Sunday , November 24 2024

Entertainment

Jen at Dennis, aktibo sa kanilang online business

NGAYONG taon, level-up na ang magkarelasyong Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Magkasosyo sila sa isang online, isang cookie business. Ang aktres mismo ang guma­gawa, katulong ang actor sa pag­be­ben­ta online. Sa susunod na buwan, magbubukas na sila ng store para sa kanilang business. Ayon kay Jen, isa sa kanyang bucket lists ngayong taon ang magkaroon  sila ng store kahit isang open kitchen lang. …

Read More »

OPM Playlist, dapat suportahan kaysa mga Koreano

AMININ natin ang katotohanan, sa panahong ito kaya hindi na masyadong matunog ang OPM ay dahil kulang na kulang sa suporta sa mga local artist natin. Hindi kagaya noong araw na masiglang-masigla iyang Metro Pop Music Festival noong isinusulong pa ni Ka Doroy Valencia at ni Imee Marcos. Noong araw, lahat ng estasyon ng radyo na miyembro ng KBP ay nagkasundo na sila ay magpapatugtog …

Read More »

Sunshine, nagluluksa

NAGPAHAYAG din ng kalungkutan ang aktres na si Sunshine Cruz nang yumao noong Sabado ng umaga ang kanyang tiyahing si Melody Beth Cruz, na sinasabi niyang “zumba partner ko at siyang unang dumaramay sa akin lalo na kung may problema.” Si Beth ay nanay nina Rodjun at Rayver Cruz. Kapatid din siya ni Ricky Belmonte at ng tatay ni Sunshine na si Danny, na kapwa yumao na rin. Pancreatic cancer …

Read More »

Direk Jun at Direk Perci, gagawa ng empire sa film industry

MASAYANG-MASAYA ang mga bossing ng The IdeaFirst Company na sina Direk Perci Intalan at Direk Jun Robles Lana dahil naging maganda ang pasok ng 2019 para sa kanila at sa kanilang production company. Noong Enero pa lang ay marami na agad pasabog ang The IdeaFirst Company. Enero 23 nang ipalabas sa 169 cinemas nationwide ang kauna-unahang pelikulang handog nila na co-produced ng Cignal Entertainment at OctoberTrain Films, ang Born Beautiful, …

Read More »

Kris, nakapili na ng 48 winners para sa Kris wear statement shirts

NAPILI na ni Kris Aquino ang 48 winners na makatatanggap ng statement shirts mula sa kanyang Zalora Wear Kris Birthday Collection. Itsek niyo na lang sa Instagram post ni Kris (@krisaquino) noong February 1 ang mga pangalan or account names ng winners. Noong January 30 ini-launch ng Zalora in time sa nalalapit na 48th birthday ni Kris sa February 14 ang mga bagong damit pambabae …

Read More »

Maine, laging nakatutok sa The General’s Daughter

INILIGAW nina Arjo Atayde at Maine Mendoza ang block screening ng pelikulang TOL noong Sabado ng gabi na inakala nang lahat ay sa SM Megamall Director’s Club ginanap kaya roon nagpuntahan ang ilang mga usisero at hayun, nganga sila. Dahil ginanap ito sa Cinema 76 Anonas, Quezon City, 10:00 p.m.. May nagtsika sa kampo ni Maine na kaya gabi na ang block screening ay para …

Read More »

Dating aura ni Kris, nanumbalik na

BAGO pa dumating ang takdang araw ng kaarawan ni Kris Aquino sa Pebrero 14 ay nauna na siyang magpamigay ng regalo sa kanyang loyal followers sa Instagram (16); Facebook (17), at Youtube (16) mula sa Zalora collections at Ever Bilena products. Ang caption ni Kris sa IG video niya na ipinakita ang nagagandahang Zalora dress collections, “Thank you @zaloraph for my #wearkris birthday collection launch. Please watch this video to see if you are 1 of …

Read More »

Tambalang Kylie Padilla at Ruru Madrid kaabang-abang sa political rom-com series na “TODA One I Love”

PATOK ang tambalang Kylie Padilla at Ruru Madrid sa pinagsamahan nilang “Encantandia” noong 2016 at ngayong 2019 ay muling pinagtambal ng GMA News and Public Affairs ang dalawa sa pagbibidahang political rom-com series na “TODA One I Love” na inyong mapapanood simula ngayong gabi pagkatapos ng “Onanay” sa GMA Telebabad. Bukod sa nakakikilig na mga eksena ay asahan din ang …

Read More »

Ogie Alcasid, nagpakita ng versatility sa Kuya Wes

NAALIW kami sa pelikulang Kuya Wes nang napanood namin ito recently sa UP Cine Adarna bilang bahagi ng 10th anniversary celebration ng Spring Films na gumawa ng naturang pelikula. Kilala si Ogie bilang mahusay na singer-comedian-composer, pero kakaiba ang ipinakita niya sa nasabing pelikula. Ang Kuya Wes ay kuwento ng isang simpleng empleyado ng remittance center na boring ang buhay, na …

Read More »

Ynez Veneracion, dream come true na makatrabaho si Sylvia Sanchez sa Jesusa

DREAM come true para kay Ynez Veneracion na makasama sa pelikula ang premyadong aktres na si Ms. Sylvia Sanchez. Magkasama sila sa pelikulang Jesusa na mula sa pamamahala ni Direk Ronald Carballo at prodyus ng OEPM (Oeuvre Events and Production Management). Sa peli­kula ay mag-asa­wa sina Allen Dizon at Sylvia, ngunit iniwan ni Allen ang kanyang misis nang kumabit siya kay …

Read More »

Sabado Night ni Ina, ipapasa sa panganay na anak

SUMASANG-AYON kami kay Ina Raymundo na napakagandang tingnan kung magsasama silang mag-ina sa SMB commercial. Ang tinutukoy niya ay iyong Sabado Night commercial niya na ginawa noong dekada ’90. Sa pakikipag-kuwentuhan namin kay Ina sa Spring Films: Film makers night sa UP Cine Adarna na isa ang pelikulang Kuya Wes na pinagbibidahan nila ni Ogie Alcasid sa itatampok, naikuwento nito ang ukol sa kanyang panganay na si Erika. Nabanggit kasi ni Rey …

Read More »

Sperm donor nina Liza at Ice, caucasian at summa cum laude

Liza Dino Aiza Seguerra

MASAYANG-MASAYANG ibinalita ni Liza Dino ang ukol sa may napili na sila ni Ice Seguerra na sperm donor. Kasabay nito ang pagsasabing pinaghahandaan nilang mabuti ang bawat stage o phase ng in vitro fertilization dahil matagal ang prosesong ito. Sa 10th anniversary presentation ng Spring Films, nakausap naming ang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at naikuwento nito ang ukol sa sperm donor. “Yes, …

Read More »

Atty. Dan Roleda at Direk Chito, gagawin ang Writ of Balangiga

ISA kami sa nagtaka kung bakit hindi naimpluwensiyahan ni Direk Chito Roño ang senatorial bet na si Dan Roleda, abogado at dating Manila Councilor at ngayo’y kongresista na maging director o artista. Bagkus, mas naimpluwensiyahan siya ng ama ni Roño na maging politiko. Magkababata sila ni Chito at laging kasa-kasama sa tuwing gumagawa ng pelikula ang premyadong direktor. ”Fan talaga ako ni Chito at …

Read More »

Lolita Buruka, lagot kay Nicko Falcis!

SINABI ni Lolita Buruka na nakarating raw sa kan­­yang may planong idemanda siya ng kontrobersiyal na si Nicko Falcis. Nicko is the former endorsement closer/talent agent/managing director of Kris Aquino’s digital company otherwise known as Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP). Kris slapped Nicko with 44 counts of qualified theft last October 12, 2018. And she also sued his brother Atty. …

Read More »

Liza, ‘di ‘kadugo’ ang ipagbubuntis

Liza Dino Aiza Seguerra

SIGURO nga, masasabi ring anak na nila iyon ni Liza Dino, dahil kung sakali siya ang magdadala niyon sa kanyang sinapupunan, pero kung iisipin hindi rin eh. Kasi nagmula ang binhi ng babae kay Ice Seguerra. Ang magfe-fertilize niyon ay sperm ng napili nilang sperm donor mula raw sa America. Sa America kasi may mga tinatawag na sperm bank. May mga lalaking nagdo-donate …

Read More »

Pakikiramay ni Bailey May sa Jolo, nakabibilib

BILIB kami kay Bailey May, iyong dating sumali sa PBB na ngayon ay member na ng Now United, isang international singing group na binubuo ng 14 artists mula sa 14 ding bansa. Kung nasaan man siya, nag-post siya ng isang picture ng katedral ng Jolo bago iyon pinasabugan ng bomba at ang mensahe niya ay “pray for Jolo”. Kung sa bagay, hindi naman kataka-taka dahil si …

Read More »

