IDINAAN sa Twitter ng Kapuso actress na si Bianca Umali ang pagbati sa 23rd birthday ng rumored boyfriend nitong Ruru Madrid. In fairness, tinugunan naman ni Ruru ang greeting ni Bianca ng, “Thank you B!” Pero sa Instagram account ng Kapuso actor, hindi namin nakita ang pagbati ni Bianca sa comments section. Tinugunan naman ni Ruru ng pagkalahatang pasasalamat ang bumati sa kanya. May guilt feeling lang siya sa selebrasyon ng …
Read More »Ray-an Fuentes at pamilya, tinamaan ng Covid
GRABE pala ang tumamang Covid sa singer na si Ray-an Fuentes. Kasama niyang nag-positive ang buo niyang pamilya, pero ang pinaka-grabe ay ang kanyang asawang si Mei Lin Fuentes na nasa ICU na ng ospital at may nakakabit na ventilator. Si Ray-an ay naka-oxygen din dahil nahihirapan siyang huminga, at sinasabi nga niyang sinabihan din siya ng doctor na kung hindi pa aayos …
Read More »John Lloyd, pinag-aagawan pa rin (Parang Aga at Richard lang)
ISA lang ang comment na narinig namin nang nagsimulang lumabas iyong isang special advertisement for Christmas ng isang relo na ginawa ni John Lloyd Cruz. Lahat sila ay nagsasabing “pogi talaga” si John Lloyd. Marami rin ang nakapansin na nagmukha pa siyang bata sa ngayon. Mukhang malaking bagay nga iyong nakapagbakasyon siya ng mahigit tatlong taon din, matapos magkaroon ng isang kontrobersiyal na …
Read More »Ivana Alawi, gustong makapareha ni Gari Escobar
NGAYON pa lang, pinaghahandaan na ng magaling na singer na si Gari Escobar ang paggawa ng pelikula. Bagamat abala sa kanyang singing career, isinasabay niya ang acting workshop kay Cherie Gil. Gusto rin kasi niyang umarte. Kuwento ng prolific singer/songwriter nang makapanayam namin ito, “Tapos na po ‘yung kay Ms. Cherie Gil, nag-start po ito noong August 14. Bale, online acting workshop. At may …
Read More »Angelika Santiago, type makurot at panggigilan ng fans
PAGIGING kontrabida. Ito ang gustong tahakin ni Angelika Santiago, 17, si Jewel sa Prima Donnas ng GMA 7 na kaibigan ni Brianna (Elijah Alejo). Kakaiba ang karakter ni Angelica dahil may pagkabaliw. “Gusto ko po yung character niya, kasi kakaiba po. Kontrabida po ako rito,” sambit ni Angelika sa virtual conference nito noong Biyernes. Giit ni Angelika, enjoy siya sa pagkokontrabida. “Sa totoo lang po, mas okay po sa akin …
Read More »Robin, no way sa politika — Sinasabi ko sa libingan ng tatay ko, nangangako ako, hindi ako magiging politico
HINDI lang si Robin Padilla ang nadala o naiyak sa isinagawang premiere ng docu film na Memoirs of a Teenage Rebel sa Cinema 9 ng Sta Lucia Mall. Karamihan ay maririnig mong sumisinghot dahil sa makabagbag damdaming paglalahad ng mga nangyari ng dating mga miyembro ng New People’s Army. Tampok sa docu film si Ivy Lyn Corpin, dating miyembro ng NPA na nagbalik-loob sa pamahalaan. …
Read More »Ria at Gela, nag-iiyak nang manalo si Arjo
ANG biggest fan, supporter, at big sister ni Arjo Atayde na si Ria Atayde ay pinalipas muna ang isang araw bago niya nasabi ang pagbati sa kuya dahil wala silang ginawa ni Gela kundi mag-iiyak. Tulad ng nanay nilang si Sylvia Sanchez, umaga palang ng Biyernes ay abot-abot na ang nerbiyos nila para kay Arjo na noo’y kabado rin kung …
Read More »Arjo, nanginig nang tawaging Best Actor sa Asian Academy Awards 2020
INILAGAY ni Arjo Atayde ang bansang Pilipinas sa kasaysayan ng Asian Academy Creative Awards 2020 dahil nasungkit niya ang pinakamataas na award, ang Best Actor in a Leading Role sa iWant original series na Bagman. Nang tawagin ang pangalan ni Arjo ay nakangiti pero nanginig ang katawan dahil sa nerbiyos na naramdaman ng mga sandaling iyon. Ginanap ang virtual awarding …
Read More »Ashley Aunor a.k.a. Cool Cath Ash, pasok ang mga kanta sa “2020 Artist Wrapped”
Very, very proud Mommy, ang dating Apat Na Sikat member na si Maribel Aunor na kilalang businesswoman hindi lang sa maganda at popular na anak na si Marione Aunor, na bidang-bida sa pagkanta ng covers ng mga patok na OPM songs noong 80s. Maging sa bagong artist daughter na si Ashley Aunor a.k.a Cool Cat Ash ay super proud Mom …
Read More »Mommy Pinty Gonzaga talent manager na businesswoman pa (May ‘dating’ sa social media)
KAILANMAN ay hindi naging stage mother si Mommy Pinty sa kanyang mga daughter na sina Toni at Alex Gonzaga na pareho niyang alaga. Of course sa pakikipag-deal sa mga offer kina Alex at Toni ay always siyang kasama riyan dahil siya nga ang manager pero pagdating sa taping, live show, at shooting sa pelikula ay never mong makikita si Mommy …
Read More »Sanya Lopez, nakipagsabayan kina Guy at Phillip sa Isa Pang Bahaghari
NAGPAKITA nang husay ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa pelikulang Isa Pang Bahaghari na isa sa entry sa gaganaping annual Metro Manila Film Festival na magsisimula na sa December 25, via Upstream. Gumaganap rito si Sanya bilang isang dalagang ina na bunsong anak nina Ms. Nora Aunor at Philip Salvador na dahil sa kahirapan ng buhay ay napilitang magtrabaho bilang dancer …
Read More »Joed Serrano, naghahanap ng bibida sa Anak ng Burlesk Queen
MGA seksing babae naman ang bibigyan ng break sa showbiz ng bagong film producer na si Joed Serrano ng Godfather Productions. Hinahanap naman ni Joed ang seksing babae na lalabas sa bagong movie niyang Anak ng Burlesk Queen na ididirehe na naman ni Joel Lamangan, huh! Take note, hindi pa nga naipalalabas ang unang venture niyang Anak ng Macho Dancer, gigiling naman ang Anak ng Burlesk Queen! Of …
Read More »Direk Mae, sobrang na-pressure sa Four Sisters Before The Wedding
MAY prequel ang blockbuster movie ng Star Cinema noong 2013 na Four Sisters and A Wedding na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina Magdayao, at Toni Gonzaga. Ito ay ang Four Sisters Before The Wedding. Bida naman dito ang apat na most promising teen stars na sina Alexa Ilacad bilang si Bobbie (ginampanan ni Bea), Charlie Dizon as Teddie (played by Toni), Gillian Vicencio bilang si Alex (ginampanan noon ni Angel), at Belle …
Read More »Wendell at Dell Savior Ramos, pangatlong mag-amang gaganap na bading
MAITUTURING na ring makasaysayan ngayong 2020 at panahon ng pandemya, ang paggganap na ng mag-amang Wendell Ramos at Dell Saviour Ramos. Actually, sila ang pangatlong mag-amang aktor na gaganap na bahagi ng LGBTQ. Pero ang naunang mag-ma na gumanap na bading ay nangyari maraming taon na ang nakalipas. At ang pagganap nila ay sa magkakahiwalay na taon. ‘Di gaya ng sa mag-amang Wendell …
Read More »Aktor, handang ‘makipagkita,’ basta may G-cash
MATINDI ang ilusyon ng isang dating male star na nagsimula sa isang talent search ng isang network. Nagtatawag siya sa kanyang mga kakilala, na sa palagay niya ay “may interest pa sa kanya”, at inuutangan niya ang mga iyon ng pera, na sinasabi niyang ipadala sa kanyang G Cash o sa isang on line account. Ang pangako niya ay “magma-Manila ako sa …
Read More »TV show ni Nora, magrehistro kaya ng mataas na audience share?
