Tuesday , January 13 2026

Entertainment

Duet nina Julie Anne at Rita ng kanta ni Mariah, nag-trending

CERTIFIED trending ang matagal nang inire-request ng fans na duet performance nina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose at Rita Daniela sa The Clash. Nitong weekend, binigyan nila ng jazz na twist ang holiday song ni Mariah Carey na All I Want For Christmas Is You, na complete with flapper dresses ang suot nila. Sey ng isang netizen, “Total performers indeed! JulieRit did a great job! Just amazing!” …

Read More »

Rocco Nacino, naghatid ng tulong sa Rizal

NAKIISA ang Kapuso actor at Navy Reservist na si Rocco Nacino sa pamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Dela Costa 5, Rodriguez, Rizal noong Linggo, November 15. Inilunsad ng team S.T.A.R.S. ng Philippine Navy at Philippine Marine Corps ang relief operation na halos 2,000 katao ang nabigyan ng relief packs at iba pang essentials tulad ng damit na ibinigay …

Read More »

Kapuso artists, kanya-kanyang paraan sa pagbibigay-ayuda sa mga biktima ni Ulysses

PUMARAAN ang ilang Kapuso artists para magbigay ng ayuda nitong nakaraang mga araw sa mga biktima ng bagyong Ulysses. Namigay ng relief goods ang The Clash judge na si Ai Ai de las Alas bago sumabak sa lock in taping ng bagong series niyang Owe My Love. Sa Marikina ang destinasyon ng Comedy Queen katuwang ang kanyang choreographer na si Ron Sto. Domingo. Ipinagamit ng kapatid ni Ron ang …

Read More »

Ivana Alawi, ikinokonsidera sa Huling Sayaw ng Burlesk Queen

NGAYONG tapos na ang shoot ng Anak ng Macho Dancer, nagkuwento na si Joed sa isa pang proyektong idinadasal niya na matuloy bago ang kanyang lifestory. Ito ang matagal na rin niyang nilalaro-laro sa kanyang imahinasyon. Ito naman ang, Huling Sayaw ng Burlesk Queen. Knowing Joed, he will move mountains para kung ano ang nasa isip niya, simula sa cast at mabubuo …

Read More »

Sean, sobra-sobra ang pasalamat kay Direk Joel; Shooting ng Anak ng Macho Dancer, tapos na

IT’S a wrap! Natapos na ni Direk Joel Lamangan at ng Godfather Productions ang mga eksenang aabangan sa Anak ng Macho Dancer na tatampukan ng newbie na si Sean de Guzman, na miyembro ng Clique V. Nagbahagi na nga si Sean ng kanyang pasasalamat. “IT’S A WRAP! “Before anything else I would like to thank God for guiding me through this journey as Anak ng Macho Dancer. All …

Read More »

‘Personal na pangangailangan’ ni actor, naisusuplay ni Beking actor  

DAHIL pilit pa rin ngang itinatago ng actor ang kanyang relasyon sa isang aktres dahil sa mga naunang controversy ng sulutan, hindi sila masyadong makapagkita. At ang tsismis, dahil bihira ngang magkita ang actor at ang girlfriend niyang aktres, ang “nagtatagumpay” ay ang isang beking male star na kaibigan ng actor. Madalas daw kasing ang beking male star ang napagbabalingan ng actor sa kanyang “personal na …

Read More »

DepEd, hugas-kamay sa body shaming kay Angel

NAG-APOLOGISE na ang DepEd kay Angel Locsin, dahil sa body shaming na ginawa sa kanya sa isang learning module na nagsasabing siya ay “obese” o kung isasalin sa Tagalog ay “napakataba.” Binanggit pang si Angel kasi ay walang ginawa kundi kumain sa isang fast food chain, at tapos ay nakaupo lamang sa bahay at nanonood ng telebisyon. Pero hindi rin nagustuhan ni Angel …

Read More »

Sunshine, umiiwas mapolitika at matsismis (Tulong sa Cagayan, idadaan na lang sa charitable institution)

NAGPAHAYAG ng kalungkutan si Sunshine Cruz. “Talagang naiyak ako noong makita ko iyong video ng baha. Kawawa ang mga tao sa Cagayan,” sabi ni Sunshine. Iyon ang dahilan kung bakit on her own, gusto niyang humingi ng tulong sa ibang mga tao para makapagpadala ng tulong sa Cagayan. “Pero hindi ko naman iyon maasikaso mag-isa. Wala akong ability na maipadala iyon sa Cagayan, at saka …

