Wednesday , June 24 2026
Sarah G SB19 Acer Day 2025

Sarah G at SB19 collab palong-palo

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BONGGA at winner na winner ang awrahan ng mga celebrity guest and performers sa ACER Day 2025.

Hosts ang EsBi tandem nina Esnyr at Robi Domingo na kinaaliwan ng mga manonood lalo’t majority ng crowd ay mga SB19 fans and supporters.

First time ring ipinarinig ng SB19 at ni Sarah Geronimo ang collab production nila ng Umaaligid na grabeng kinatuwaan ng lahat.

Then may performance pa si Sarah ng mga famous hit niyang Tala at Kilometro, patunay na siya pa rin talaga ang reyna ng mga uso at napapanahong concert acts.

Pero ang isa pa talagang inabangan nang husto sa event ay ang pagsasama-sama ng mga PBB Collabhousemates.

Sa pamumuno ni Klarisse de Guzman, sinamahan siya ng mga anak-anakan niyang sina Will Ashley, Charlie Fleming, Ralph de leon, Shuvee Etrata, Mika Salamanca, at Brent Manalo, na panalong-panalo sa audience.

“That’s a different and highly regarded entertainment showcase. Very world class. Walang kailangang laitin o pintasan para mapasaya ang crowd,” susog ng mga nakapanood.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …