Monday , November 29 2021
Edu Manzano Cherry Pie Picache

Cherry Pie parang high school girl sa pagkakilig

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SI Cherry Pie Picache na kaya ang magiging huling babae sa buhay ni Edu Manzano?

At sila kaya ang magsasabi sa isa’t isa ng mga katagang ”Marry Me, Marry You” in real life.

Bukod sa mga usap-usapan ng mga kasama nila sa nasabing serye sa naging kapansin-pansin na pagiging sweet sa isa’t isa ng dalawa, nakompirma pa ito nang magkasamang nagbakasyon sa Amerika sina Pie at Mr. Manzano sa Amerika.

Dinalaw din ni Edu ang kanyang pamilya at mga kaanak doon.

Kaya, parang wildfire na kumalat ang balita dahil parang high school girl sa pagka-kilig si Pie na siyang post ng post ng mga larawan nila ni Edu in her social media accounts. At kapag may nagko-komento o nag-uusisa kung sila na nga ba, eh wala naman itong pagtanggi sa mga sagot niya.

Ako ang natawa nang usisain ko ang aktres sa aming usapan sa FB. Pawang ”Hahaha!” with matching cute emoticons ang mga sagot sa kin.

At nang sabihin ko to send my regards to Mr. Manzano, makararating naman daw.

Ang alam ng marami, nasa isang matatag na relasyon si Edu. Tahimik nga ang kanilang lovelife. At noong panahon ng pandemya, madalas lang silang nasa farm niya sa Samsara.

Anong nangyari?

Sa mga larawan nila, na laging magkatabi, magkadikit, may holding hands pa, tila hindi na pakakawalan ni Pie ang lalaking bumihag na sa puso niya. 

At habang nasa Amerika pa sila, hindi na rin nawawala ang espekulasyon na baka naman may segie na ng ilang araw sa Las Vegas, Nevada para magamit na ang titulo ng palabas nilang  Marry Me, Marry You!

Natanong ko pa nga si Pie. Na hindi naman siguro promo para sa soap nila ang mga kaganapan ngayon sa buhay nila.

Sagot naman ang aktres. ”Sina Paulo (Avelino) at Janine (Gutierrez) ‘yun!”

Pero sa mga bagong kaganapan sa mga buhay nila, mukhang sila ang mapo-promote at siyang mapag-uusapan.

Kung saka-sakali na sila na ang huli sa buhay ng isa’t isa, nasa tama at marrying stage naman na sila.

‘Am sure, may bahay na na naipundar si Edu para sa kanila  ni Pie! ‘Di kaya?

But wait, wala pa tayong alam sa dating ka-relasyon ni Papa Edu na si Ms. Iryne Garcia. Kung anong tono ng kanta ba ang inawit ng mga puso nila para ngayon, may Cherry Pie na  namunga sa puso niya.

Anong nangyari sa ating dalawa ba ang theme song nila kamakailan?

At sometime in October, may cryptic message na sa social account ni Papa Doods.

“Sometimes you meet someone and you know from the first moment that you want to spend your whole life without them.”

Gets?  

About Pilar Mateo

Check Also

Andrea Brillantes Beautederm

Andrea honored na maging Beautederm endorser

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KASABAY ding inilunsad ni Maja Salvador noong Huwebes si Andrea Brillantes bilang kapamilya ng …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Maja makababalik pa rin sa ABS-CBN (Ambassador na rin ng Beautederm)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NILINAW ni Maja Salvador na makababalik pa rin siya sa ABS-CBN dahil in good terms siya sa mga boss ng …

Vice Ganda VAX GANDA USA TOUR

Vice click pa rinsa US, Vax Ganda USA TOUR may part 2

HARD TALK!ni Pilar Mateo UNKABOGGABLE pa ring maituturingangisang Vice Ganda! At ibang klase rin siyang …

Baron Geisler Doll House

Baron biggest break ang pagganap na rock star na adik

HARD TALK!ni Pilar Mateo KUNG ilang lata rin ng canned tuna ang nakita ng actor …

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …