Saturday , April 27 2024
Regine Velasquez
Regine Velasquez

Regine, ‘di ‘jinky oda’ ng ASAP

INAASAHAN nang sa paglundag ni Regine Velasquez sa ABS-CBN mula sa GMA ay susundan siya ng kanyang mga tagahanga.

Expectedly, mahahatak dapat ng Asia’s Songbird ang kanyang mga viewer-fans sa ASAP, ang bale point of entry sa kanyang newfound home.

Nakalulungkot isipin na base sa mga survey kamakailan, hindi ito ang kinalabasan. Kinabog ng katapat na show ang bagong-bihis na ASAP.

Worse, isinisisi ang lagapak na ratings kay Regine.

Pesonally, we’re no big fan of Regine. Pero unfair na ibunton sa kanya ang sisi kung bakit mas umarangkada ang kalaban kaysa sinalihan niyang programa.

Blame it on the cycle, ang kawalan talaga ng sinasabing “forever” sa anumang bagay sa mundo, most especially sa mundo ng telebisyon.

Pero may salita ring “consistency.” Kung may mga Sunday man siguro na sumablay o sasablay ang rival show ng ASAP, ibig lang sabihi’y nakatsamba lang ito. Ngayon, kung magtutuloy-tuloy ang pamamayagpag nito, well then, we can say that ASAP’s glory days are over.

Kung magkagayunman, still, walang partikular na kinalaman doon si Regine. Regine is not ASAP and vice versa.

In the same manner na hindi sa iisang mainstay ng Sunday PinaSaya nakasalalay kung kinabog o kinakabog man nito ang ASAP. Any production is a team effort.

Kaya please lang, spare Regine. Hindi siya ang ”Jinky Oda”!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ma Dong-seok Chavit Singson

Ma Dong-seok ng Train to Busan dadalhin ni Chavit sa ‘Pinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na maraming Pinoy ang mae-excite dahil bibisita sa Pilipinas …

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *