Tuesday , December 9 2025

Kawatan sa Nueva Ecija todas sa enkuwentro

Dead Thief

NAPASLANG ang isang lalaking hinihinalang magnanakaw sa isang hot pursuit operation na isinagawa ng pulisya na nauwi sa enkuwentro sa lungsod ng San Jose, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Biyernes ng gabi, 17 Setyembre. Batay sa ulat ni P/Col. Rhoderick Campo, OIC provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagkasa ang mga operatiba ng San Jose City Police Station ng pagpapatrolya …

Read More »

10-M COVID-19 vaccine doses naihatid na ng Cebu Pacific (Sa loob ng 6 buwan)

10-M COVID-19 vaccine doses Cebu Pacific (Sa loob ng 6 buwan)

SA LOOB ng anim na buwan simula noong Marso 2021, nakapaghatid na ng 10.6 milyong CoVid-19 vaccine doses sa iba’t ibang bahagi ng bansa, maituturing na milestone ng cargo delivery ng airline. Sa nakaraang dalawang linggo, nailipad ng Cebu Pacific ang mga bakuna sa 19 mga lugar sa iba’t ibang mga lalawigan sa bansa: sa Bacolod, Butuan, Cagayan de Oro, …

Read More »

Dalawang babaeng ‘bagahe’ sa kandidatura ni Bongbong

Sipat Mat Vicencio

SIPATni Mat Vicencio HALOS dalawang linggo na lamang at magsisimula na ang filing ng Certificate of Candidacy (COC), mula Oktubre 1 hanggang 8, sa lahat ng tatakbong kandidato para sa May 9, 2022 elections. Isa si dating Senator Bongbong Marcos ang siguradong magtutungo sa Commission on Elections (COMELEC) para maghain ng kanyang kandidatura.  At umaasa ang kanyang loyal supporters na …

Read More »

Gantimpala sa Davao Group

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles TUBONG-LUGAW ang angkop na paglalarawan sa pagsasamantala sa gitna ng pagdurusa ng mga taong nag-ambag at tumulong sa kampanya ng Pangulo. Bukod sa kontrobersiyal na bulilyaso kaugnay ng mga maanomalyang kontrata sa pagbili ng mga dispalinghadong facemasks, hanggang sa pagtatambak sa Manila Bay, pasok ang Davao Group na sinasabing nanama sa pag-upo ni Rodrigo Duterte sa Palasyo. …

Read More »

Kapalit ng paglaya ng inang nakulong, puri ang kabayaran

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAPAKASAKLAP at masakit, bilang ina ang nagawa mong kasalanan dahil gusto mong mabuhay ang limang anak. Oo nga at pinag­bayaran mo sa paghimas ng rehas na bakal, ngunit lingid sa iyong kaalaman, ang menor de edad mong anak, sa kagustuhang lumaya ang ina sa pagkakakulong ay naging kabayaran ang puri ng menor de edad …

Read More »

Namamaga at makirot na paa natanggal sa Krystall Herbal Oil

Krystall Herbal Oil, Fely Guy Ong, FGO

Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po si Nenita de los Angeles, 53 years old, isang bookkeeper, taga-Quezon City. Matagal ko na pong iniinda ang hindi ko maintindihang kirot sa aking kaliwang paa. Pero dahil kaya ko pa, hinayaan ko lang. Hanggang isang umaga, pagigising ko ay parang hindi na ako makalakad at namamaga ang aking kaliwang paa. Nakupo! Ito …

Read More »

PacMan sasabak na pangulo 2022 (Sa nominasyon ng PDP Laban)

Manny Pacquiao President

TINANGGAP ni Senador Manny “Pacman” Pacquiao ang nominasyon ng Partido Demokratikong Pilipino Laban (PDP-Laban) sa ilalim ng kanilang paksyon na tumakbo bilang Pangulo sa 2022 Presidential election. Sa kasalukuyan, mayroong dalawang paksyon ang partido at isa rito ang Cusi wing na nag-endoso ng kandidatura ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go bilang presidente, at si Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise presidente. Hinihintay …

Read More »

