatapos na eleksiyon. Anila, mismong si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ay nagsabi na mas maganda sana ang resulta ng kampanya — ngunit halos …
Read More »‘Utak’ sa Anson Que kidnap slay nasakote sa Boracay
HATAW News Team ARESTADO ang dalawa pang suspek at itinurong utak sa pagdukot at pagpatay sa steel magnate na si Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan kahapon. Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil, sina Wenli Gong, ang babaeng Chinese na sinasabing mastermind, at Wu Ja Ping …
Read More »Albay 3D Rep Salceda, isusulong ang ‘Aleco modernization,’ pagsasaayos sa tubig, ‘agro-ecotourism,’ at ‘agri-development’
POLANGUI, Albay – Tiniyak ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda, na nanalo sa katatapos na eleksyon, na isusulong niya ang modernisasyon ng Albay Electric Cooperative (Aleco), isang malubhang suliraning nagpapasadsad sa pag-unlad ng Albay sa loob ng ilang dekada na. Ipinangako din ni Salceda na sisikapin niyang ayusin ang problema sa kakulangan ng tubig sa malaking bahagi ng kanyang …
Read More »DOST to hold 3rd international smart city expo in Isabela
The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with the local government unit of Cauayan City Isabela (ISU) is set to hold the 3rd International Smart City Exposition and Networking Engagement (iSCENE) on May 22-24, 2025, at the Isabela Convention Center, Cauayan City. Cauayan City, Isabela is the first smart city in the Philippines, designated by the DOST in …
Read More »Creamline Wagi bilang Team of the Year, Meneses Coach of the Year
MAS dinagdagan pa ng Creamline ang karangalan nito matapos masungkit ang Team of the Year at Coach of the Year sa kauna-unahang Pilipinas Live Premier Volleybal League (PVL) Press Corps Awards Night na gaganapin sa Mayo 28 sa Novotel Manila, Araneta City sa Quezon City. Ipinamalas ng Cool Smashers ang husay sa pamamagitan ng 176 panalo sa 216 laban sa …
Read More »Anim arestado sa Dagupan dahil sa vote-buying para sa Celia Lim slate
DAGUPAN CITY — Anim katao ang inaresto ng mga awtoridad sa Sitio Mantipac, Barangay Mayombo dakong 12:08 ng madaling araw nitong Lunes,12 Mayo, ilang oras bago ang pagbubukas ng halalan, kaugnay ng sinabing pagbili ng boto para sa ilang kandidato sa Dagupan City. Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Dagupan, nasabat mula sa mga suspek ang halagang ₱120,600 …
Read More »2 huli sa pananahi ng pekeng branded na panty at bra
NALAMBAT ng tauhan ng Malabon Police ang isang may-ari at supervisor matapos salakayin ang isang garment factory na gumagawa ng mga pekeng branded underwear na tulad ng panty, bra, at brief na nakompiskahan ng 32 sewing machines sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Sa report mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, nasa 32- sewing …
Read More »2025 Voter turnout pinakamataas sa PH election history — Comelec
KINOMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) na ang 2025 ang may pinakamataas na voter turnout para sa isang midterm elections sa bansa. Inianunsiyo ito kahapon ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa isang pulong balitaan sa Manila Hotel Tent City. Ayon kay Garcia, ang kabuuang bilang ng mga bumoto sa katatapos na midterm polls ay nasa 81.65%. Ito na ang …
Read More »P3.7-M alahas, pera nakulimbat ng ‘Termite Gang’ sa Pawnshop
ISANG manhunt operations ang inilunsad ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa dalawang miyembro ng ‘termite gang’ na pumasok sa isang pawnshop at tumangay ng P3.7 milyon halaga ng mga alahas at pera nitong Martes, 13 Mayo. Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na humukay ang mga suspek ng daan patungo sa EJM Pawnshop sa panulukan ng Quirino Highway at …
Read More »2 pulis-QC nanggulo sa bar, inaresto ng mga kabaro
INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – Holy Spirit Police (QCPD – PS14) ang dalawa nilang kabaro makaraang manggulo nang makainom sa loob ng isang bar sa Commonwealth Avenue, Barangay Holy Spirit ng lungsod. Ang dalawang pulis, isang 33-anyos may ranggong corporal at isang 29-anyos patrolman ay kapwa nakatalaga sa Warrant Section ng Police Station 14, ay …
Read More »2 patay sa sunog sa Caloocan
KOMPIRMADONG patay ang dalawang residente habang sugatan ang lima katao sa sunog na naganap sa Caloocan City nitong Miyerkoles, 14 Mayo. Kinilala ni Fire Senior Inspector Elyzer Ruben Leal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga biktimang sina Liane Nicole Dacayamat, 16 anyos, at Robert Alinas Guerrero, 52, kapwa residente sa Natividad St., Brgy. 81, Caloocan City. Ayon sa …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















