Friday , July 26 2024

Migo Adecer, thankful sa limang taon sa showbusiness

KASABAY ng pagdiriwang niya ng kaarawan noong December 20, isa rin sa nais ipagpasalamat ni Migo Adecer ang ikalimang taon niya sa showbusiness.

Matapos tanghaling Ultimate Male Survivor sa sixth season ng reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck noong 2015, nag-umpisa na ang career ni Migo bilang isang aktor at patuloy niyang  ipinamamalas ang talento sa mga teleserye ng GMA kabilang na ang Encantadia, My Love from the Star, The One That Got Away, Ika-6 na Utos, at ngayon sa primetime series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Kuwento niya, marami siyang natutuhan mula sa kanyang mga karanasan sa showbiz sa loob ng limang taon.

Well, for sure I’m definitely a different person from when I first started. Mas marami na akong alam sa craft natin ngayon sa showbiz. Of course, it’s definitely been hard, there were a lot of difficult times, it is not easy pero the good outweighs the bad naman. Grateful lang ako na mayroon akong opportunity na maging artista sa GMA. It’s been a humbling experience, I can say that.”

Samantala, abangan ang nalalapit na pagbabalik ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sa GMA Telebabad!

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *