Monday , September 27 2021

‘Banal’ hoyo (Nagbenta ng baril)

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos bentahan ng baril ang isang undercover police sa naganap na buy bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ang naarestong suspek na si Richard Banal, 31 anyos, ng Kadiwa 4, Brgy. San Roque, Navotas City.

Sa report ni DSOU investigator PM/Sgt. Julius Mabasa kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant (RCI) na nag­bebenta umano ang suspek ng baril sa gilid ng Malabon Public Market sa F. Sevilla St., Brgy. Tanong.

Bumuo ng isang team ang DSOU sa pangunguna ni P/Lt. Glenn Mark De Villa at P/SSgt. Allan Reyes Ignacio saka nagsagawa ng validation sa lugar kung saan nagawang makipag­transaksyon sa suspek ng RCI at P/SSgt. Reynaldo Blanco bilang poseur-buyer.

Pagkatapos ng transak­siyon, agad dinamba ng mga operatiba ang suspek at narekober ang isang cal. 22 revolver, 5 bala at buy bust money na 3 pirasong tunay na P100 bills at isang pirasong P1,000 boodle money.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Blind Item gay sex

Aktor walang takot makipag-sex basta may bayad

INAAMIN naman daw ng bi-sexual na male star na kuntento siya sa naging fling nila ng isang male star na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *