Tuesday , December 16 2025

Recent Posts

Sex sa Zika carrier nakahahawa (Ayon sa DoH)

KABILANG sa tinututukang anggulo sa isinasagawang pag-aaral ng World Health Organization (WHO) ang hawa sa Zika virus sa paraan ng pakikipagtalik. Ayon kay Department of Health Sec. Janette Garin, isang kaso ng virus sa Amerika ang naitala sa isang babae na walang history nang paglabas sa ibang bansa at pagbiyahe, ang nagkaroon ng nasabing virus makaraan makipag-sex sa kanyang asawa. …

Read More »

P23-M blood money para kay Zapanta saan napunta? (Tanong ni Sen. Villar)

NAKATAKDANG paimbestigahan ni Senadora Cynthia Villar kung saan napunta ang P23 milyon nalikom na blood money para maisalba sana ang buhay ni Joselito Zapanta, isang overseas Filipino worker (OFWs) na nabitay sa Saudi Arabia. Ang pagnanais ni Villar na maimbestigahan ang blood money ay makaraang humingi ng tulong sa kanya ang pamilya ni Zapanta. Tinukoy ng mga magulang ni Zapanta, …

Read More »

Lola binaril ni lolo dahil sa P22K water bill

CEBU CITY – Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 66-anyos misis makaraang barilin ng mister niyang 73-anyos kawani ng munisipyo dahil sa malaking bayarin sa tubig kamakalawa. Nangyari ang insidente sa loob mismo ng kanilang bahay sa Sitio Luknay, Brgy. South Poblacion, bayan ng San Fernando, probinsiya ng Cebu. Ayon kay SPO1 Francisco Salubre, nangyari ang pag-aaway ng dalawa nang …

Read More »