Tuesday , January 13 2026

Entertainment

‘Bakit Mexico’ trending: Miss Bulgaria naglabas ng hinaing

HINDI deserve ni Miss Mexico Andrea Meza ang Miss Universe 2020 crown. ‘Yan ang walang-takot na pahayag ng Miss Bulgaria Radinela Chushev sa isang live Instagram session niya noong May18. Hindi naman nag-iisa si Miss Bulgaria dahil talaga namang nabalot ng kontrobersiya ang pageant dahil sa pagkuwestiyon sa pagkapanalo ni Miss Mexico. Nag-trending pa nga sa Twitter ang ”Bakit Mexico,” na naglabas ng hinaing ang pageant fans sa resulta ng Miss Universe …

Read More »

Pia dumepensa sa mga galit na Vietnamese: ”I wasn’t being sarcastic or questioning your win at all!

BIGLANG naging kontrobersiyal na naman si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil sa simpleng tweet n’ya sa bagsik ng Vietnamese pageant fans dahil sa tweet n’ya tungkol kay Miss Universe Vietnam 2020 Nguyen Tran Khanh Van na nakapasok sa Top 21 semifinalists. Reaction tweet ni Pia sa announcement na ‘yon: ”Mas maraming pageant fans sa Vietnam kesa sa Pilipinas? [shocked face and exploding head emojis]” Hindi …

Read More »

Rabiya sa mga Pinoy — I did everything I can

Rabiya Mateo

BUONG-PUSONG tinanggap ni Rabiya Mateo ang kapalaran niya sa Miss Universe 2020. Nakapasok si Rabiya sa Top 21 pero roon na nagtapos ang journey niya sa Miss Universe. Sa Instagram n’ya noong gabi ng May 17 sa Pilipinas, nagpasalamat si Rabiya sa pagkakataong napili siyang maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe. Mensahe niya sa kanyang post: ”It was such a beautiful moment to represent you, Philippines. …

Read More »

Liza pumalag ‘di totoong sasali sa beauty pageant

rabiya mateo liza soberano

MARIING pinabulaanan ni Liza Soberano ang viral post sa Facebook tungkol sa balak niyang pagsali sa Miss Universe Philippines 2021.  Mababasa sa post: ”Pag si Rabiya talaga ‘di maiuwi ang crown, ako talaga sasali next year!” Sa isa pang post, nangako si “Liza” na babawi siya sa susunod na edisyon ng Miss Universe. Ayon pa sa post, ”Bawi tayo next year! Ako bahala.” Pero pinalagan ito ni …

Read More »

Silent film making inilunsad

INILUNSAD ng International Silent Film Festival Manila (ISFFM) sa kanilang ika-15 taon ang Mit Out Sound (MOS): International Silent Film Lab 2021 para lalong mapalaganap ang silent filmmaking sa Pilipinas. Ang ISFFM ay joint partnership ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), Embassy of France in Manila, Philippine Italian Association, Goethe-Institute Philippinen, Instituto Cervantes de Manila, at Japan Foundation, Manila. Taong 2007 itinatag ang …

Read More »

Jao Mapa, bilib kina Herbert Bautista at McCoy de Leon

NAKAPAG-TAPING na si Jao Mapa sa bago niyang sitcom titled Puto na pinagbibidahan nina Herbert Bautista at McCoy de Leon. Ito ay mapapanood sa TV5 very soon. Inusisa namin si Jao hinggil sa role niya sa naturang sitcom.   Sagot niya, “I am Dan, dating high school classmate ni Puto, I become successful in business and wants to get Puto’s …

Read More »

Marjorie ‘di hate sina Greta at Clau — I just want peace

PARANG tapos na ang away ng Barretto sisters. Posibleng ‘di pa rin sila nag-uusap-usap pero kung ‘yung tatlong magkakagalit na sina Gretchen at Claudiene laban kay Marjorie (at sa anak n’yang si Julia) ay may disposisyon na gaya ni Marjorie, pagbabati na lang ng pormal ang kulang para masabing wala na silang away. Pahayag ng ex-wife ni Dennis Padilla sa isang pakikipag-usap kay Toni Gonzaga para sa vlog …

Read More »