Kickback sa Sinovac imbestigahan

Antonio Trillanes, COVID-19 Vaccine

NANAWAGAN si dating Sen. Antonio Trillanes IV sa Senado na imbestigahan din ang mga kontratang pina­sok ng administrasyong Duterte sa pagbili ng bakuna. Kombinsido si Trillanes na hindi la­mang sa pagbili ng medical supplies kumi­ta nang malaki ang ilang opisyal ng pama­halaan kundi nagkaroon din ng kickback sa bakuna. Kapag inilarga aniya ang imbesti­ga­syon sa pagbili ng bakuna ay makikita na …

Read More »

Global arrest warrant, nakaamba kay Duterte

International Criminal Court, ICC, arrest warrant

NAKAAMBA ang global arrest warrant kay Pangulong Rodrigo Duterte kapag iniutos ng International Criminal Court (ICC) na dakpin siya sa kasong crimes against humanity of murder kaugnay sa mga patayan sa isinulong niyang drug war. Paliwanag ni dating Sen. Antonio Trillanes IV, isa sa naghain ng reklamo sa ICC, pandaigdigan ang bisa ng warrant of arrest ng ICC kaya ang sinomang …

Read More »

Oplan tokhang ebidensiya sa ICC vs EJKs

Duterte Gun

ni ROSE NOVENARIO ISUSUMITE ng mga abogado ng mga pamilya ng mga pinaslang sa Duterte drug war ang dokumento ng Operational Plan o OPLAN Tokhang sa International Criminal Court (ICC) bilang ebidensiya na naglunsad sa malawakan at sistematikong patayan sa isinulong na drug war ng administrasyong Duterte. Sinabi ni Atty. Kristina Conti ng Rise Up, ang isa sa grupo ng mga …

Read More »

Call center agent, natagpuang patay

Headphone, call center agent

PATAY nang matagapuan ng kanyang ina ang isang call center agent matapos makipag-inuman sa mga kaibigan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nadiskubre ang walang buhay na katawan ni Armando Escaño, 30 anyos, ng kanyang ina na si Mila, 56 anyos, nakadapa sa kanyang kama sa loob ng kanilang bahay sa VMN …

Read More »

Driver, mekaniko at helper, huli sa droga sa Kankaloo

Arrest Caloocan

NASAKOTE ang isang driver, mekaniko, at isang helper sa magkakahi­walay na lugar sa Caloo­can City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Caloocan police Chief Col. Samuel Mina, Jr., dakong 9:10 pm, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ng Sub-Station 9 tungkol sa nagaganap na transak­siyon umano ng ilegal na droga sa Main Road, Antonio …

Read More »

28 arestado sa Bulacan (Sa patuloy na anti-crime drive)

Prison Bulacan

HALOS mapuno ang mga kulungan sa Bulacan nang sunod-sunod na maaresto ang 28 kataong pawang lumabag sa batas sa anti-crime drive ng pulisya sa lalawigan hanggang nitong Linggo ng umaga, 19 Setyembre. Batay sa ulat na ipina­dala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang walong suspek sa ikinasang anti-illegal drug operations ng mga operatiba ng Station …

Read More »

Mga Bulakenyo, may 11 araw pa para magparehistro

Comelec Bulacan

MAY nalalabi pang 11 araw upang magparehistro ang mga Bulakenyo bago ang huling araw ng pagpaparehistro sa 30 Setyembre. Nanawagan si Gob. Daniel Fernando sa lahat ng mga Bulakenyong hindi pa rehistrado na kunin ang pagkakataong gamitin ang kanilang karapatang pumili ng mga susunod na mamumuno sa lalawigan ng Bulacan at sa bansa. “Sa mga hindi pa nakapagpaparehistro, magparehistro na …

Read More »

Cayetano hinikayat tumakbong presidente (Daan-daang pastor, simbahan)

Alan Peter Cayetano

DAANG-DAANG pastor at mga simbahan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagkaisa sa pana­wagan kay dating Speaker Alan Peter Cayetano na tumakbo bilang pangulo sa paparating na halalan. Sa isang bukas na liham kay Cayetano noong 16 Setyembre, sinabi ng 588 pastor, kasama ang 1,564 miyembro ng kanilang mga simbahan, kay Cayetano nila nakikita ang isang lider na kayang …

Read More »