Saturday , January 11 2025

Showbiz

Kasalang Jodi at Richard, unang matutunghayan sa Sana Dalawa ang Puso 

BUKOD kaya sa awiting Sana Dalawa ang Puso ni Jona na soundtract sa bagong serye nina Robin Padilla, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria na mapapanood ngayong umaga kapalit ng Ikaw Lang Ang Iibigin ay isasama rin kaya ang awiting Titibo-Tibo ni Moira de la Torre? Titibo-tibo kasi ang karakter ni Jodi bilang si Mona na lumaki sa sabungan pero nang makita niya si Richard bilang si Martin ay nagka—crush na kaagad …

Read More »

Direk Maryo, namaalam sa edad 65

ISANG magaling na directorsi Maryo J. Delos Reyes. Nagsimula rin naman siya sa theater. Naging resident director din siya noon ng isang theater group sa natatandaan namin. Pero iba ang ugali ni direk Maryo e, wholesome ang kanyang dating. Lagi siyang nakangiti, laging tumatawa, at kahit na kung minsan ang mga artista niya ay nagkakamali, matiyaga siyang turuan sila at ulitin …

Read More »

Carlo sa posibilidad na maging sila muli ni Angelica: Walang imposible

Carlo Aquino Angelica Panganiban

SINGLE na single na uli si Carlo Aquino kaya marami ang nanunukso sa kanya na balikan si Angelica Panganiban na wala ring boyfriend sa kasalukuyan. Sa presscon ng Meet Me in St. Gallen, pelikula nila ni Bela Padilla handog ng Spring Films at Viva Films na mapapanood na sa Pebrero 7, sinabi ni Carlo na wala namang imposible. Kaya hintayin na lang kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw. …

Read More »

Alden, nagmura raw sa EB?

NAGMURA si Alden Richards sa isang episode ng Eat Bulaga kamakailan. Ito ay ayon sa isang ulat ng Internet website na Lionheartv na lumabas noong January 19. [Para sa mga netizen, heto ang link sa report na iyon: http://www.lionheartv.net/2018 /01/alden-richards-putangina/] Ang titulo ng report ay: ALDEN RICHARDS FORGETS HIS MIKE TURNED ON; CURSES ON NATIONAL TELEVISION. Ayon sa report, isang nagngangalang Alvin Velasco ang nag-upload sa Twitter ng video ng segment ni Ryzza …

Read More »

Arjo, hinalikan ni Sue nang masugatan sa eksena

TRENDING sa social media ang video na mahigpit na magkayakap sina Sue Ramirez at Arjo Atayde dahil may sugat malapit sa labi ang aktor. Ang intindi namin ay nasugatan ang aktor siguro sa eksena nila ni Sue kaya niyakap siya ng aktres sabay kiss sa may sugat at hayun, tinutukso na ang dalawa ng mga kasama nila sa Hanggang Saan serye na sina Teresa Loyzaga at Ces Quesada. …

Read More »

Kris, ginunita ang kaarawan ng ina; Unang regalo, ibinahagi

NAKAKA-TOUCH ang mensahe ni Kris Aquino sa kaarawan ng inang si rating Presidente Corazon Cojuangco – Aquino kahapon, Enero 25 dahil ginunita niya ang unang regalong ibinigay niya sa ina galing sa unang suweldo niya sa showbiz. Isang mamahaling relong Bulgari ang ipinost ni Kris sa kanyang Instagram bago siya matulog nitong Miyerkoles ng madaling araw. Aniya, ”this watch was 1 of the gifts I gave …

Read More »

Suka ni Ryza Cenon,kinain na parang kanin

HINDI namin mawari kung ano ang magiging reaksiyon nang kainin ni Ryza Cenon ang suka niya dahil grabeng nalasing nang mag-inuman sila ni JC Santos. Animo’y kanin na dinakot iyon ni Ryza para muling isubo. Nakaka-iww at nakahahanga na walang keber na ginawa iyon ng aktres. Isa ito sa tagpong mapapanood sa kasalukuyang handog ng Viva Films at The IdeaFirst Company, ang Mr & Mrs Cruz na ukol …

Read More »

Brian Gazmen, gustong maging inspirasyon sa mga millennial

ABALA man sa kanyang mga constituent, hindi napigilan si Iriga City Mayor Madelaine Alfelor-Gazmen para siya mismo ang mag-asikaso ng presscon ng kanyang anak na si Brian Gazmen. Ganoon naman talaga ang mga nanay, gustong makitang nasa magandang kalagayan ang mga anak. Kaya naman masuwerte si Brian na full support ang ibinibigay sa kanya ng ina. Actually, malaki ang laban ni Brian sa …

Read More »

Freshmen, nag-ala Ed Sheeran

SUPER na-enjoy namin ang pakikinig sa Freshmen na binubuo nina Sam Ayson, Patrick Abeleda, Thirdy Casa, Levy Montilla, at Gerick Gernale sa presscon ng All We Need Is Love…Love Is All We Need concert na magaganap sa Pebrero 8 at 9, 8:00 p.m. sa Music Museum handog ng Today’s Production & Entertainment. Hindi ito ang unang pagkakataong narinig namin ang magandang tinig ng Freshmen pero sa tuwina, nakaka-refresh …

Read More »

Ikaw Lang Ang Iibigin, hindi binitiwan ng viewers

HINDI bumitaw ang viewers sa Ikaw Lang Ang Iibigin kahit ngayong araw na ang pagtatapos nito. Gusto kasi nilang malaman kung ano ang gagawin nina Kim Chiu at Gerald Anderson na hindi sumuko ang puso sa pangarap at pag-ibig. Ginamit nina Carlos (Jake Cuenca) at Isabel (Coleen Garcia) ang anak nina Bianca (Kim) at Gabriel (Gerald)  para makapaghiganti at bawiin ang lahat ng nararapat sa kanila. …

Read More »

Andrew Gan, patuloy sa paghataw ang showbiz career!

NAGPAPASALAMAT ang Kapuso actor na si Andrew Gan sa lahat ng mga kasamahan sa seryeng Super Ma’am na pinagbibidahan ni Marian Rivera na magtatapos na ngayong araw, January 26. Itinuturing ni Andrew na biggest break niya sa TV ang seryeng ito. Aminado siyang mami-miss ang mga kasama rito. Good timing naman dahil magiging abala ulit si Andrew sa teatro. Kuwento …

Read More »

All Star Videoke, tsugi na; ‘di makaalagwa sa I Can See Your Voice

EFFECTIVE April 1, hindi na mapapanood ang All-Star Videoke hosted by Betong Sumaya and Solenn Heusaff. Ang ipapalit dito’y ang nagbabalik na Lip Synch Battle. Ayon mismo sa aming source sa GMA, hindi makaalagwa ang ASV sa katapat nitong I Can See You Voice. Matatandaang ang ASV ay dating hosted nina Jaya at Allan K. With its replacement, mukhang mas tataas ang production cost ng estasyon via LSB. Pasensiya na, we cannot pass judgement sa …

Read More »

Macatuno, galing ng ABS-CBN

FIRST directorial job pala ni Connie Macatuno ang pelikulang Mama’s Girl with Sylvia Sanchez in the major cast. A graduate of Masscom, dating EP (executive producer) si Connie ng now-defunct Showbiz Lingo sa ABS-CBN noong dekada ‘90. Tanong tuloy namin sa aming kausap who volunteered this info on Connie’s employment background, kung galing siya sa Dos ay bakit hindi siya nabigyan ng break na magdirehe for Star Cinema, the network’s film …

Read More »

Nadine, inako ang pagkaantala ng shooting

INAKO na ni Nadine Lustre na siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng delay ang kanilang pelikula. Biglang inilabas niya pati ang kanyang medical records at pati nga mga x-ray niya para sabihing totoo namang may sakit siya. Kasabay ng pagsasabing ”kasalanan ba ang magkasakit.” Pero alam naman ninyo ang bashers, ipinipilit nila na ang dahilan talaga niyon ay nalasing si James. May …

Read More »

JaDine, pinalipad na sa London

PINAPUNTA na ng Viva Films sina James Reid at Nadine Lustre sa London nitong weekend (either Saturday or Sunday) para magsyuting ng ilang eksena ng pelikula nilang Never Not Love You. Ayon sa news.abs-cbn.com, nag-post sa Facebook ang Viva Artists Agency (VAA), ang kompanyang namamahala sa career nina James at Nadine, ng mga litrato ng dalawa, pati na ang mga tao na mai-involve sa syuting. Pero ang nakita lang naming litrato ay …

Read More »