Read More »

Character actor, ‘di napigil ang utot kasabay ng pagsigaw ng director ng ‘acting’

blind mystery man

PIGIL na pigil ang tawa ng ilang artistang nakasalang sa eksena ng pelikulang ginagawa nila dahil isa sa kanila ay umutot ng malakas. Nakaupo ang lahat sa hagdanang ginagamit ng mga nagkakabit na cable at sumigaw na ng ‘acting’ ang direktor nang biglang sumabay ang malakas na utot ng isa sa cast na nagkagulatan at dahil on-going ang kamera kaya pinipigil nila …

Read More »

Iza, naasiwa at kinabahan sa Loving Emily; Jameson, nasarapan sa halik ni Iza

MAY pagka-pilyo man tingnan, siguro’y komportableng-komportable  na si Jameson Blake kay Iza Calzado kaya agad nitong nasabing nasarapan siya sa kanilang kissing scene ng aktres para sa pinakabagong original series ng iWantTFC na mapapanood na simula Nobyembre 18, ang Loving Emily. Ang Loving Emily ay isang May-December affair story, love story o ‘yung coming of age affair na idinirehe ni Gerardo Calagui. Kaya nang kumustahin sina Jameson at Iza ukol …

Read More »

Coco, ‘di nararamdaman ngayong sunod-sunod ang sakuna

NASAAN ba si Coco Martin? Bakit tila hindi natin siya nararamdaman kahit may mga matitinding nangyayari tulad ng bagyo sa ating bansa ngayon. Hindi siya nasisilayang dumaramay katulad ng ibang kapwa artista. Hindi ba siya ang ikinokonsiderang richest Kapamilya stars ? Bakit wala yatang ayudang naririnig na bigay galing sa bida ng Ang Probinsyano? SHOWBIG ni Vir Gonzales

Read More »

Vice Gov. Mel, ‘di ininda ang pagod matulungan lang ang mga biktima ng bagyo 

Imelda Papin

WALANG tulog si Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin hanggang ngayong dahil marami pa silang mga biktima ng kalamidad sa Bicol na tinutulungan. Nakadudurog ng puso na makitang ang mga kababayan mo’y biktima ng malupit na bagyo. Awang-awa si Imelda lalo na sa mga sanggol na inabutan ng perhuwisyong problema. Matatag si Vice Mel at hindi siya sumusuko sa matinding …

Read More »

Net 25, aariba sa paghahatid ng mga bagong show

MARAMING bagong show ang hatid ng Eagle Broadcasting Corporation, Net 25 mula sa mga maniningning na bituin sa showbiz. Mga show na tiyak aabangan at kalulugdan ng mga manonod katulad ng mga nauna nitong mga programa ng Moments ni Gladys Reyes, Unlad Kaagapay sa Buhay ni Robin Padilla, Kesaya Saya nina Vina Morales, Sherylene Castor, Diego Salvador, Robin at marami pang iba; at Himig ng Lahi nina Pilita Corrales at Darius Razon. Ilan naman sa mga bagong programa ng …

Read More »

Pia, balik-‘Pinas na; Sarah at ina, nagkaa-ayos na?

NAGKAAYOS na siguro ang ina ni Pia Wurtzbach at ang nakababatang n’yang kapatid na si Sarah Wurtzbach kaya nagpasya siyang bumalik na ng Pilipinas. Ang mga nakagugulantang na akusasyon ni Sarah kay Pia at sa kanilang ina ang dahilan ng biglang pagbalik ni Pia sa London, England mula sa Pilipinas noong kalagitnaan ng Oktubre kahit na kauuwi lang niya mula  noong huling linggo ng …

Read More »

Restoran ni Mia, ginawang grocery bago naibalik sa dine-in

MALAKI ang pasasalamat ni Mia Pangyarihan na inalok siya ng Net 25 para maging isa sa mga hurado (danding) ng Tagisan ng Galing kasama sina Joy Cancio, Wowie de Guzman, at Joshua Zamora na napapanood tuwing Sabado at Linggo, 12:00 nn at 9:00 p.m. sa Net 25.  Kahit paano kasi’y nabawasan ang pag-aalala niya sa restoran niya na naapektuhan ng Covid-19 pandemic. Maganda kasi ang takbo ng restoran niyang Japanese …

Read More »