Mga politiko sa Ang Probinsyano, isa-isa nang nawawala

coco martin ang probinsyano

MARAMI ang nagtatanong kung ano na ang mangyayari sa FPJ’s Ang Probinsyano kapag isa-isang nang natsugi ang mga politikong actor na kasali rito. Una nang pinatay sa istorya si Roderick Paulate na gumaganap bilang  mayor. Balitang susunod na sina Edu Manzano at Mark Lapid. Maging si Ryza Cenon nga hindi naman kakandidato ay tinuldukan na ang karakter na ginagampanan, ang anak ni Rowell Santiago. Kailangan na kasi si Ryza …

Read More »

Career ni Alden, saan na patungo? (Ngayong may Arjo na si Menggay)

Arjo Atayde Maine Mendoza Alden Richards

NAGPARAMDAM ng pagmamahal si Arjo Atayde kay Maine Mendoza kaya marahil balitang sila na. Inamin ni Arjo ang tunay na nararamdaman sa dalaga at hindi urong sulong na parang promo lang sa isang project na sagot palagi ni Alden Richards. Naghahanap marahil ng mamahalin si Menggay kaya sinuwerte si Arjo. Tutal pareho namang may dimples ang dalawa, sina Alden at Arjo kaya hindi na ibinitin. …

Read More »

Sylvia, tuloy-tuloy ang blessings

Sa kabila ng mga negatibong bagay, may mga positibo pa ring ipinagpapasalamat si Sylvia dahil tuloy-tuloy ang dating ng blessings sa kanya at sa kanyang mga anak. Bukod sa pelikulang Jesusa, may ginagawa rin siyang bagong teleserye sa ABS-CBN na may working title na Project Kapalaran. “Kahit may ganitong nangyayari sa buhay ko, masaya pa rin, mahal kami ng Diyos. …

Read More »

Ako na lang ang patayin ninyo — naluluhang mensahe ni Sylvia sa AlDub fans

HINDI napigilang maging emosyonal at maiyak ng award-winning actress at BeauteDerm ambassador na si Sylvia Sanchez sa presscon ng pelikula niyang Jesusa nang hingan ng reaksiyon ng entertainment press kaugnay ng bashers niya pati na rin ng mga anak niyang sina Arjo at Ria Atayde. Umano’y ilang fans ng tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza o AlDub ang nangba-bash …

Read More »

Nora Aunor is Nora Aunor, walang makapapantay — Ibyang

SOBRANG natuwa si Sylvia Sanchez nang ialoak sa kanya ang Jesusa kaya tinanggap niya ito kaagad na dapat sana ay para kay Nora Aunor. Ang Jesusa ay mula sa OEPM o Oeuvre Events and Production Management na idinirehe naman ni Ronald Carballo. Ayon kay Sylvia, “naging honest sila sa akin na second choice ako. Hindi naman ako nasasaktan eh. Kasi …

Read More »

Ibyang, napamura sa director, mala-Nora na pag-iyak, nagawa

AMINADO ang director ng Jesusa na si Ronald Carballo handog ng  OEPM (Oeuvre Events and Production Management) na pinag-tripan niya si Sylvia Sanchez para gawin ang isang eksena. “Sa sobrang galing ni Sylvia, with that particular scene na gustong-gusto ko talaga parang pinagtripan ko lang talaga siya. Kasi ‘yung luha, kung luluha ng normal na luha, magiging mashie ang pelikula, baka maging …

Read More »

Robin Padilla, tampok sa Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story

AMINADO si Robin Padilla na na-miss niya ang paggawa ng matinding action film. Pinagbibidahan ni Robin ang pelikulang Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story na showing na ngayon, January 30. Ito’y mula sa ALV Films ni Arnold Vegafria at Benchingko Films, with Regal Entertainment na distributor ng movie. “Aaminin ko po, opo, alam naman po ng lahat, hindi naman …

Read More »

Ara Altamira, bilib kay Arjo Atayde

MAGANDA ang takbo ng showbiz career ni Ara Altamira. Sunod-sunod ang projects ngayon ni Ara sa pelikula pati sa telebisyon. Kabilang dito ang Daddy’s Gurl na tinatampukan nina Vic Sotto at Maine Mendoza. Mapapanood din siya sa episode ng Ipaglaban Mo pati na sa web series sa IWant originals na Hush-Swingers. Sa pelikula, mapapanood si Ara sa Tol starring Arjo Atayde, Joross Gamboa, Ketchup Eusebio, Jessy Mendiola, at Jimmy …

Read More »