Sunday , November 28 2021

Wilbert Tolentino hataw sa YT, may 283k subscribers agad in 2 mos

WINNER bilang vlogger  ang kilalang businessman, dating Mr. Gay World titlist  at Quarantine online philantropist na si Wilbert Tolentino.

Humahataw ngayon ang kanyang Wilbert Tolentino VLOGS  sa Youtube. Wala pang  dalawang buwan pero umabot na ito ng  283k subscribers habang isinusulat ito. Achievement sa kanya ito bilang baguhan sa entertainment streaming app.

Enjoy at nakawawala ng  stress  ang pagiging abala ni  Sir Wil sa kanyang YouTube channel.

Pinasok ko ang mundo bilang isang vlogger para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya,” bungad niya.

Bilang isang critical COVID pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy  na pagtulong sa ating mga kababayan tulad ng mga nasalanta ng  bagyo at kalamidad. Ganoon din sa iba’t ibang komunidad na nagsa-suffer sa pandemya,” saad ni Sir Wil.

Kumusta ang experience niya bilang vlogger?

Hindi nagkakalayo ito bilang isang co-owner ng tatlo kong entertainment bar ( Apollo, Club 690, Farenheit). Dapat maglabas ng kakaibang content. Ang mga magagandang komento na nababasa ko ay nagsisilbing inspirasyon para gumawa pa ako ng marami pang content. Para mabigyan ko ng kasiyahan at libangan ang mga tao,” pakli  niya.

Ang adbokasiya ko sa paggawa ng vlog ay para lumawak ang aking network at bumuo ng isang malaking convention para sa mga sikat na influencer sa iba’t ibang social media tulad ng Instagram, Twitter, Youtube, Lyka, Facebook. Para tulungan ang mga negosyanteng naapektuhan sa pandemya.”

May malaki rin siyang pasabog na event ‘pag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na.

Magkakaroon ako ng THE PHILIPPINES INFLUENCER AWARDS 2021. Ito ay  para ma-cater natin ang mga press, media, at vloggers kasama ang mga negosyante na naghahanap ng influencers para sa kanilang negosyo,” lahad pa niya.

Gumawa  rin siya ng music video  na Kafreshness ng Pasko  na nagsisilbing inspirasyon at ligaya ngayong pandemya.

Nagkaroon din ng pagkakaisa at sanib-puwersang aliw sa kanyang vlog dahil sa mga collab niya  sa Beks Battalion (Chad Kinis, Richardson de la Cruz, Reginald Lassy Marquez, Mc Muah Calaquian).

Ganoon din sa  #DoLaiNab (Donnalyn Bartolome, Jelai Andres, at Zeinab Harake).

May collab din  siya kay Sachzna Laparan. Pati sa Kapuso actress na si Sanya Lopez.

May pasabog din siya kasama ang JaMill (Jaysam Manabat, Camille Trinidad).

At dahil generous talaga si Sir Wil mamahagi siya ng blessings para sa mga solid kafreshness subscriber.

Despite of struggles and challenges that we are facing global health issues. Bangon tayo mga Pilipino. ‘Wag nating hayaan na  lamunin tayo ng lungkot!! Spread positive vibes at dapat tayo laging fresh.

“ See you on December 24, 2020, 7pm para lang sa exclusive kafreshness subscriber for Noche Bola Raffle Bonanza,” sambit pa niya.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Blind Item, Men

Aktor usap-usapan ang escapades sa mga gay designer at rich gays

HATAWAN!ni Ed de Leon USAP-USAPAN ang naging simula noon ng isang male star sa isang …

Andrew Schimmer Jho Rovero

Andrew nananawagan tulong sa asawa

HATAWAN!ni Ed de Leon NANANAWAGAN si Andrew Schimmer, na gumawa rin noong araw ng ilang …

Leave a Reply