Tagisan ng Galing ng Net25, nakalulula ang papremyo

TUMATAGINTING na P2-M ang papremyong mapapanalunan ng tatanghaling grand champion sa reality show na Tagisan ng Galing ng Net 25 na prodyus ng Eagle Broadcasting Corporation. Kaya hindi nakapagtatakang isa ito sa pinagkakaguluhan at mainit na pinag-uusapan ngayon. Imagine nga naman, milyon agad ang papremyo kapag kayo ang nagwagi sa sayaw at pagkanta. Hindi lang ‘yan, P1-M din ang makukuha ng 1st runner-up at P500,000 …

Read More »

7 ‘Angels’ nina Robin at Mariel, ipinagpatayo ng apartment

THE House of Us, ito ang titulo ng latest vlog ni Mariel Rodriguez-Padilla na in-upload niya sa kanyang YouTube channel nitong Lunes ng madaling araw. Kaya ito ang titulo ay dahil ikinuwento ng wifey ni Robin Padilla ang latest project ng asawa na pinagawan nito ng tig-iisang pintong apartment ang mga kasama nila sa bahay na kung tawagin nila ay ‘Angels.’ Naantig ang damdamin ng host ng …

Read More »

Enchong Dee, grabeng bumuyangyang sa Alter Me

Tiyak na pag-uusapan ang mga revealing at daring scenes ni Enchong Dee sa Alter Me, his movie with Jasmine Curtis Smith that is slated to be shown at the streaming of Netflix starting Sunday, November 15. Opening scene pa lang, nagpakita na kaagad ng hubad na katawan ang aktor. Tiyak na masa-shock ang mga tao dahil hindi lang basta paghuhubad …

Read More »

Direk Romm Burlat, underrated director no more!

HINDI na paaawat si Direk Romm Burlat! Hayan at may bago na naman siyang nomination as Best Director for International Medium-Length film at the prestigious Brazil International Film Festival in Rio de Janeiro, Brazil. Dati, ni hindi nga ma-nominate sa sarili niyang bansa ang underrated na director. But when he started branching out to the different film festivals in different …

Read More »

Carla, ipinanawagan ang tulong sa mga hayop

MGA hayop naman ang concern ni Carla Abellana sa kasagsagan ng bagyong Ulysses sa bansa. Animal welfare advocate si Carla kaya nag-offer siya ng dasal para sa mga hayop sa kanyang social media account. “Lord, please bless all the animals affected by Ulysses too. They are helpless. I cannot imagine the amount of fear and suffering, especially for those who were left …

Read More »

Parlade at Angel, nagharap para sa red tagging issues

NAKIPAGHARAP na si Angel Locsin kasama ang fiancée na si Neil Arce at lawyer, Atty. Joji Alonso, kay AFP Southern Luzon Command Chief Lt. General Antonio Parlade. Documented sa Face Book page ni Atty. Joji ang meeting kaugnay ng alegasyon laban kay Angel at kapatid nitong si Angela “Ella” Colmenares na may ugnayan sa leftist na grupo. “Angel Locsin expressly denounces violence and terrorism in any form and supports all …

Read More »

Chariz, saludo sa mga SG

NAGBIGAY-PUGAY si Chariz Solomon sa mga security guard at maintenance personnel na tuloy-tuloy ang trabaho sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses. Post ni Chariz sa Instagram, “Nagliliparan mga gamit kagabi sa labas, at nagbabagsakan mga puno pero nasa labas sila natanggal nila in no time yang mga puno na bumagsak at humarang sa kalsada (tinalian na yan ng maayos prior bumagsak panrin). Tapos mas inuna pa …

Read More »

Joaquin, kinikilig kay Cassy

SA recent interview ni Joaquin Domagoso sa 24 Oras, inamin niyang kahit magkaibigan sila ni Cassy Legaspi ay kinikilig pa rin siya rito, lalo pa’t si Cassy ang love interest niya sa upcoming GMA Telebabad series na First Yaya. “I couldn’t look her in the eye sa Zoom. I don’t know, kinikilig ako kahit friends kami,” kuwento ni Joaquin.  Excited na rin siya na magsimula ng lock-in taping para …

Read More »

Donnalyn, bumili ng mga bangkang pang-rescue

MAYROON pang isang kuwentong ikinabigla namin. Ang artista, blogger, at rapper na si Donnalyn Bartolome ay naghanap ng mga rescuer na marunong sumagwan at lumangoy, para makatulong sa rescue operations sa Marikina at sa Rizal, at handa siyang bayaran ang serbisyo ng mga iyon. Bukod doon, bumili siya ng mga bangka na magagamit sa rescue. Mayroon namang mabubuti ring loob na nagsabing sila …

Read More »