Thursday , March 23 2023
Vice Ganda, Ion Perez

Vice nakatitiyak kay Ion ‘di nila susukuan ang isa’t isa

MA at PA
ni Rommel Placente

SA anniversary vlog nina Vice Ganda at Ion Perez, sinagot ng magkasintahan ang tanong kung sino sa tingin nila ang unang bibitaw sa relasyon nila. 

Ayon kay Vice, naniniwala siya na malabo na may sumuko sa kanilang pagmamahalan

Sabi ni Vice, ”Personally, ‘di ko nararamdaman sa’min ’yun. Sa puntong ito, kung gaano ka-intense ’yung samahan namin, ‘yung feelings namin sa isa’t isa, ‘di ko ’yan nararamdaman na mangyayari any time soon. Hindi ko nararamdaman na kaya ko ’yan gawin at kaya siyang gawin ni Ion.” 

Sinegundahan ito ng tanong kung sino sa kanilang dalawa ang mas lamang sa pagmamahal.

Paliwanag ni Vice, hindi niya maaaring ikompara ang pagmamahal na ibinibigay nila sa isa’t isa ng boyfriend niya.

“Siya naman ibinibigay niya kung anong kaya niyang ibigay. Natatanggap ko naman ang deserve ko. I’m trying to give what he deserves. Hindi ‘yun nasusukat. Pero malalaman mo kung sinsero o hindi,” ani Vice. 

“Hindi na rin mahalaga sa akin kung sino ang mas lamang. Ang mahalaga pareho kaming nagmamahal . Sapat na ’yun.”

Sa nasabing vlog, naglaro sina Vice at Ion ng ”Who’s Who” game habang nagpi-picnic sa sikat na parke. 

Rito inamin ng dalawa na mas mabango, maayos sa gamit, at malinis sa katawan si Perez kaysa kay Vice. 

Ngunit si Vice naman ang mas mapagpasensiya, mas unang nanunuyo, at magaling humalik.

Ikinuwento rin ng mga ito na mas romantic at madalas maunang mag-’I love you’ si Ion kaysa kay Vice.

About Rommel Placente

Check Also

Amy Austria

Amy Austria naisnab din ng ilang youngstar sa taping

RATED Rni Rommel Gonzales SA panahon ngayon, normal na para sa mga veteran at senior …

Samantha Lopez

Samantha masaya ang buhay kahit walang lovelife

RATED Rni Rommel Gonzales LOVELESS si Samantha Lopez, pero masaya siya kahit walang karelasyon. Ano ang …

Jeric Gonzales Kylie Padilla Robin Padilla

Robin ‘makikipagbakbakan’ kina Jeric at Kylie

COOL JOE!ni Joe Barrameda NATUTUWA kami at nag-enjoy si Jeric Gonzales sa taping ng Mga Lihim Ni Urduja. …

Wilbert Ross, Mikoy Morales Vitto Marquez Andrew Muhlach Nikko Natividad

TVJ tatapatan nina Wilbert, Mikoy, Vitto, Andrew, at Nikko

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IGINIIT ni Direk Paolo O’Hara na ibinase lamang ang kanilang pelikulang Working Boys …

Bela Padilla Lorna Tolentino Yoo Min-gon

Bela mas feel ang pagiging aktres, sobrang kinabahan kay LT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IKALAWANG pelikula  na naidirehe ni Bela Padilla ang Yung Libro Sa Napanood Ko ng Viva Films, ang …