Alden focus muna kay Jasmine; movie kay Bea saka na

NAG-SCRIPT reading na sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez noong Mayo 15 para sa Kapuso primetime series na The World Between Us. Ipinost ito ng GMA Network senior program manager na si Anthony Pastorpide noong Sabado ng gabi sa Facebook na ang script reading session ay dinaluhan din nina Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, at Direk Dominic Zapata. Ayon kay Pastorpide, nagkaroon na ng script reading sessions before ang cast. Nasa final preparations na …

Read More »

James at Nadine pang-international na ang kasikatan

SPEAKING of kasikatan, pwedeng sabihing biglang nasa international level na ang kasikatan ni James Reid.  Nasa isang billboard sa New York City si James. “We up in NYC again,” aniya sa isang tweet n’ya kamakailan. Reid’s tweets received positive feedback, mostly congratulating him for his latest milestone. The billboard is an advertisement for Amazon Music’s Mixtape Asia playlist, in which Crazy, by Reid, an Amazon …

Read More »

Ai Ai sa US magpapa-vaccine: Pagpapabakuna ni Manilyn naging fans day

SUPER-FLEX si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram na nabakunahan na siya laban sa COVID-19. Nasa Los Angeles, California si Sharon ngayon. Ang vaccine na Moderna ang naiturok sa kanya na ipinost niya sa kanyang Instagram. Nagmistulang fans day naman nang magpabakuna si Manilyn Reynes sa isang vaccine center kamakailan. Todo pa-picture ang mga tao sa kanya nang natiyempuhan ang pagbabakuna niya. Naging maingat naman si …

Read More »

Christian at Julie Anne bibida sa online musical series

BIBIDA sa isang online musical series sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista. Ito ay ang Still: A Viu original narrative series na tiyak na aabangan ng OPM fans at music enthusiasts sa bansa. Kasama nina Julie Anne at Christian ang theater at music icon na si Bituin Escalante at Philippine Theater Princess Gab Pangilinan. Halos lahat na lang ng hindi puwede sa concert venues eh …

Read More »

Pantene Palanca active sa pagbebenta ng mamahaling sasakyan

REMEMBER the name Pantene Palanca? No! Kasi, sumikat siya kasama ang iba pang sexy talents na gaya niya bilang isang grupo. At nakilala talaga ang grupo nila hanggang naging kontrobersiyal pa. Singer at dancer si Pantene ng grupong Baywalk Bodies ni Lito de Guzman. Nagkaroon din sila ng album. At dumating sa puntong kaliwa’t kanan ang mga proyekto. Fast forward sa panahon …

Read More »

Gerald parang bangus para kay Janice de belen

TAONG 2015 nang matsismis sina Janice de Belen at Gerald Anderson na naging dahilan daw ng break-up ng aktor sa girlfriend niyang si Maja Salvador na nakarelasyon niya noong 2013. Nagsimulang umugong ang tsismis kina Janice at Gerald nang magsama sila sa teleseryeng Budoy noong 2011-2012 pero itinanggi naman kaagad ito ng dalawa at para hindi na lumala ang tsika ay nag-iwasan na lang sila. Sa guesting …

Read More »

ABS-CBN’s series mapapanood sa TV5 

GABI-GABI ay nabubusog sa aksiyon, inspirasyon, kilig, at aliw ang mga Filipino sa panonood nila sa TV5 ng mga ABS-CBN teleseryeng  FPJ’s Ang Probinsyano, Huwag Kang Mangamba, Init sa Magdamag, at Asianovelang Count Your Lucky Stars. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 ang mga bagong episode ng mga bakbakan ni Cardo, mga himala nina …

Read More »

Bakit nga ba tayo sumasali sa mga beauty contest?

ANG sinasabi nga namin, bagama’t alam naman nating kaya nila ginagawa iyon ay dahil gusto nilang manalo, sana maibalik ang panahon na ang inilalaban sa mga international beauty contests ay mga tunay na Filipina. Kung iisipin ninyo, sino ba ang unang Pinay na nagbigay sa atin ng Miss Universe title, hindi ba si Gloria Diaz na 100% Pinay. Sino ang ikalawang nagbigay sa atin ulit ng title na iyan, …

Read More »