MAY pelikulang kasali sa festival si Nora Aunor. Bukod diyan, may isang serye pa siyang tumatakbo sa telebisyon. Sa ganyang sitwasyon, masasabi mo ngang si Nora ay isang artista na may magandang exposure sa kabila ng pandemya. At iyong kanyang serye ay napapanood sa TV talaga ha, hindi kagaya niyong iba na sa internet lamang nakikita. Ang hinihintay ng tao ngayon …
Read More »Direktor, asst director, at ilan pang production crew, nagkahawaan sa shooting ng isang pelikula
NAALARMA na naman ang buong industriya. Nauna rito, natakot si Aiko Melendez nang mawala ang kanyang panlasa, kaya nagpa-isolate rin siya kahit na sinasabing nag-negative siya sa swab test. Nakakatakot din ang balitang kumalat na marami raw nahawa sa shooting ng isang pelikula, dahil biglang nagpositibo ang director, ang assistant niya at ang ilan pang production crew. Naalarma rin ang taping ng …
Read More »Charlie Dizon, madaling nakapa ang role ni Toni G sa FSAAW
ANG baguhang aktres na si Charlie Dizon ang gaganap na Teodora Grace Salazar sa Four Sisters before the Wedding na ginampanan noon ni Toni Gonzaga sa pelikulang Four Sisters and A Wedding na ipinalabas noong 2013. Sa virtual mediacon ng prequel ng FSAAW ay inamin ni Charlie na may mga acting tip na ibinigay sa kanya ni Toni. “Yung mga kailangan ko tandaan siguro ‘yung nuances talaga ni Teddie and …
Read More »Lumang klase ng comedy nina Andrew, Janno, Jerald, at Dennis, patok sa millennials; Trailer, umabot agad sa mahigit 20M
HINDI inaasahan ng Pakboys: Takusa na sina Andrew E, Janno Gibbs, Jerald Napoles, at Dennis Padilla na aabutin ng mahigit sa 20M views ang trailer nila na ipinost ng Viva Films kasi nga naman ang estilo ng pagpapatawa ng pelikula nila ay luma o old school. Ito kasi ang gustong mangyari ni Viva big boss, Vic del Rosario na ibalik ang lumang estilo ng comedy film dahil marami ang naghahanap nito …
Read More »Katrina Halili, buti hindi natutuyuan ng luha
Sa tuwing napanonood namin ang Prima Donnas every 3:25 pm, ‘di namin mapigilan ang magtaka kung hindi ba natutuyuan ang tear glands nina Katrina Halili at Jillian Ward sa rami ng luhang dumadaloy sa kanilang mga mata. Aba’y halos maya’t maya ay umiiyak ang mag-ina sa soap na kanilang ginagampanan. Sa ‘death’ scene na lang ni Katrina the other day, …
Read More »ABS CBN tigbak na (Aminin man at sa hindi)
NAGDADRAMA pa ang ilang talents ng ABS CBN na kahit raw wala na silang prankisa, pipilitin pa raw nilang bumangon. Is that really soooooo? Ang sagot riyan, to be very honest about, as long as President Rodrigo Duterte is the president of the Philippine Republic, ABS-CBN will never be able to bounce back or regain its once formidable place in …
Read More »26th birthday celebration ni Myrtle Sarrosa simple pero very memorable
Sa December 7 pa ang actual birthday ng Kapuso singer-actress na si Myrtle Sarrosa, pero binigyan na siya ng advance party ng Borracho Film Production ni Atty. Ferdinand Topacio na dinaluhan ng ilang friends from the business and non-showbiz. Kapansin-pansin ang pagiging blooming ni Myrtle sa kanyang intimate party, ibig bang sabihin nito, ay may inspirasyon ang singer na katatapos …
Read More »April Boy Regino at April Boys naging parte ng aming buhay noong early 90s
NOONG 1993, ay tandang-tanda ko pa na habang nagpoprograma kami ng Bff kong si Pete Ampoloquio sa DZAM (DZAR na ngayon) ay may tumawag sa amin na tagapakinig raw namin at siya ay si Mommy Lucy Regino na kinuha kaming PRO ni Pete para sa mga anak na sina April Boy, Jimmy, at Vingo na that time ay buo pa …
Read More »Maricel Laxa, labas na ang bagong librong Maya at Laya
KALALABAS lang ng bagong librong pambata ni Maricel Laxa-Pangilinan, na pinamagatang Maya at Laya. Ito ay tungkol sa magkapatid na mahilig maglaro pero hindi nagkakasundo. Maayos sa gamit ang isa, ang isa nama’y makalat. Paano sila nagkakasundo? Ang kuwento ay base sa obserbasyon ni Maricel sa kanyang pamangkin na lalaki at babae. “Para silang aso’t pusa,” ani Maricel. Isang parenting advocate si …
Read More »Talent manager na si Len Carrillo, proud na proud kay Sean de Guzman
IPINAHAYAG ng mabait na talent manager na si Ms. Len Carrillo kung gaano siya ka-proud kay Sean de Guzman. Si Sean, na isa sa member ng Clique V ang bida sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na pinamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan. Ano ang masasabi niya na after three years ay bida na ngayon si Sean? Masayang saad ni …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com