Xian Lim, lumipat ng Viva; pero loyal pa rin sa ABS-CBN

PUMIRMA ng limang taong management contract ang aktor/singer na si Xian Lim sa Viva Artists Agency Inc.,(VAA) plus 10 picture contract. Ito ang masayang ibinalita ni Boss Vic del Rosario, big boss ng Viva kahapon ng hapon sa pirmahan ng kontratang ginawa sa 7th flr ng Viva Ofc na dinaluhan din nina Veronique del Rosario at June Rufino. Idinagdag pa ni Boss Vic, plano rin …

Read More »

Grupong Vendetta ni Coco sa “FPJ’s Ang Probinsyano” tinutugis na sina Eddie, JohN, Jhong at Joko

  Ngayong nakatakas na sa kamay ng mga kalabang nagpadukot sa kanya na sina Don Emilio (Eddie Garcia) at Sen. Mateo de Silva (Joko Diaz), nagtayo ng grupo si Cardo Dalisay (Coco Martin) kasama ang sanggang-dikit na pinuno ng Pulang Araw na si Leon (Lito Lapid) gayondin si Anton (Mark Lapid), Ramil (Michael de Mesa), Sancho Vito at iba pa …

Read More »

Serye ni Julia Montes na “Asintado” agad tinanggap ng TV viewers at umani ng libong tweets

May mass appeal talaga sa mga manonood si Julia Montes, at agad na kinapitan at namayagpag sa national TV ratings ang pag-uumpisa ng inaabangang serye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na “Asintado” matapos maghandog ng makapigil hiningang aksiyon noong January 15 (Lunes). Nagkamit ang soap na pinagbibidahan ni Julia ng national TV rating na 17%, ayon sa datos ng Kantar …

Read More »

Matt, Carlo, Shyr at Rei Tan, sanib-puwersa sa opening ng 12th branch ng BeauteDerm

BINUKSAN na ang 12th branch ng BeauteDerm last January 18. Nag-grand opening ang BeauteLab by BeauteDerm na matatagpuan malapit sa Fariñas Trans Terminal sa Lacson Avenue, Manila sa pangunguna ng ilan sa endorsers nito na sina Matt Evans, Carlo Aquino, Shyr Valdez, at ang CEO/owner ng BeauteDerm na si Ms. Rei Tan. Available sa store ang iba’t ibang produkto ng BeauteDerm. Masaya …

Read More »

Orlando Sol, hahataw ang showbiz career ngayong 2018!

MARAMING nakalinyang projects ngayon si Orlando Sol. Una na ang pagiging bahagi niya ng GMA-7 TV series na The One That Got Away. Tapos ay may stage play din siya, plus, ang next single niya ay pinaplantsa na rin. Ang launching movie niya ay malapit na rin simulan kaya sobrang thankful siya sa mga nangyayari sa kanyang career. “Opo, sobrang nagpapasalamat talaga …

Read More »

Kris, pinuri ang may-ari ng Petalier at Blloons

KAUGNAY ng Valentine Gift Ideas na itinatampok ni Kris Aquino sa kanyang Facebook blog, ang may-ari ng Petalier Flowers at Blloons Luxury Balloons naman ang binigyan niya ng pagkakataong maibahagi ang magagandang produkto nito. Sina Lauren Bea Wang Silverio (CFO) at Diane Yap, CEO at Founder ng Petalier at Blloons ang binigyang pagkaka-taon ng Queen of Online World para maipakita ang iba’t ibang bouquet idea na sinamahan pa ng balloon …

Read More »

Sweet at intimate photo nina Coco at Yassi, edited

KALIWA’T kanan ang nabasa naming negati bong reaksiyon sa lumabas na litrato sa Instagram na ipinost ni @mtchbrd na nakaupong magkalapit sina Coco Martin at Yassi Pressman sa isang tindahan na naka-angkla ang huli sa hita ng aktor at nakaakbay pa. Inisip naming eksena ito sa FPJ’s Ang Probinsyano pero wala naman kaming napanood na umere na ito o baka naman eere palang? At ayon sa mga …

Read More »

Kris, tinanggap ang paghingi ng paumanhin ni James Deakin

HINDI napigiliang hindi sagutin ni Kris Aquino ang isang social media influencer na nangangalang James Deakin dahil sa ipinost nitong panayam kay Senador Bongbong Marcos noong kumandidato siya sa pagka-Bise Presidente sa nakaraang taon. Ayon sa post ni Kris madaling araw ng Linggo, ”was peacefully recuperating but a Road Safety Enthusiast and Influencer had to drag me as a “shield” when he got some unwanted reactions because …

Read More »