Sunshine naudlot ang pagiging beauty queen

Sunshine Cruz

NATATANDAAN naming panahon pa ng That’s Entertainment, kinukumbinsi na nila si Sunshine Cruz na sumali sa beauty contest. Minsan nga pati si Kuya Germs, napakiusapan nilang kumbinsihin si Sunshine na sumali nga. Pero noong panahong iyon, maraming pelikula si Sunshine sa Octoarts at sa iba pang kompanya at wala siyang panahon na makapagsanay para sa beauty pageant. Si Kuya Germs hindi rin naman kumibo dahil kung si Sunshine ay papasok nga …

Read More »

Aktor naudlot ang pagsikat, inaasahang big project ‘di natuloy

blind mystery man

KAWAWA naman ang isang male star. Inaasahan niya na magsisimula na siyang sumikat talaga dahil napansin siya sa isang ginawa nilang serye, pero bagama’t na-retain ang ibang stars sa pagpapatuloy ng serye, lumabas na para na lang siyang guest dahil nagkaroon ng ibang twist ang kuwento niyon. Mayroon namang isang project na inaasahan niyang makukuha niya, pero lumabas na iba na pala ang kinuha, isang baguhan …

Read More »

Sitcom nina Vic at Maine tuloy kahit may pandemic

NAIRAOS na ng Kapuso weekly sitcom na Daddy’s Gurl ang 100th episode nito last Saturday. Aba, big achievement ito para sa main cast na sina Vic Sotto at Maine Mendoza sa gitna ng kasalukuyang pandemic dala ng Corona virus, huh. Kahit virtual ang taping ng episodes, nairaraos pa rin ng lahat ng involved sa sitcom ang kada episode. Malaking tulong ang bagong technology upang magpatuloy pa …

Read More »

Alden at Jasmine may pambawi sa fans

TINUGUNAN ng GMA Network ang pagkabitin ng followers nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa huli nilang pagsasama sa Kapuso mini-series na I Can See You. Sa muling pagsasama nina Alden at Jasmine sa bagong GMA series na I Can See You; Love At The Balcony, bitin na bitin sila sa tambalan ng dalawa. Kaya naman hinding-hindi na mabibitin ang followers nila dahil isang season na silang mapapanood …

Read More »

Kanta nina Julie Anne at Ruru parte ng Ballad Int’l

PARTE ng Ballad International playlist ng Spotify ang ilang mga kanta nina Julie Anne San Jose at Ruru Madrid, bagay na ipinagmamalaki ng kanilang avid fans at listeners. Ayon sa Spotify, ang collection na ito ay naglalaman ng “world’s best emotional songs.” Pasok dito ang cover ni Julie Anne na Your Song ng Parokya ni Edgar pati ang single ni Ruru na Maghihintay ng GMA Music. Kilala talaga ang talento …

Read More »

Fan made video ng Pepito Manaloto patok

UMANI na ng libo-libong likes sa Facebook ang fan-made video ng award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto.  Patok sa netizens at anime fans ang obra ni Jose Antonio Santos na ginawan ng animation at Japanese version ang nakaka-LSS na theme song ng programa. Biro ng isang netizen, ”Pepito Manaloto is my favorite slice of life anime.” Patunay lang ito na sa loob ng isang dekadang paghahatid …

Read More »

RitKen enjoy sa buhay-mag-asawa

MAS mature at pinatinding roles ang haharapin nina Ken Chan at Rita Daniela sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw. Gaganap sila bilang mag-asawa sa serye. Kuwento ni Ken sa interview ng 24 Oras, ”Mayroong mga pagkakataon na kami ni Rita na sinasabi namin, ‘O, ganito ‘yung gagawin, iaakyat mo ‘yung legs mo rito.’ Tapos sasabihin ni Rita, ‘ilalagay ko ‘yung kamay ko sa …

Read More »

Online sex worker Lloyd Agustin, sisikat kaya sa showbiz?

SISIKAT na uli nang sobra-sobra si John Lloyd Cruz dahil pumayag na siyang magpa-manage sa talent agency ni Maja Salvador at ng fiance nitong si Rambo Nunez. Kung pumapayag na si John Lloyd na magpa-manage, ibig sabihin ay handa na siyang gumawa ng projects ngayon, either pelikula o teleserye. Samantalao, may isang Lloyd na parang sa panahong ito ng pandemya sisikat: si Lloyd Agustin, ang online …

Read More »